MASAMANG PLANO

1547 Words
 “May gusto sana akong sabihin sa’yo,” seryosong bungad niya sa akin nang makapasok din ako sa training ground.  “Ano iyon?” Tumabi ako sa kanya upang makapag-usap kami ng ayos. Hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan ngayon.  “Sa tingin ko ay hindi mo na ako kailangan para sa iyong kapangyarihan,” may lungkot sa boses na panimula niya. Batid ko na ang kanyang tinutukoy ay ang ginawa ko kanina.  Ang totoo ay hindi ko rin alam kung paano ko iyon nagawa. Tila may isang tinig sa aking pagkatao ang nagdikta sa akin na gawin ang bagay na iyon. Matapang ako pero hindi katulad kanina na tila wala akong pakialam kung anuman ang mangyari sa akin.  Isa pa sa nagpapagulo sa aking isip ay kung paano ko gamitin ang aking kakayahan. Kung iisipin ay tila matagal na akong nakikipaglaban kahit bago ko pa lang natutunan ang paggamit ng aking kakayahan. Hindi ko maintindihan ang aking kilos lalo nang sabihin ni Deimos na parang matagal na kaming nakikipaglaban na magkasama kahit unang beses pa lang namin itong ginawa.  Gayunpaman ay masaya ako dahil sa wakas ay napatunayan ko na sa lahat na kaya kong maging magaling na mandirigma kahit ako ang unang babae sa grupo. Hindi bigo si King Daeyn ng payagan niya ako sa aking hiling. Tiyak na matutuwa si Vera kapag nabalitaan niya ang nangyari.  “Sigurado ka ba na kaya ko na talaga?” Gusto kong marinig mismo mula kay Avarice kung kaya ko na nga ang mag-isa. Hindi ko nais na maghiwalay kami agad dahil kaya ko ng gamitin ang aking kakayahan.  “Oo naman. Mas malakas ka kaysa sa akin Althaia kaya sigurado akong kaya mo na,” malungkot siyang ngumiti pagkasabi nun. Hindi ko tiyak kung ang lungkot na nakikita ko sa kanya ay dahil hindi na niya ako tuturuan o ang sinabi niya na mas malakas ako sa kanya. “Ano na ngayon ang gagawin mo?”  “Sa ngayon ay mamamasyal na lang ulit ako dito sa kaharian upang makasama pa kita ng mas matagal,”  Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti dahil sa kanyang sinabi. Tila nabura sa aking isip ang lahat ng aking alalahanin. Laking pasasalamat ko dahil kahit kaya ko ng gamitin ang aking kapangyarihan ay hindi niya pa rin ako iiwan.  Ang totoo ay gusto ko din na makasama pa siya ng mas matagal. Gusto kong makilala pa ng lubusan ang aking kapatid. Maraming bagay pa akong nais malaman mula sa kanya. Isa na doon ay ang tungkol sa aming mga magulang.  “Halika na baka kailangan na nila tayo sa loob,” anyaya ko sa kanya ng maramdaman na tila wala na siyang nais sabihin sa akin. Tumango naman siya bilang sagot kaya nagpatiuna na akong pumasok.  Sinalubong naman ako ni Deimos ng tingin na tila nagtatanong kung ano ang pinag-usapan namin ni Avarice. Nginitian ko na lang s’ya at sumenyas na mamaya ko na lang sasabihin sa kanya.  Mabilis na lumipas ang oras at halos magkakasabay kaming natapos sa mga papeles na kailangan namin tapusin. Nauna ng umuwi si Avarice dahil wala naman s’yang ibang kailangan gawin sa opisina.  “Anong pinag-usapan n’yo kanina?” magkahawak kamay kaming naglalakad ni Deimos upang ihatid n’ya ako sa palasyo.  Hindi kami sumakay ng karwahe ngayon dahil minsan lang naman kami maglakad ng magkasama. Ngumiti muna ako bago sinagot ang kanyang tanong. “Kaya ko na daw gamitin ang aking kapangyarihan at hindi na niya ako kailangan turuan sa paggamit nito,” bahagyang naging malungkot ang aking boses pagkasabi nun. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na maging malungkot dahil hindi na kami madalas na magkakasama ng aking kapatid. Batid ko na madalas pa din siya na magtutungo sa opisina para makita ako pero tiyak na may magbabago sa amin ngayon. Ang walong oras na magkasama kami ay baka maging apat na oras na lang ngayon. Marahil ay napansin ni Deimos ang nakatagong lungkot sa aking mga mata kaya tumigil kami sa paglalakad.  “Alam kong kaya mo ng palakasin pa ang iyong kapangyarihan ng mag-isa kaya huwag ka ng malungkot,” hinawakan niya ako sa ulo at bahagyang ginulo ang aking buhok. “Nalulungkot ako dahil parang hindi ko na makakasama ng mas matagal si Avarice,” pag-amin ko sa kanya ng totoong iniisip ko ngayon.  “Sigurado akong hindi iyon mangyayari,”  Gaya ng madalas na mangyari ay naghihintay na naman sa akin si Vera nang makarating kami ni Deimos sa palasyo. Dahil doon kaya saglit lang kaming nagpaalam sa isa’t-isa. Hindi na naman maikubli sa mukha ni Vera ang saya. Tiyak na batid na nito ang nangyari kanina kaya naman halos magdamag ulit kaming nagkukwentuhan sa aking silid.  AVARICE POV “Anong ginagawa mo Avarice!” naiiritang tanong ko sa aking sarili. Bakit ko ba ginagawa ang bagay na ito.  Hindi ko maipagkakaila sa aking sarili ang sobrang selos na nararamdaman ng maabutan namin ni Marko na naglalambingan sa opisina sina Althaia at Deimos. Batid ko na kailangan pa din ng aking kapatid ang gabay ko para sa paggamit ng kanyang kapangyarihan ngunit hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.  Wala sa aking plano na hayaan siyang matutunan ang ibang teknik sa paggamit ng kanyang kapangyarihan. Tila may tinik sa aking puso ang patuloy na lumalago at nananakit sa aking damdamin.  Sa puntong ito ay sigurado na ako sa gusto kong mangyari. Hindi na ako magpapadala sa aking konsensya. Hahayaan ko na ang aking puso ang masunod sa pagkakataong ito. Kasalukuyan akong nakaupo sa aking higaan at nakaharap sa aking damitan.  Napatayo ako ng may magandang ideya akong naisip. Binuksan ko ang aking damitan at kinuha doon ang isang magandang bestida na binili ko nung nakaraan sa pamilihan. Hapit sa aking katawan ang tabas nun dahilan upang lalo itong bumagay sa akin.  Gawa sa manipis na tela ang damit at floral naman ang print nito. Halos lahat ng bulaklak ay kulay pula kaya lalong tumingkad ang akingmaputing balat kapag tinatamaan ng ilaw. Tanging manipis na strap lamang ang nagsisilbing manggas nito.  Naglagay ako ng manipis na make-up sa aking mukha at binagayan ko iyon ng kulay rosas na lipstick. Inayos ko din ang aking buhok na lampas lamang sa aking balikat. Nang masigurong maayos na ang aking itsura ay tumayo na ako at umikot ng ilang beses sa harapan ng salamin.  Hindi ko na kailangan pa maghintay ng tamang oras para gawin ang bagay na gusto ko. Sisiguraduhin ko din na walang makakapigil sa akin maging sino pa man. Tinignan ko ang oras sa aking lamesa at napangiti ako dahil malapit na ang tamang oras para sa akin. Muli akong sumulyap sa aking salamin bago nagdesisyon lumabas ng tinutuluyan kong kwarto.  Maririnig ang tunog ng aking sapatos sa bawat paghakbang na ginagawa ko patungo sa kwarto na tinutuluyan ni Deimos. Batid ko na inihatid niya si Althaia sa palasyo at alam ko din na malapit na siyang dumating. Madalas kong nakikita si Deimos kapag dumadating dahil hinihintay ko siya habang nakatanaw sa aking bintana.  Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang makapasok sa silid ni Deimos. Ngayon lang ako nakapasok sa kanyang kwarto at hindi ko inakala na ganito iyon kaganda. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid at nag-isip kung saan ako maaaring pumwesto upang sorpresahin ang lalaki. Ngayon pa lang ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mapangiti dahil sa aking ginagawa ngayon. Wala na akong pakialam kung anuman ang sasabihin ni Deimos. Ang mahalaga sa akin ngayon ay sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.  Nakita ko ang bookshelves ni Deimos kung saan may nakatapat doon na isang maliit na sofa. Tiyak na iyon ang ginagamit niyang upuan kapag nagbabasa. Muli akong napangiti nang maisip na malamang ay hilig niya ang magbasa dahil sa dami ng libro na nakasalansan sa kanyang lagayan.  Balak ko ng umupo doon nang mahagip ng aking paningin ang kanyang higaan. Lumapit ako doon at hinayaan ang sarili kong palad na damhin ang malambot niyang higaan. Hindi ko din napigilan ang aking sarili na humiga doon at amuyin ang natural na amoy ni Deimos. Para akong hibang at tila lumulutang sa ulap dahil sa kakaibang sensasyon na aking nararamdaman ngayon. Hindi ko akalain na magiging ganito ako ngayon. Patuloy lang ako sa aking ginagawa. Niyakap ko din ang unan niya habang iniisip na kayakap din ang lalaki. “Baka kung anong gawin sa akin ni Deimos kapag naabutan niya akong nakahiga sa kanyang kama,”  Bumalikwas ako ng bangon at muling inilibot ang tingin sa loob ng kanyang silid. Sa huli ay nagdesisyon ako na sa sofa na lang ako manatili habang hinihintay ang pagdating ng lalaki.  “Bakit tila ang tagal niyang dumating ngayon?” nakaramdam ako ng pangamba sa isipin na iyon. Lampas na si Deimos sa oras kung saan ay nakakauwi na siya. Napatayo ako at nagpalakad-lakad sa silid pero maya-maya lang ay nakarinig na ako ng hakbang patungo sa silid na aking kinaroroonan.  Muli akong bumalik sa sofa at inayos ang aking pagkakaupo. Ipinagsalikop ko ang mahahabang hita at sinadya na makita iyon ng lalaki kapag dumating. Hinawi ko din ang aking buhok at siniguro na magiging maganda ako sa kanyang paningin ngayong gabi.  “Magiging akin ka na ngayon Deimos!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD