"Hoy bruha, anong nangyari sa'yo?" Kasalukuyan akong nanonood ng balita sa TV nang pumasok sa kwarto ko si Caia kasunod ang iba ko pang mga kaibigan na may dalang mga pagkain. "I got hospitalized, bakit kayo nandito? Si Caia lang tinawagan ko, 'di ba?" "Grabe, ganiyan ba ang dapat na bungad, dragona? Hindi na ba kami welcome sa palasyo niyo?" Madramang tanong ni Yuhen. "Shut up, Yu. Ayoko nang maingay ngayon, I'm not feeling well." Nagsi-puntahan sila sa tabi ko at kinapa ang noo at leeg ko. Naiinis na iniwas ko ang ulo ko sakanila at pinaghahampas ang kanilang kamay. "Ano nga nangyari sa'yo? Nag-alala kaya ako nang tumawag ka tapos paos boses mo, I thought it's an emergency so I called them," ani Caia. "Ulcer, I fainted that's why Gautier rushed me to hospital." "Gautier?"

