Lamig ng hangin na nanggagaling sa aircon ang siyang nakapagpagising sa akin. Nanginginig na nagmulat ako ng mata at bumungad sa akin ang puting kisame ng hospital. Napa-ungol ako sa lamig na nararamdaman at agad na tinaas ang kumot na nasa tiyan ko. Maliwanag na sa labas senyales na umaga na. Nakatulugan ko na pala ang pagche-check sa akin ng doctor nang dumating kami rito ni Gautier. Speaking of Gautier... Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto at hindi nakita ni anino niya. Where is he? Dahan dahan akong tumayo pero dahil sa lamig ay hindi ko napigilang mapabalik sa pagkakahiga at tabunan ng kumot ang katawan. Napatingin ako sa dextrose na nasa kamay ko. I feel so sick. Medyo mabigat ang ulo ko at para akong sinisilaban ng init sa katawan. Narinig ko ang pagpihit ng se

