UNANG SABAK

2426 Words
“Halika na.” Anyaya ko kay Deimos nang matapos siya sa kanyang mga kailangan gawin ngayong araw.  Mabilis na lumipas ang araw at ilang linggo na simula nang magsimula akong magsanay sa paggamit ng aking kapangyarihan. Unti-unti ay nagiging normal na para sa akin ang lahat ng aking ginagawa.  Masasabi kong hindi na ako ang ordinaryong Althaia na walang ibang alam gawin kundi ang manatili sa tabi ng aking kaibigan na si Vera. Malaki na ang nagbago sa akin simula ng mawala ang aking mga mahal sa buhay.  Ang mga bagay na natatakot akong gawin ay kaya ko na ngayon. Ang dating tahimik na Althaia simula nang pumasok ako sa mundo ng mga mandirigma ay isa na ngayong hinahangaan ng aking mga kasama. Hindi nila akalain na talagang babaguhin ko ang mundo ng mandirigma sa kaharian.  Ang mga hindi naniniwala sa aking kakayahan ay tuluyan na akong tinanggap. Maging ang mahal na hari ay masaya sa kanyang naging desisyon na payagan akong maging mandirigma. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil kung hindi siya pumayag ay baka hindi ko natuklasan ang aking kakayahan.  Syempre ay hindi ko makakalimutan si Avarice na matiyagang nagturo sa akin ng mga dapat kong matutunan. Hiling ko na sana ay hindi na muna bumalik si Avarice sa kanyang tahanan at manatili sa aking tabi. Gusto ko pa siyang makilala ng lubusan. Gayunpaman ay tila may nararamdaman akong kakaiba sa kanya.  Hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip kaya hindi ko siya nais pangunahan. Madalas ko lang mapansin ang ginawa niyang pag-iwas sa amin ni Deimos. Sabagay ay naiintindihan ko iyon dahil hindi din siya sanay sa buhay namin dito. Sigurado ako na iba ang buhay na meron siya sa kanilang kaharian. Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa din ako kung nais kong sumama sa kanya pabalik.  “Ayos ka lang ba?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Deimos nang mapansin nito na tila seryoso ako sa aking iniisip.  “Oo ayos lang ako.” Pinilit ko na pasayahin ang aking mukha upang hindi na siya mag-isip pa ng kung ano.  Kasalukuyan kaming namamasyal ngayon sa pamilihan gaya ng aming napagkasunduan kapag wala kami masyadong trabaho sa opisina. Hindi ko nais na mag-alala siya at masira ang masayang araw namin ngayon. Natigil ako sa paglalakad ng humarang siya sa aking harapan at mataman akong tinitigan.  “Sabihin mo sa akin kung ano ang gumugulo sa iyong isipan.” Hinawakan niya ang aking mukha upang magtama ang aming mga mata.  Hindi pa naman kami ganun katagal ni Deimos pero tila kilalang-kilala na ako ng lalaki. Katulad siya ni Vera na hindi ko kayang pagtaguan ng totoo kong nararamdaman. Napapansin nila kapag may gumugulo sa aking isipan kaya hindi ko magawang itago sa kanila ang aking mga iniisip.  “Kasi---.” Hindi ko alam kung bakit tila may pumipigil sa aking sarili na sabihin kay Deimos ang iniisip.  “Handa akong makinig kahit ano pa ang iyong sabihin.” Tila sinisigurado niya na magiging maayos ang aking pakiramdam matapos kong sabihin sa kanya ang gumugulo sa aking isipan.  Nakipagtitigan ako sa kanya pero sa huli ay ako din ang sumuko. Hinawakan ko siya sa braso at hinila upang umupo muna kami sa isang bench. Siguro nga ay mas mabuti na sabihin ko sa kanya kung anong gumugulo sa akin ngayon. “May napapansin kasi ako kay Avarice.” Panimula ko sa aking gustong sabihin.  “Ano iyon?” Ito ang isa sa katangian na gusto ko kay Deimos. Bukas ang kanyang puso at isip sa lahat ng aking nararamdaman. Ang swerte ko talaga na nakilala siya at umabot kami sa pagmamahalan.  “Parang umiiwas siya sa atin.” Diretsang sagot ko sa kanya. Tila natigilan naman si Deimos sa aking sinabi.  “Baka pagod lang siya at gustong magpahinga.” Hindi siya nakatingin sa akin nang sabihin iyon. “Siguro nga.” Hindi ko alam pero tila hindi iyon matanggap ng aking sarili. Iba ang aking nararamdaman pero hindi ko iyon gustong isipin. “Halika na nagugutom na ako.” Tumayo na si Deimos upang yayain ako na muli kaming maglakad upang maghanap ng aming kakainan.  “Tara.” Ngumiti ako bago kinuha ang kanyang kamay. Tahimik lang kaming naglakad hanggang nakapili kami ng lugar kung saan kami kakain. Malapit na mag-agaw ang dilim at liwanag ng magdesisyon kami bago umuwi.  “Gusto mo ba pumasok sa palasyo?” Tanong ko sa kanya ng nasa harap kami na ng palasyo. Mabuti naman at hindi naghihintay sa akin si Vera ngayon. Malamang ay maraming ginagawa ang aking kaibigan.  “Hindi na, sa susunod na lang.” Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi.  “Mag-ingat ka sa iyong pag-uwi.” Hindi siya sumagot at mahigpit lang akong niyakap. Hinalikan niya din ako sa noo gaya ng madalas niyang ginagawa kapag hinahatid ako sa palasyo.  “Pumasok ka na para makapagpahinga.” Humiwalay na ako mula sa kanyang pagkakayakap at saka naglakad papasok sa palasyo.    Nakatayo pa din siya sa kanyang pwesto kanina at nakatanaw lang sa akin. Muli akong tumingin sa kanya at kumaway bago ko tuluyang isara ang malaking pintuan ng palasyo. Saka lang siya tumalikod sa akin at naglakad patungo sa karwahe na naghihintay sa kanya.  Hindi pa din mawala sa aking isip si Avarice. Ipinilig ko ang ulo upang alisin sa aking utak kung anuman ang aking iniisip tungkol sa kanya. Hindi iyon makabubuti sa amin parehas. Hindi ko nais paghinalaan ang aking kapatid dahil siya lang ang nag-iisa kong pamilya dito. Isa pa ay s’ya ang tumulong sa akin para matutunan kong gamitin ang aking kapangyarihan. Natulog na lang ako at tuluyan ng kinalimutan kung ano ang aking iniisip. Madilim pa lang ay nagising na ako dahil sa malakas na tunog ng alarm para sa aming mga mandirigma. Pakiramdam ko ay kapipikit ko lang pero heto at kailangan ko ng tumayo para gampanan ang aking tungkulin. Umupo na ako mula sa aking pagkakahiga. Nag-inat ng katawan upang mawala ang antok na nararamdaman. Tuluyan na akong nagising ng maalala na ito ang unang pagkakataon na magagamit ang aking kapangyarihan laban sa kampon ng kadiliman. Hiling ko na sana ay hindi average ang halimaw na nakapasok ngayon sa kaharian.  Mabilis akong naglinis ng katawan at agad na din lumabas ng palasyo upang magtungo sa aming opisina. Agad akong sinalubong ni Deimos at Marko. Nakahanda na ang ilang mandirigma na aming kasama ngayon na nakatalaga sa bawat tungkulin na dapat nilang gawin. “Sigurado ka ba na kaya mo na?” Bakas sa mukha ni Deimos ang pag-aalala. Batid ng lahat na bago ko pa lang natutunan ang aking kapangyarihan kaya nag-aalala sila sa aking kapasidad para sa tungkulin.  “Oo kaya ko na kaya huwag kang mag-alala.” Hinawakan ko ang kanyang kamay upang alisin ang kanyang pag-aalala. “Nandito ako para gabayan si Althaia.” Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Hindi namin akalain na magtutungo si Avarice ngayon dito upang tumulong sa amin. Lumapit siya sa amin at nginitian ko s’ya.  “Mabuti kung ganun.” Masayang komento ni Marko nang marinig ang aming usapan. “Althaia manatili ka sa aking tabi tapos Marko ikaw ang bahala kay Avarice.” Bilin ni Deimos sa amin. “Roger!” Magkasabay na sagot namin at agad na nagtungo sa aming pwesto.  “Let’s go.” Agad kaming sumakay sa aming mga karwahe upang mabilis na magtungo sa pamilihan kung saan naroon ang aming makakalaban.  Lihim akong napangiti ng maalala ang huling beses na sumama ako sa mga mandirigma upang paslangin ang halimaw. Nanatili lang ako sa grupo ng mga healer at hindi ako hinayaan ni Deimos na sumama sa kanila na nakikipaglaban sa halimaw. Masasabi kong isa na talaga akong tunay na mandirigma dahil wala na ako sa pinakahuling grupo. Isa pa sa nagpapasaya sa akin ay ang pribilehiyo ng katabi si Deimos na makikipaglaban sa halimaw.  Tinignan ako ni Deimos at mahigpit na pinisil ang aking kamay dahilan para ngitian ko s’ya. Batid ko na nag-aalala pa din ang lalaki para sa aking kaligtasan kaya sisiguraduhin ko na magagampanan ng mabuti ang aking tungkulin.  “Ayos lang ako.” Saka lang s’ya ngumiti nang marinig ang aking sinabi. Hindi s’ya dapat mag-alala sa akin dahil baka maging hadlang iyon sa kanyang pakikipaglaban kapag ako ang patuloy niyang inisip. “Alam ko dahil malakas ka.” Mas lumapad ang aking ngiti sa kanyang komento.  Maya-maya lang ay nakarating na kami sa pamilihan kung saan naghihintay ang aming kalaban. Saglit akong nagulat sa hitsura nito. Kung dati ay tila mababangis na hayop ang aming kalaban, sa ngayon ay isa itong tila nakakadiring hayop. Mahaba ang katawan nito na tila sa malaking ahas. Malansa ang amoy ng paligid dahil sa likido na nilalabas ng kanyang katawan. Malaki ang limang ulo nito na tiyak nagpapasindak sa lahat ng makakakita. Mabuti na lang at hindi siya maaga nagtungo sa aming kaharian dahil tiyak na matatakot ang mga bata.  Nang makita kami nito ay agad na narinig ang malakas na huni ng ahas. Nakakabingi iyon kaya agad na tinakpan namin ang mga tainga upang hindi siya masyadong marinig. Bawat punong kahoy na natatamaan ng nagwawalang buntot nito ay agad na nawawasak. Paano pa kaya kung sa amin iyon tumama siguradong hindi na kami mabubuhay.  “Mag-ingat kayo dahil mahirap hulaan ang kilos ng halimaw na iyan.” Agad na babala ni Deimos sa lahat nang nakapwesto na ang lahat.  “Hindi basta-basta sumusugod ang halimaw na iyan dahil likas siyang mapanlinlang. Madalas ay nagmamasid lamang s’ya at hinuhuli kung ano ang ating mga gagawin upang kanyang maiwasan.” Pahabol ni Deimos.  Hindi ko akalain na tila may sariling utak din pala ang mga halimaw na nakakapasok sa kaharian. Sa tingin ko ay average ang ahas na ito base sa paliwanag ni Deimos. Kapag sinuswerte nga naman.  “Alam n’yo na ang mga dapat gawin. Siguraduhin natin na ang gitnang ulo ang masaktan sa kanya dahil kapag iyong apat na ulo sa gilid ay paniguradong hindi mamamatay ang halimaw.” “Roger!” Malakas na sigaw ng lahat bilang sang-ayon sa sinabi ni Deimos. Naghanda na agad ang lahat sa kanilang mga posisyon. Hindi namin kailngan patagalin ang pagpaslang sa halimaw dahil baka magdulot pa iyon ng mas malaking pinsala sa kaharian.  Naramdaman ko na tila tumalas ang tingin ng halimaw sa amin. Nakakatakot ang itsura nito idagdag pa ang walang habas na paglabas ng makitid nitong dila na nagdudulot ng nakakabinging ingay sa paligid.  Sumenyas na si Marko kay Deimos bilang hudyat na handa na sila sa dapat nilang gawin. Katulad dati ay magkakasama sa grupo ang parehong mga hawak na elemento.  “Pigilan ng mga poison holder na umatake dahil mas magiging doble ang lason na gawa ng halimaw.” Pahabol ulit ni Deimos kaya agad na umatras ang grupo ng mga may hawak sa elemento ng lason. “Simulan na natin!” Pagkasigaw ni Deimos ay agad na sumenyas si Marko sa mga may hawak sa elemento ng apoy upang pasabugan ang halimaw na ahas at pag-aralan kung ano ang epekto ng kanilang ginawa.  Agad naman na nagpakita ng epekto ang halimaw na ahas. Hindi nga lag ang nasa gitnang ulo nito ang nasaktan kaya patuloy pa rin kami makikipaglaban. Pagkatapos ay sumunod na din na umatake ang ilang mandirigma upang puruhan ang gitnang ulo ng halimaw.  Bawat elementong tumatawa sa katawan ng malaking ahas ay ag pagwawala din ng malaking buntot nito dahilan upang hindi kami makalapit ng mabuti. Muling sumenyas si Mark bilang paghahanda sa susunod na atake. Gayunpaman ay patuloy na nakakaiwas ang gitnang ulo ng ahas kaya balewala ang lahat ng aming mga atake.  “Elboud rewop trelam!” Napalingon ako kay Deimos nang marinig ang malakas na pagsigaw nito.  Nagliwanag ang kanyang espada at marahan na ikinumpas ang sandata. Ang mahiang atake ng mga mandirigma ay mabilis na dumoble dahil sa salitang binigkas ni Deimos. Ngayon ko lang nakita si Deimos na ginamit ang kanyang kapangyarihan na gaya ngayon.  Agad na narinig ang malakas na ingay ng halimaw bilan hudyat na nasaktan ito sa aming huling atake. Nang mawala ang liwanag any makikita na naputol ang halos tatlo sa uo nito. Gayunpaman ay hindi pa din sapat ang aming ginawa dahil agad na tumubo ulit ang mga iyon.  “Grabe naman ang halimaw na yan.” Narinig kong reklamo ni Marko nang makita ang nangyari.  “Humanda kayo dahil siguradong gaganti na ng atake ang halimaw na yan.” Babala sa amin ni Deimos dahilan upang sumenyas si Marko na umatras muna ang mga kasama bilang paghahanda.  Tama nga ang sinabi ni Deimos dahil maya-maya ay biglang gumalaw ang lupa na aming kinatatayuan. Makikita na tila naghuhukay ang malaking ahas gamit ang kanyang katawan. Ang malaking buntot nito ay galit na sinisira ang bawat punong kahoy na matatamaan. Muli kaming umatras upang masiguro ang aming kaligtasan. Naging mabilis ang pakilos ng halimaw at hindi namin agad namalayan na malapit na ito sa amin.  “Ang shield!” Malakas na sigaw ulit ni Deimos nang maramdaman ang gagawin na pag-atake ng kalaban.  Nagkaroon ng tila fog sa paligid. Maganda siang tignan pero hindi namin akalain na lason pala iyon mula sa kamandag ng halimaw. Mabuti na lang at naging alerto ang mga gumagawa ng shield kaya hindi sila nahuli ng gawin iyon. Hinintay muna namin na mawala ang fog sa paligid bago naghanda ang mga mandirigma sa susunod na pag-atake.  “Marko, ako na ang bahala sa halimaw na yan,” matapang na saad ni Deimos dahilan upang panlakihan ko s’ya ng mata. Tila hindi ko nagustuhan ang akin narinig. Nandito kami para tumulong pero bakit n’ya iyon sinabi.  “Huwag kang mag-alala kaya ko ang halimaw na yan. Ito ang naisip kong paraan para walang masaktan sa ating mga kasama.”  Tila naintindihan niya ang gustong iparating ng aking tingin sa kanya. Umiling ako bilang sagot sa kanyang sinabi. Nangako ako sa sarili na gagampanan ko ng mabuti ang aking tungkulin ngayon.  “Althaia kilala namin si Deimos at ito ang madalas niyang ginagawa kapag nahihirapan kaming paslangin ang isang halimaw.”  Ibinaling ko ang tingin kay Marko at tinitigan siya ng masama. Nakaramdam naman ng takot sa akin ang lalaki at agad na nagtago sa likod ni Avarice. Hindi ako payag sa gusto nilang mangyari. Handa akong tulungan si Deimos maging anuman ang kapalit nito.  “Para din ito sa iyong kaligtasan,” pagmamatigas ng aking kasintahan.  “Wala akong pakialam.”  Pagkasabi nun ay agad akong kumilos upang pangunahan si Deimos sa gusto niyang mangyari.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD