"Mom, stop kissing Blue, baka magka rashes na 'yan sa pisngi!" Sumimangot ito sa akin at tinitigan ako ng masama, "You know what? Mas malinis pa ang bunganga ko kesa sa daddy mo! I just missed this little cute baby, nasaan ang dalawa?" "Nando'n kila Evolet, they're upstairs. Kagagaling lang namin sa pedia nila for monthly check-up, I'm glad they're all healthy." "That's good, araw arawin mo naman ang pagdala ng mga apo ko rito, aba wala pa atang tatlong beses sa isang buwan kung dumalaw kayo, sana pala hindi kita pinayagang bumili ng sariling bahay," nagtatampo niyang sambit. Lumapit naman ako sakanya at niyakap siya sa braso. "Sorry, busy lang sa trabaho tsaka alam mo naman na hands-on ako sa mga bata, pinupunan ko lang ang dalawang role bilang magulang," sagot ko naman. Alam

