“Althaia!” Malakas na sigaw ko sa babae nang makita ang walang takot na paglalakad niya upang makalabas sa shield na nagsisilbing proteksyon ng mga mandirigma. Maging si Marko at Avarice ay parehong nagulat dahil sa kasalukuyan na ginagawa ni Althaia.
“Anong iniisip niyang gawin?” nagtatakang tanong ni Avarice. Walang may nais na pigilan si Althaia sa ginagawa nito.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na sumunod sa kanya. Balak ata nitong salubungin ang galit na halimaw. Nakakatakot ang tingin nito sa amin at handa na sa anumang atake na kailangan nitong gawin. Nanlilisik ang mga mata nito at panay ang pagwawala ng kanyang buntot.
“Althaia!” malakas na pagtawag ko sa kanya ngunit tila hindi niya ako naririnig dahil patuloy lamang siya sa kanyang paglalakad.
Hindi ako makapapayag na may masamang mangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nangyari ang bagay na iyon. Alam kong kaya na niya gamitin ang kanyang kapangyarihan dahil sa ilang araw niyang pagsasanay pero natatakot pa din ako sa maaaring mangyari.
“Althaia hintayin mo ako!” muling tawag ko sa kanya pero hindi pa din siya lumingon sa akin.
Malapit ng lumampas si Althaia kung saan naroon ang shield kaya mas binilisan ko pa ang aking paglalakad upang maabutan siya. Saglit siyang tumigil at napansin ko ang naging mariin niyang pagpikit. Ang maamong mukha niya ay napalitan ngayon ng tapang upang harapin ang halimaw.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isip ngayon. Ang halimaw ay nakahanda na sa pag-atake oras na makalabas siya ng aming shield. Nag-usal ako ng salita para sa aking kapangyarihan. Medyo malayo pa ako kay Althaia nang makita ang paghakbang nito kung saan ay makakalabas na siya sa shield.
“Althaia!” nahihintakutan na sigaw ko. Hindi ko tiyak kung may magagawa ako sa oras na masaktan siya ng halimaw.
Ang gitnang ulo ng ahas ay biglang lumaki ang bibig at handa na ito upang lamunin ang aking kasintahan. Pumikit ako ng mariin at inihanda ang sarili. Halos hindi ako makahinga nang makita ang paglapit ng halimaw kay Althaia. Naging mabilis ang aking kilos at agad akong tumalon ng mataas upang salubungin ng aking espada ang malaking bibig nito.
Nang lumanding ako sa lupa ay agad na maririnig ang nakakabingi nitong ingay. Tiyak na nasaktan ito dahil sa ginawa kong atake. Makikita ang pagsirit ng likido na nagmumula sa kanyang katawan dahil sa sugat na natamo nito mula sa aking atake.
Tuluyan ng nakalabas ng shield si Althaia kaya agad k siyang tinignan upang masiguro na hindi siya nasaktan. Nakakapagtaka na hindi ko siya makitaan ng kahit anong emosyon sa kanyang magandang mukha. Balewala sa kanya ang kapahamakan na posibleng mangyari sa kanya.
Hindi ko na muna siya pinansin at ibinalik na lang ang atensyon sa halimaw. Nagwawala ang malaking ahas dahil sa sakit na nararamdaman nito kaya lalong naging nakakatakot ang bawat kilos ng buntot nito. Kahit anong oras ay siguradong mabibitak ang ilang bahagi ng kalupaan.
“Althaia bumalik ka na sa ating mga kasama, ako na ang bahala dito,” pagtataboy ko sa kanya. Pasalamat ako at naging mabilis ang aking kilos kanina kaya hindi siya nasaktan. Kung nagkataon ay tiyak na hindi ko alam ang maaari kong gawin.
Hindi ako dapat mag-akasaya ng oras lalo at dinadamdam pa ng halimaw ang sakit sa ginawa kong pag-atake. Tumalon ulit ako upang muling umatake sa gitnang ulo ng halimaw. Hindi ko na nagawang tignan si Althaia kaya hindi ko batid kung ano ang kanyang ginagawa. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay mapaslang agad ang kalaban upang hindi na ito makapaminsala pa sa kaharian.
Iwinasiwas ko muli ang aking espada at naramdaman ko ang pagtama nun sa leeg ng halimaw. Makikita ang pagsirit ulit ng likido nito mula sa kanyang katawan kasabay ang pagwawala ng kanyang buntot. Tila nais din nitong wasakin ang shield na pumoprotekta sa mga mandirigma. Inihanda ko ulit ang sarili sa muling pag-atake.
“Konti na lang.” Sigrado akong ilang sugat na lang ang kailangan kong gawin at mapapaslang ko na ang halimaw. Itinaas ko ang kamay na may hawak sa espada at muling inihanda ang sarili sa aking pag-atake.
“Deimos!” sigaw ni Althaia dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Hindi ko naramdaman na kasama ko pa din pala siya.
Agad kong napansin ang nakakasilaw na liwanag mula sa kanyang palad. Dahan-dahan na din siyang umaangat ngayon sa ere. Hindi ko alam kung paano niya ginagawa ang bagay na iyon.
“Anong ginagawa mo?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hindi ko gustong mapahamak siya sa kung anong iniisip niyang gawin ngayon.
“Tutulungan kitang umatake sa halimaw,” parang wala lang na sagot niya sa akin. Mataman ko siyang tinignan pero gaya ng sabi ko kanina ay tila nag-iba ngayon ang babae. Hindi ko pa din siya makitaan ng takot at sa halip ay nakahanda na din siya sa kanyang pag-atake.
Nakalutang na siya sa ere kung saan may tamang distansya sa halimaw upang hindi siya masaktan nito. Hindi ko alam kung paano niya ako tutulungan pero alam kong may plano siya. Sumunod na lang ako sa kanya kung saan siya nakaposisyon at mtaman siyang tinitigan.
“Elboud rewop trelam!” Muli kong binigkas ang mahiwagang salita para sa aking kapangyarihan. Mas dumoble ang liwanag ng kapangyarihan ni Althaia kaya maging ang halimaw ay tila hindi kayang tumingin sa aming direksyon.
Naging pagkakataon namin iyon upang muling umatake. Magkasabay kaming umatake ni Althaia. Kung pagmamasan ay tila matagal na namin ginagawa ang bagay na ito. Pakiramdam ko ay tila naging isa ang aming kilos. Iwinasiwas ko ang aking espada sa gitnang ulo ng halimaw. Naghagis naman ng nagliliwanag na bola si Althaia upang patamaan ang halimaw dahilan para maalarma ako.
“Althaia, anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Naalala ko nung huling beses na ginawa iyon ng babae ay para dagdagan ang enerhiya ng sinuman na tamaan ng bolang iyon.
“Iba ang layunin ng aking bolang kristal ngayon. Hindi upang dagdagan ang kanyang enerhiya at sa halip ay upang bawasan iyon,” nakangiting sagot niya sa akin. Hindi ko pa din maintindihan kung ano ang kanyang ibig sabihin.
“Napagtanto ko na kapag kampon ng kadiliman ang ginamitan ko ng aking kapangyarihan ay nagiging kabaligtaran ang kinalabasan,” paliwanag niya at patuloy lamang sa ginagawang pag-atake.
Sa kanya nakatuon ang aking atensyon kaya hindi ko namalayan na ako ang punterya ng galit na buntot ng halimaw. Huli na para umiwas ako sa hagupit nun kaya tumama sa akin ang buntot nito dahilan upang sumuray ang aking katawan sa ere. Hindi ko magawang kontrolin ang aking balanse dahil bahagya akong nasaktan sa ginawa ng halimaw.
“Deimos!” natatarantang sigaw ni Marko at Avarice nang makitang malalaglag na ako sa lupa. Nang malapit na akong lumanding sa lupa ay agad kong inipon ang aking enerhiya at muling ituinuon ang atensyon sa aking pagbalanse. Tagumpay o itong nagawa at nagpaikot-ikot ako upang muling umangat sa rere kung saan naroon ang aking kasintahan na mag-isang umaatake sa halimaw.
Marahan na tinapik ni Althaia ang aking likuran ng makalapit ako sa kanya. Agad kong naramdaman ang init na nagmumula sa kanyang palad. Tiyak ko na ginamit niya ngayon ang kanyang healing power. Maya-maya lang ay nawala agad ang sakit na saglit kong naramdaman dahil sa ginawa ng halimaw kanina.
“Salamat,” naagiting pasalamat ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot sa akin at muling ibinalik ang tingin sa galit na halimaw. Lalong nagwala ang malaking ahas dahil hindi kami natinag ni Althaia at kasalukuyan pa din na nasa harapan nito. Umuusok ang ilong nito at nanlilisik ang mga mata. Nakakahilong tignan ang apat na ulo nito na abala sa ginagawang ag-atake sa shield ng mga kasama kong mandirigma.
“Tapusin na natin ito!” walang pag-aalinlangan na sigaw ni Althaia na agad kong sinang-ayunan.
Muling pumikit ng mariin si Althaia upang palabasin ang kanyang kapangyarihan. Nabalot ng liwanag ang buong katawan ni Althaia at tila isa siyang diyosa sa kalangitan dahil sa kanyang itsura. Hindi iyon masakit sa mata at napakaganda niyang pagmasdan. Magkasalikop ang dalawa niyang palad at tila bumubuo siya doon ng isang napakalakas na enerhiya na kanyang gagamitin bilang atake sa halimaw.
Hindi nga ako nagkamali dahil nang paghiwalayin niya ang mga palad ay agad kong nakita ang bagay na tila may kuryente dahil sa nagkikislapan na liwanag mula doon. Tumingin sa akin si Althaia at tumango bilang hudyat na handa na siya sa pag-atake.
“Yatam ma ake!” Itinaas ko ang aking kamay na may hawak sa espada. Ibinalik ko ang tingin kay Althaia at tumango din upang sabay namin pakawalan ang aming atake. Saktong nakatingin sa aming dalawa ang galit na halimaw kaya hindi nito napigilan ang malakas na enerhiyang tumama sa kanyang gitnang ulo.
Ang liwanag na nagmula sa katawan ni Althaia ay unti-unting nawala. Sa halip ay ang katawan na ngayon ng halimaw ang nagliliwanag.Muing umataungal ang halimaw at nagkabitak-bitak ang lupa kung saan tumatama ang malaking buntot nito, Nabuwal na din ang ilang punong kahoy dahil sa lakas ng impact.
Naglabasan ang mga likido sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. Mabilis na gumawa ng shield si Althaia para sa aming dalawa upang hindi kami matamaan ng mga lason na nagmumula sa katawan ng halimaw. Dahil sa pinagsamang lakas namin kaya agad na sumabog ang katawan ng malaking ahas. Wala itong pinalampas at maging ang limang ulo nito ay nalusaw na parang abo at tinangay ng hangin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na ang aming kalaban samantalang habol naman ni Althaia ang kanyang hininga dahil sa lakas ng enerhiya na kanyang pinakawalan. Naghiyawan agad ang mga mandirigma ng masaksihan ang tuluyang paglaho ng kalaban. Magkahawak kamay kaming bumaba sa lupa ni Althaia upang samahan na ang mga mandirigma. Mababakas sa mga mukha nila Avarice at Marko ang saya ng aming tagumpay nang salubungin nila kami.
“Hindi ko akalain na kaya mo ng makipagsabayan kay Deimos,” nakangiting puri ni Marko kay Althaia.
“Hindi ko din alam,” natatawang sagot naman nito.
“Grabe ang galing n’yong dalawa,” patuloy na papuri nito sa amin.
“Syempre naman kami pa ba? Parang matagal na nga namin itong ginagawa ni Althaia,” pabirong sagot ko kay Marko. Nang mapagtanto ang aking sinabi ay tila may naramdaman akong kakaiba dahilan upang muli akong sumeryoso.
“Ayos ka lang ba?” baling na tanong ni Avarice. Nagkatinginan kaming dalawa ni Althaia dahil sa halip na siya ang tanungin ni Avarice ay sa akin nakatingin ang babae.
“Ayos lang,” tipid na sagot ko. Hindi ko nais bigyan ng kahulugan ang bagay na iyon pero tila iba ang naging pakiramdam ko. Hinawakan ko na lang sa kamay si Althaia at nauna na kaming naglakad sa dalawang kasama. Hindi ko na din nagawang magpaalam sa dalawa.
Nakabalik na kami sa opisina pero hindi pa din mawala sa aking isip ang ginawa kanina ni Avarice. Kapansin-pansin din ang pagiging tahimik ni Althaia na tila may malalim na iniisip simula ng makabalik kami. Malamang ay pareho kami ng iniisip ngayon.
“Althaia, ayos ka lang ba?” Nagulat pa siya ng tawagin ko. Kami pa lang ang nasa opisina dahil nauna kaming umalis sa pamilihan. Maya-maya lang ay tiyak na darating na din ang aming mga kasama.
“O-oo ayos lang ako,” alanganin na sagot niya sa akin. Kilala ko si Althaia at alam ko kapag may gumugulo sa kanyang isipan. Hindi n’ya man iyon sabihin sa akin ay malakas naman ang aking pakiramdam doon.
Kinabig ko s’ya upang isandal ang kanyang ulo sa aking dibdib. Hindi ko gustong makita siya na malugkot. Tiyak ko na may iniisip siya pero hindi ko nais na pilitin ang babae a sabihin sa akin kung ano iyon.
Oo nga at ako ang kasintahan niya peo wala akong karapatan na pangunaha siya sa mga personal niyang iniisip. Ang mahalaga ay nandito ako para damayan siya at alisin ang malungkot niyang nararamdaman.
“Thank you,” mahinang wika niya habang nakasandal pa din sa akin. Tumango lang ako kahit hindi niya iyon nakikita. Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok na madalas kong gawin.
Hindi na humihinga ng malalim si Althaia bilang hudyat na tagumpay ako sa pagpapakalma sa kanyang nararamdaman. Hinalikan ko na din ang tutok ng kanyang ulo bilang pagpaparamdam na sobrang mahal ko s’ya at nandito lang ako lagi sa kanyang tabi. Kumalas lang si Althaia sa pagkakayakap sa akin nang bumukas ang pinto ng opisina.
“Sorry, naistorbo yata namin kayo,” pilyong wika ni Marko na agad umatras nang makita ang posisyon namin ni Althaia.
“Hindi naman pinpakalma ko lang si Althaia, nabigla yata sa pakikipaglaban,” pagdadahilan ko at tumayo na din upang magtungo sa aking table.
“Iba talaga kapag may minamahal,” nakataas pa ang kilay na pagpaparnig ni Marko bago ito tumuloy sa kanyang pwesto.
“Ang dami mong alam,” masiglang saway sa kanya ni Althaia. Nakangiti na ngayon ang babae bagay na nagbigay ligaya sa akin.
“Althaia pwede ba kitang makausap?” Hindi ko napansin na kasama pala namin sa silid si Avarice. Nakita ko ang pagtango ni Althaia bilang pagpayag sa gusto nito. Tumayo na siya at sumunod sa kanyang kapatid patungo sa training ground.
“Sino ka ba talaga Avarice?” Hindi ko mapigilan na tanong sa aking sarili.