UNANG PAGSUBOK

1586 Words
“Kailangan mo ulit gawin kung ano ang ginawa mo nung nakaraan upang matutunan mo ang pagkontrol sa iyong kakayahan.” Katatapos ko lang gawin ang mga papeles na nakasalansan sa aking lamesa at ito na ngayon ang kasalukuyan kong ginagawa. Hinahati namin ni Deimos ang aming oras para makapagtrabo at matulungan ako sa aking problemang kinakaharap na may kinalaman sa aking kapangyarihan. Oo nga at napapalabas ko na iyon pero hindi din nagtatatagal at kusa na itong nawawala. Pakiramdam ko ay nauubos ang aking enerhiya sa paulit-ulit kong ginagawang pagpapalabas ditto kaya kailangan ko ng matutunan ang pagkontrol upang hindi ako muling magsimula sa una. Nandito na naman kami ni Deimos sa training ground upang magawa ang bagay na dapat kong gawin. Kailangan ko ng matutunan ang bagay na ito dahil napapagod na din ako. Isa pa ay pra hindi ko na magamit ang oras ni Deimos na para dapat sa ibang trabaho nito. Nagawa kong palabasin ang aking kakayahan nung panahon na mag-isa lamang ako. Naisip ko na baka magawa ko din ang pagkontrol ditto ng hindi kasama si Deimos. Aaminin ko na magaling na mandirigma si Deimos pero bagay sa kanya ang titulong iyon pagdating sa pagtuturo. Wala talaga akong maintindihan sa kanyang mga sinasabi dahilan para ma-pressure ako sa dapat kong gawin. “Ano kaya kung pumasok ka na sa loob.” Suhestiyon ko sa kanya kaya napakunot ang noo nito habang pinagmamasdan ako. “Bakit mo ako pinapaalis?” Nakakunot na ang noo nito ngayon habang nakatingin pa din sa akin ng seryoso. “Naisip ko lang na baka matutunan ko ang pagkontrol sa aking kapangyarihan nang mag-isa lang katulad nung ginawa ko sa pagpapalabas nito.” Nagdadalawang isip pa ako na sabihin yun sa kanya dahil sa tingin nito sa akin.Tila naunawaan naman nito ang aking ibig sabihin kaya nagbago na ang rekasyon nito.   “Sige babalikan kita mamaya.” Mabuti na lamang at madaling kausap ang lalaki. Sa ngayon ay kailangan kong magawa ang pagkontrol sa aking kakayahan. Nakalimutan kong maghanap ng librop na maaari kong basahin tungkol sa paggamit ng kapangyarihan kaya hanggang ngayon ay limitado ang aking nalalaman. Siguro ay magpapahanap na lang ako kay Vera total ay nasa palasyo lang naman ang aking kaibigan. Madalas kasi ay pagod na ako pag dumdating sa palasyo kaya wala na akong oras upang maghanap ng libro. Tuluyan na akong iniwan ni Deimos sa training ground kaya naman nag-ayos na ako ng aking puwesto at pilit nag-iisip kung ano ang dapat kong gawin. Panay lang ako sa pagbukas at pagtikom ng aking palad pero ganun pa din ang nangyayari. Muli akong tumayo sa aking kinauupuan at nagpalakad-lakad. Hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay sumasakit na naman ang aking ulo. Hindi ko nais pilitin ang aking sarili pero kailangan ko itong gawin. Gusto ko din malaman kung ano pa ang ibang bagay na maari kong gawin gamit ang kapangyarihan. “Please naman tulungan mo ako kung paano kita makokontrol.” Sa sobrang stress ko ay nagawa ko na din kausapin ang aking kakayahan. Tila nagsasalamin ako sa aking mga palad habang kinakausap ito. Nang mapagtanto ang aking ginagawa ay ibinaba n=ko na ang aking kamay. “Hay ano ba ang dapat kong gawin?” Napasabunot pa ako sa sarili kong buhok. Halo-halong emosyon na naman ang aking nararamdaman ngayon kaya lalong sumasakit ang aking ulo. “Ipikit ang mga mata at damhin ang enerhiyang lumalandas sa katawan.” Bulong ko sa sarili habang patuloy sa paglakad ng pabalik-balik. Tumigil muna ako sa ginagawa at ipinikit ang mga mata upang gawin ang bagay na ginawa ko nung nakaraan. “Makipag-isa sa kakayahan.” Bulong ko ulit nang maramdaman ang aglandas ng enerhiya sa aking mga ugat. Nararamdaman ko na naman ang bugso ng aking kakayahan na nais kumawala sa aking mga palad. “Pilitin na maging kalmado.” Kailangan maging relax ang isip upang hindi lalong sumakit ang aking ulo. Pinilit kong maging blank ang isipan at iniwasan ang mag-isip ng kung anu-ano na tiyak makakasagabal sa aking konsentrasyon. Tagumpay ko itong nagawa at tila nawawala na din ang sakit ng aking ulo. Kailangan ko na lang ipagpatuloy ang aking ginagawa upang magkaroon ako ng progreso ngayong araw. Ayoko na din na maging pabigat pa kay Deimos dahil madaming inaasikaso ang lalaki. Kung may kilala lang sana ako na kaparehas ng aking kakayahan tiyak na magiging madali ang lahat para sa akin. Ano kaya ang mararamdaman ko kung sakaling makilala ko ang ilan sa tunay kong pamilya. Ang malaking tanong ay kung magawa ko silang makilala dahil hindi ko naman sila nakita. Kasasabi ko lang na kailangan hindi mag-isip ng kung anu-ano pero heto at ang dami ko na naman naiisip. Pakiramdam ko tuloy ay humina ang paglandas ng enerhiya sa aking katawan dahilan para magsimula na naman ulit ako sa aking ginagawa. Nagmulat muna ako dahil tila magdidikit na ang aking mga talukap. Huminga muna ako ng malalim at siniguradong magiging blanko ang isipan. Muli ay naramdaman ko ang mabilis na paglandas ng enerhiya sa aking mga ugat at ang mabilis nitong pagdaloy patungo sa dulo ng aking mga daliri. Maayos ang aking konsentrasyon ngayon kaya malakas ang pakiramadam na magagawa ko na ngayon ang bagay na kailangan kong gawin. Palakas ng palakas at pabilis ng pabilis ang nararamdaman kong enerhiya na bumbalot sa aking katawan. “Ano kaya ang nangyari noon at nahiwalay ako sa aking pamilya?” Hindi ko maiwasan itanong sa aking sarili. Nagkaroon ba ng kaguluhan noon dahilan para mawalay ako sa kanila. “Paano kung sinadya nilang mahiwalay ako dahil hindi naman nila ako hinanap.” Nakaramdam ako ng lungkot sa isipin na yun at bago ko pa mapagtanto ang aking ginagawa ay tuluyan ng naglaho ang enerhiyang narararmdaman kong palabas na kanina. “Ugh kainis!” Malakas kong sigaw at halos kasabay ng marahas na pagmulat ng mga mata. Paano ko yun magagawa kung patuloy kong sinusuway ang sariling desisyon. Hindi ko na kaya at bumalik na naman ang pagsakit ng aking ulo. Napaupo ako sa damuhan at napahawak sa aking ulo. Hindi ko na alam kung anong dapat gawin. Madali lang naman para sa akin ang nangyari nung nakaraan pero nakaapagtataka dahil hindi koi to magawa ngayon. Hindi ko sigurado kung ano ang aking problema. Hindi ko naman ginusto ang magkaroon ng kakayahan na tulad nito pero bakit pinapahirapan ako.  Masaya na ako sa buhay ko bilang mandirigma na walang kapangyarihan tapos biglang nagkaganito. Sabagay ay hindi nga pala ako magiging malakas na mandirigma kung wala akong kakayahan. “Paano ba kita kokontrolin?” Muli kong sigaw sa sarili at naihilamos pa ang mga palad sa sariling mukha. Siguro ay narinig ni Deimos at Marko ang aking pagigaw kaya magkasunod pa silang dalawa ng mabuksan ang pintuan na naghihiwalay sa opisina at training ground. “Anong ginagawa mo?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Deimos nang makita nito ang aking kalagayan. Para akong sabog na ewan dahil sa pagkakasalampak ko sa damuhan. “Sa tingin ko ay hindi n’ya pa rin kaya.” Hindi ko alam kung nang-aasar si Marko dahilan para lalo akong mairita. Sinimangutan ko na lang ang lalaki dahil baka kung ano ang aking masabi. Itinayo ako ni Deimos at parang wala akong lakas na sumunod sa lalaki. “Saan ka ba nahihirapan?” Pasalamat ako dahil maintindihin si Deimos dahil kung hindi ay baka nasigawan ko na ang lalaki. Hindi ko tiyak kung bakit nagiging ganito na naman ang aking ugali. Kahapon lang ay ang saya ko tapos ngayon ay hindi naman maipinta ang aking mukha. Sasagutin ko na sana ang tanong ni Deimos nang marinig ko ang pagkalam ng aking sikmura. Sa tingin ko ay ito ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko napansin ang oras dahil sa sobrang pag-iisip kanina. Nagugutom lang pala ako kaya ganito ang aking ugali. “Bakit hindi mo sinabi na nagugutom ka na!” Tila panenermon na sumbat sa akin ni Deimos. Paano ko sasabihin kung hindi ko ito nagawang isipin. Masyadong abala ang aking isip kung paano ko makokontrol ang aking kakayahan. “Pakainin mo na nga yan at tila gusto na din akong lapain.” Natatawa pa na wika ni Marko. Kanina pa pala ako nito pinagmamasdan. “Sandali at kukuha lamang ako ng pagkain.” Paalam sa amin ni Deimos. Muli kong inirapan si Marko at hinayaan si Deimos na magtungo sa pantry upang kumuha ng pagkain. Bumalik din agad ang lalaki na may dalang tatlong lagayan dahil hindi pa din sila kumakain ng kaibigan. Magkakasabay na kaming kumain sa kanya-kanyang lamesa. Bahagya akong kumalma at nawala na din ang sakit ng ulo na nararamdaman ko kanina. Akala ko pa naman ay dahil yun sa pagpipilit ko na matutunan kontrolin ang kakayahan. Hindi ko akalain na senyales lamang pala iyon ng aking pagkagutom. Nauna pa akong natapos kumain sa dalawang lalaki at hinayaan sila na tapusin ang kanilang pagkain. Tumayo muna ako upang bumaba ang aking kinain dahil baka sumakit ang aking  tiyan gawa ng sobrang gutom ako kanina. Maaayos na ang pakiramdam ko ngayon kaya sisiguraduhin kong magagawa ko na ang bagay na yun ngayon. “Kaya ko ito!” Parehas na nabitawan ng dalawa ang hawak na kubyertos sa pagkagulat gawa ng aking pagsigaw. Natakpan ko naman ng kamay ang aking bibig at nahihiyang tumingin sa dalawa. Pagtataka ang tingin nila sa akin kaya muli akong umupo sa aking puwesto at sumenyas na ipagpatuloy nila ang kanilang ginagawang pagkain. “Nakakahiya ka Althaia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD