Napabalikwas ako ng bangon ng maalala na maaga akong susunduin ngayon ni Deimos dito sa palasyo upang magsanay. Nakakapanibago dahil mag-isa lang ako ngayon dito sa silid. Madalas kasi na dito natutulog si Vera nung nakaraang linggo hanggang sa gumaling ako ng tuluyan. Nag-inat ako ng katawan bago ako nagdesisyon na tumayo.
Madilim pa sa paligid ng kaharian pero kailangan ko ng mag-ayos ng sarili dahil ito ang oras na napagkasunduan namin ni Deimos. Sabi ng lalaki ay kailangan maging malakas ang aking katawan dahil makakatulong daw iyon sa akin lalo pa ngayon na napapalabas ko na ang aking kakayahan. Sa paglakas ng katawan ay magiging aktibo din ang aking isip na kailangan ko upang matutunan ang pagkontrol sa kapangyarihan.
Ang totoo ay nilalamig ako at nakakatamad maligo pero sabi ko nga kailangan ko itong gawin para sa aking sarili. Kinuha ko na ang aking tuwalya at nagpasyang pumasok sa banyo upang maligo. Simula na ng pagtitiis sa lamig na nararamdaman. Napasigaw pa ako ng dumampi ang malamig na tubig sa aking katawan pero hindi nagtagal ay nasanay na ako dahil ganito ang aking gawain sa araw-araw.
Binilisan ko ang aking pagligo dahil baka naghihintay na din sa akin si Deimos sa baba. Hindi ko gugustuhin na maghintay ng matagal ang lalaki doon. Agad din akong nagbihis upang matapos na ako sa aking pag-aayos.
Nang masigurong maayos na ang aking hitsura ay nagdesisyon na akong bumaba ng palasyo. Tama nga ang aking naisip dahil naghihintay na doon si Deimos. Hindi ko alam kung anong klaseng katawan mayroon ang lalaki dahil nanatili lamang ito sa labas ng palasyo.
“Ohh nandyan ka na pala.” Masayang bati nito sa akin at sinalubong pa ako ng halik sa pisngi. Muntik na akong matigilan dahil kahit madalas n’ya itong gawin ay ganun pa din ang aking reaksyon.
“Kanina ka pa ba naghihintay?” Nakangiting tanong ko sa kanya at mabilis na lumapit sa lalaki.
“Hindi naman kararating ko lang din.” Kahit madilim pa sa paligid ay naaaninag ko pa din ang napakagwapong mukha ng lalaki. Napakasuwerte ko dahil ako ang nagustuhan ng lalaking ito dahil tiyak na pagkakaguluhan s’ya ng ibang babae.
“Bakit nga pala hindi ka pumasok sa loob hindi ka ba nilalamig?”Nag-aalalang tanong ko sa kanya at hinawakan pa ang kamay ito. Malamig ang kamay nito dahil sa klima ng paligid.
“Pag pumasok ako baka hindi ko na gustuhin magsanay ngayong araw.” Tumawa pa s’ya ng mahina. Sabagay ay may punto naman ang lalaki dahil maging ako ay ganun ang mararamdaman. Baka naisin ko pa nga na matulog ulit kaysa lumabas ng ganitong oras.
“Sabagay, halika na.” Anyaya ko sa kanya at hinila na ang lalaki patungo sa direksyon ng arwaheng naghihintay sa labas ng palasyo ngunit pinigilan ako nito.
“Hindi tayo sasakay ng karwahe ngayon.” Seryosong wika nito kaya sigurado akong hindi nagbibiro ang lalaki.
“Bakit naman hindi?” Nakakunot pa ang noo na tanong ko sa kanya.
“Ang gagawin natin ngayong araw ay tatakbo mula ditto hanggang sa opisina.” Kaya naman pala ganito ang ibinilin nito sa akin na isuot ngayong araw. Hindi ko sigurado kong kaya ko ng tumakbo ngayon dahil sa lamig ng paligid pero agad kong naipilig ang aking ulo ng maalala na kailngan koi tong gawin para sa aking sarili.
Naniniwala ako na kapag naging malakas ay madali ko na lamang mahahanap ang tunay kong mga magulang o kahit anong may kinalaman sa aking pagkatao. Kailangan kong magpalakas upang maipagtanggol ang mamamayan ng Daesyn maging ang lalaking minamahal. Hindi ko pwedeng isantabi ang bagay na makakatulong sa aking paglakas.
“Ano pa ang hinihintay mo halika na.” Bahagya pa na natawa ang lalaki at sumunod na din sa akin dahil nagpatiuna na ako sa pagtakbo. Sanay naman ako sa ganitong Gawain dahil madalas ko itong gawin kapag nangagaling ako sa dating tirahan patungo dito sa palasyo upang puntahan ang kaibigan.
Dahan-dahan lamang kami sa pagtakbo dahil baka mabigla an gaming katawan. Sinasabayan na ako ngayon ni Deimos at hinawakan pa nito ang aking kamay upang sabay kaming tumakbo. Madilim pa dahilan kaya wala pa masyadong tao sa paligid. Malamig din pero hindi ko yun alintana dahil kasama ko naman ngayon si Deimos.
Ngayon ko lang napagtanto na madalas kaming magkasama ng lalaki. Hindi na lang simpleng gusto ang nararamdaman namin sa isa’t-isa. Sigurado ako na mahal ko na ang lalaki kaya naman handa akong gawin ang lahat para sa kanya.
Marahil ay dahil s’ya ang unang lalaki na minahal ko ng ganito kaya ganun ang aking pag-iisip. Ayos lang naman sa akin dahil alam kong ganun din si Deimos sa akin.
Inabot din kami ng halos isang oras bago nakarating sa b****a ng opisina. Agad akong napayuko at napahawak sa aking tuhod dahil sa pagod. Pareho kaming hinihingal ngayon kaya nanatili muna kami sa labas upang pawiin ang pagod. Nagulat pa si Marko ng maabutan kami nito sa labas at makita ang kalagayan namin ni Deimos.
“Hoy anong ginagawa n’yong dalawa d’yan?” Nakataas pa ang kilay na tanong nito sa amin. Ganun pa din ang aking puwesto kaya si Deimos na ang sumagot sa tanong ng kanyang kaibigan.
“Tumakbo kami mula sa palasyo hanggang ditto sa opisina.” Hinihingal pa na sagot nito sa lalaki dahilan para mapapalatak naman si Marko sa kanyang narinig.
“Bakit hindi n’yo ako sinama.” Akala mo ay sinaktan namin ang lalaki dahil sa pagkakasumbat nito sa amin. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kaibigan nito. Tumayo na din ako ng ayos dahil siguradong magkakaroon ng drama sa harapan ko ngayon.
Kung iisipin ay tila katulad namin ni Vera ang dalawang lalaki. Sobrang lapit nila sa isa’t-isa kaya handa nilang gawin ang lahat para sa kanilang pagkakaibigan. Ang kaibahan lang ay madalas silang mag-asaran dahilan para mauwi sila sa away. Ang maganda lang ay nagkakayos din sila maya-maya na tila walang nangyari.
“Iwanan ko na kaya ang dalawang ito dito?” Bulong ko sa sarili dahil kasalukuyan na silang nagsusumbatan ngayon. Akala mo ay sila ang magkasintahan dahil sa paraan ng pag-aaway nila ngayon. Parang si Vera din itong si Marko dahil hindi nito nais magpalamang sa kanyang kaibigan.
Hindi ko na siguro kailangan pa tanungin ang aking sarili dahil alam ko na ang sagot sa aking tanong. Hindi din naman magpapaawat ang dalawa kaya iiwanan ko na lang sila. Nagsimula na akong humakbang palayo sa dalawang baliw na magkaibigan.
“Parang nakalimutan mo ng magkaibigan tayo kaya hindi mo na ako sinasama.” Narinig ko pa na sumbat ni Marko sa aking kasintahan. Bahagya akong natawa dahil sa inaasal nito. Akala mo ay isa s’yang bata na inagawan ng kaibigan.
“Syempre iba naman ang oras ng kaibigan sa oras ng kasintahan.” Sagot naman sa kanya ni Deimos. Napailing na lang ako sa pinag-uusapan ng dalawa. Wala na naman maisip gawin ang dalawa kaya inuubos nila ang kanilang oras sa pag-aasaran.
Sa sobrang abala nila sa pagtatalo ay hindi man lang nila namalayan na iniwan ko na sila. Malagkit na ang akig katawan dahil sa pawis kaya magbibihis na ako upang makapagsimula ng maaga sa aking trabaho na nakatambak na naman sa aking lamesa.
“Althaia hintayin mo kami!” Natigilan pa ako sa pagtawag ni Marko. Sa wakas ay napansin din nila na wala na ako sa kanilang tabi.
“Althaia bakit mo kami iniwan?” Sigaw din ni Deimos at magkasabay pa silang tumakbo palapit sa akin. Kahit kailan talaga ang dalawang baliw na ito ay puro kalokohan.
“Bilis ang dami n’yong alam sa buhay!” Sigaw ko din sa dalawa dahilan para bilisan ng mga ito ang kanilang pagtakbo. Para tuloy akong may alagang maliit na bata dahil sa inaasal ng dalawa. Nang makalapit sa akin ay parehas pa nilang isinuksok ang braso sa aking braso pagkatapos ay matalim na nagtitigan.
“Bitawan n’yo nga ako!” Pareho kong inalis ang kanilang mga braso at muling nagpatiuna sa paglakad. Naririig ko pa ang dalawa na parang aso kung mag-angilan.
“Bahala nga kayo sa buhay n’yo ang tatanda n’yo na!” Tila napawi ang lamig na aking nararamdaman at naging init ng ulo ito.
“Althaia!” Magkasabay ulit na sigaw ng dalawa dahilan para takpan ko ang aking tainga at muling tumakbo para tuluyang iwan ang dalawang lalaki. Dumiretso na ako sa silid na nakalaan sa akin ngayon upang makaligo at makapagpalit ng damit.
Sa kabilang banda ay napangiti ako dahil parang dati ay halos hindi ko alam kung paano makikisama sa kanila. Heto ako ngayon at kaibigan na halos lahat ng mandirigma dito. Tuluyan ng nagbago ang takbo ng aking buhay at masasabi kong hindi na ako ang dating Althia.
Madaming masasakit at magagandang ala-ala ang pinanghahawakan ko ngayon upang magpatuloy sa aking buhay kahit kinuha sa akin ang kinikilala kong mga magulang. Naging mabait naman sa akin ang tadhana at ipinakilala ang mgga taong naging malapit kong kaibigan ngayon. Hindi lang yun dahil nakilala ko din ang lalaking nagpatibok ng ganito sa aking puso.
Napahawak pa ako sa aking dibdib. Normal ang t***k ng aking puso pero patuloy itong nagbabago sa tuwing kasama ko si Deimos. Sana ay wala ng trahedya na mangyari sa akin upang patuloy kong namnamin ang sarap ng buhay. Kuntento na ako ngayon sa mga bagay na mayroon ako.
“Althaia bilang ang babaeng mandirigma.” Bulong ko pa sa sarili bago tuluyang binasa ng malamig na tubig ang aking katawan.