AKSIDENTE

1744 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw at tuluyan ko ng nakalimutan ang mga nakaraan na pangyayari. Sa ngayon ay umiikot ang aking mundo sa pagiging isang mandirigma at mabuting kasintahan kay Deimos.  Hindi pa rin nagbabago ang aking pangarap at iyon ay ang maging isa sa pinakamagaling na mandirigma ng kaharian. Sa paglipas ng mga araw ay napapansin ko din ang unti-unti kong paglakas. Kung minsan ay ang pagsasanay ko ang nagiging date namin ni Deimos. Hindi niya ako kailanman pinabayaan at sa halip ay lagi niya akong tinutulungan kung ano man ang kailangan kong gawin. Kung minsan ay sumasagi din sa aking isip si Avarice. Simula ng umalis siya ay hindi na siya kailanman nagparamdam ulit. Hindi ko tiyak kung nais pa ng aking kapatid na bumalik sa Daesyn upang muli akong bisitahin. Marami pa akong tanong sa kanya at mga bagay na nais kong malaman.  “Hoy! Anong ginagawa mo d’yan?” bahagya pa akong nagulat nang marinig si Vera.  Magkasama kami ngayon dito sa pamilihan dahil ilang araw na din kaming hindi nagkikitang dalawa. Mas madalas ko na kasing kasama si Deimos ngayon dahil na din sa aking patuloy na pagsasanay.  “Wala naman, halika na,” inakbayan ko na si Vera upang makapaglakad na kami at baka abutan na naman kami ng dilim dahil sa bagal ng kilos namin.  “Okay, Sabi mo eh,”  Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad. Tila pareho kami na may malalim na iniisip ngayon. Hindi ko alam pero sa paglipas ng mga araw ay naging madalas din ang aking pag-iisip ng kung anu-anong bagay.  “Okay ka lang ba?” pansin sa akin ni Vera at mataman na pinagmasdan ang aking mukha.  “Siguro ay miss ko lang ang aking kapatid,” pag-amin ko sa kanya. Siguro nga ay isa isa iyon sa bagay na nagpapagulo sa aking isipan ngayon.  “Hindi na ba siya nagpaparamdam sa’yo simula nung umalis?” nag-aalalang tanong niya dahilan upang tumango ako bilang sagot.  Dahil hindi na kami madalas magkita ni Vera kaya naman hindi ko na din nasabi sa kanya ang ilang mga bagay na nangyayari sa akin. Abala na din kasi ang aking kaibigan sa kanyang trabaho bilang prinsesa ng kaharian. Madalas ay gabi na din ako ng uwi sa palasyo kaya tulog na siya pag dumating ako.  “Hayaan mo na baka sa susunod na araw ay magparamdam na din siya sa’yo,” pampalubag-loob niya sa akin. Tipid na ngiti na lamang ang sinagot ko sa kanyang sinabi at  malungkot na tumingin sa aming dinadaanan.  “Sana nga ay bumalik na ulit siya dito,” tahimik na hiling ko.  “Ano ka ba ngumiti ka nga d’yan at nahahawa ako sa lungkot ng mukha mo!” nanggigigil na sita sa akin ni Vera.  Sabagay ay ang pangit nga naman tignan kung nakasimangot ako ngayon. Parang sinasabi ko tuloy na hindi ako masaya na kasama siya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kain at nagiging moody ako ngayon. Kulang na lang ay magkulong ako sa aking silid at hindi muna makipag-usap sa iba dahil sa kung anong emosyon na aking nararamdaman ngayon.  Inihinilamos ko sa aking mukha ang aking kamay upang burahin ang kung anong masamang pinta ng aking itsura. Nang tanggalin ko ang aking kamay ay sinablubong ko na si Vera ng isang masayang ngiti.  “Nakakatakot ang ngiti mo,” napaatras pa si Vera ng sabihin iyon. Muntik ko na siyang mabatukan dahil sa kanyang sinabi. “Siraulo ka talaga! Halika na nga at kailangan ko ng matamis na pagkain ngayon,” nilapitan ko siya at hinila sa kamay upang puntahan namin ang paboritong sorbetes na madalas namin bilhin kapag lumalabas.  “Diet nga ako ngayon, eh!” patuloy na pagkontra niya ngunit wala na siyang nagawa nang nakarating kami sa stall ng paborito naming sorbetes.  “Kuya isang chocolate melt nga po,” nang makitang sinasandok na ng tindero ang aking ice cream ay napatingin ako kay Vera na kulang na lang ay tumulo ang laway dahil sa ginagawang pagpigil sa sariling kumain ng sorbetes.  “Kuya isang chocolate melt din po,” nanghihinang wika ng aking kaibigan. HUmagalpak ako ng tawa dahil sa kanyang itsura, Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa dahil hindi niya matanggap sa sarili na hindi niya kayang pigilan ang pagkatakam sa sorbetes.  “Akala ko ba diet ka?” kantyaw ko sa kanya.  Sinamaan n’ya muna ako ng tingin bago sinagot ang aking tanong. “Kasalanan mo ito!”  Hindi ko na siya nasagot dahil ibinigay na sa akin ni kuya ang ice cream na aking binili. Binigay ko na din ang bayad at buong takam na sinimulan kainin ang nasabing pagkain. Humarap din ako kay Vera upang patuloy siyang tuksuhin.  “Hintayin mo naman ako,” nagmamaktol niyang wika ngunit patuloy lang ako sa ginagawang pagkagat sa icecream. Napansin kong malapit ng matapos ng tindero ang paglalagay ng sorbetes ni Vera kaya tinalikuran ko na siya upang maunang maglakad.  Saktong pagtalikod ko ay hindi ko inaasahan na mabangga ang isang lalaki na tila bago lang sa kaharian ng Daesyn. Mataman akong tinitigan ng lalaki at tila binabasa ang aking buong pagkatao base sa aking mukha.  Nang tila tapos na siyang pagmasdan ang aking mukha ay mabilis din siyang umalis at hindi man lang nagawang hintayin ang paghingi ko ng tawad dahil sa aking pagbangga sa kanya. Napakamot pa ako sa aking ulo dahil doon.  Hindi pamilyar ang lalaki kahit madalas kaming nasa pamilihan. Kakaiba din ang suot nito sa normal na mga taga-Daesyn. Isa pa ay hindi ko makita ng ayos ang kanyang mukha.  “Siguro ay dayo nga siya dito,” mahinang bulong ko sa sarili at kinalimutan na ang lalaking nakabangga. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Vera nang makalayo ang lalaki sa amin. HIndi ko masyadong napansin ang kanyang mukha dahil nakasumbrero ang lalaki dahilan para matabunan ang mga mata nito.  “Oo, ayos lang ak------” hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking tagiliran. Agad ko itong hinawakan sa pag-aakalang nabigla ako sa ginawang pagkain ng sorbetes ngunit hindi ko inaasahan ang tila mainit na likidong tumatagos sa aking palad.  “Althaia may sugat ka!” napasigaw si Vera nang makitang may dugo ang aking kamay. Halos magdilim ang aking paningin ng makitang puno na ng dugo ang aking kamay. Napatingin na din sa amin ang ibang naglalakad sa pamilihan.  “V-Vera,” nanghihinang tawag ko sa aking kaibigan na ngayon ay natataranta na at hindi malaman kung ano ang kanyang dapat na gawin.  Nahihilo na ako at nakakaramdam na din ng panghihina. Tila may kung anong lason ang tila nanunuot sa aking dugo dala ng sugat sa aking tagiliran. Sigurado ako na ang lalaking nakabangga ko kanina ang may gawa nito sa akin.  “Tulungan n’yo kami!” malakas na sigaw ni Vera. Napahawak naman ako ng mahigpit sa kanyang braso dahil tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.  “Althaia!” narinig ko pa ang malakas na pagtawag sa aking pangalan ng isang pamilyar na boses bago ako tuluyang nawalan ng malay.  ******************** DEIMOS POV Nagsabi sa akin si Althaia na namamasyal sila ngayon ni Vera sa pamilihan. Hindi ko sana gustong lumabas ngayon pero sa huli ay pinili ko pa din ang magtungo din sa pamilihan. Nangako na lang ako sa aking sarili na hindi guguluhin ang dalawang babae kapag nakasalubong ko sila.  Ang totoo ay hindi masayang maglakad sa pamilihan ng mag-isa. Hindi ko maramdaman ang ganda ng paligid. Gayunpaman ay hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko pinilit na lumabas ngayon kahit wala naman akong kasama at wala din akong kailangan gawin.  Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad dahil malayo na din ako sa aking tinutuluyan. Pinagod ko lang ang aking sarili kung babalik ulit ako sa aking silid. Pinagmasdan ko na lang ang mga taong naglalakad at nagmasid sa paligid.  Masaya sa pamilihan lalo kapag ilang buwan ang nakalipas na walang nakakapasok na halimaw. Sa ngayon ay halos magdadalawang buwan na din nung huling may nakapasok sa kaharian kaya masasaya ang mga tao sa pamilihan. May ngiti sa labi ang bawat may-ari ng mga stalls dahil sa maayos na lakad ng kanilang mga negosyo.  Mabuti na lang din at hindi ko sinuot ang aking uniporme bilang mandirigma dahil baka magbago ang mga ekspresyon sa mukha ng mga makakakita sa akin. Mas ayos na hindi nila ako pinapansin ngayon dahil abala sila sa kani-kanilang mga ginagawa.  Malapit na ako sa b****a ng pamilihan ng may isang lalaki na tila nagmamadaling makaalis sa lugar dahil sa pagtakbo nito. Siya lang ang bukod tanging tumatakbo sa lugar. Marahil ay may importanteng bagay siya na kailangan gawin kaya ipinagwalang bahala ko na lamang iyon.  “Althaia!” naalarma ako ng tila narinig ang boses ni Vera na tinatawag ang aking kasintahan.  Napatingin ako sa isang dako ng pamilihan at napansin ang kumpulan ng mga tao doon. Agad akong kinabahan sa hindi malaman na dahilan. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na lumapit doon upang tignan kung anong nangyayari.  “Anong nangyayari dito?” bungad na tanong ko sa isang babae na nakiki-tsismis sa kumpulan.  “Nasaksak yung isang babae na bumibili ng icecream,” tipid na sgot niya sa akin.  Agad akong kinutuban ng maalala ang tila boses ni Vera kanina kaya agad kong hinawi ang mga taong nagkukumpulan at halos mandilim ang aking paningin ng makilala ang babaeng nasaksak.  “Althaia!’ malakas na tawag ko sa kanya ngunit batid ko na hindi na niya ako narinig dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.  “Deimos tulungan mo ako,” humahagulgol na wika ni Vera. Bahagyang nanginginig ang babae na marahil ay dala ng takot sa nangyari. Hindi ako dapat magpaapekto ngayon sa kalagayan ni Althaia dahil kailangan kong iligtas ang aking kasintahan.  “Tumawag ka ng karwahe at ibabalik natin si Althaia sa palasyo,” utos ko kay Vera. Isinantabi ko muna ang aking paggalang sa prinsesa dahil mas mahalaga ang buhay ni Althaia ngayon. Tumango naman ang babae at agad na tumalima sa aking utos. Hindi nagtagal ay dumating na din ang karwahe na tinawag niya. Nagpatulong na din ako sa ilang kalalakihan sa paligid upang maisakay namin ang katawan ni Althaia sa karwahe. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may masamang nangyari sa kanya.  “Vera, halika na!” tawag ko sa prinsesa at mabilis kaming umalis sa pamilihan upang magamot si Althaia. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD