BALPHEO

1589 Words
HELL REALM “Hanggang ngayon ba ay wala kang balita tungkol sa iyong kapatid?” galit na asik ni Daemon sa kanyang anak na si Balpheo. Kanina pa siya palakad-lakad at bakas sa kanyang mukha ang tila pagkabalisa.  Samantalang nakatayo naman si Balpheo sa kanyang harapan at tila balewala lamang sa lalaki ang tinatanong ng hari. Wala naman kasing ibang ginawa ang kanyang Ama kundi ang tanungin s’ya tungkol sa kanyang kapatid.  Matagal na panahon na silang hindi nagkikita at wala siyang alam kung saan naroon ang kapatid. Hindi niya din batid kung ano ang pinagkakaabalahan nito ngayon. Wala din siyang kakilala na maaaring makapagturo kung saan naroon ang kanyang kapatid. Batid nilang mag-ama na buhay ang kanyang kapatid dahil nararamdaman nila ang presensya nito ngunit mahina iyon dahilan kaya hindi nila mahanap kung nasaan ito. Ang tanging sigurado niya ay wala siyang pakialam dahil traydor ang kanyang kapatid.  “Hindi mo ba ako naririnig o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang?!” muling sigaw ni Daemon. Hindi na nito makontrol ang galit dahil sa ginagawang pagbabalewala ng anak sa kanyang sinasabi.  “Alam mo na wala akong alam tungkol sa kanya kaya huwag mo siyang hanapin sa akin,” padabog na sagot ng lalaki at nagmamadaling lumabas sa silid na iyon upang hindi na muling tanungin ng hari.  Hindi niya nais mamalagi sa palasyo kaya naman lumabas siya ng kaharian upang magtungo sa lugar kung saan ay tahimik ang paligid. Tiyak niya na hindi na naman titigil si King Daemon na tanungin siya tungkol sa kanyang kapatid.  “Bakit ba kasi hinahanap pa niya ang traydor na iyon?” iritadong tanong niya sa sarili. Halos gawin na niya ang lahat upang makalimutan ni King Daemon ang panganay na anak at ibuhos sa kanya ang buong pagmamahal nito.  Nakakalungkot dahil kahit kailan ay hindi iyon magagawa ng kanyang Ama. Batid niya na hindi niyang kayang palitan ang posisyon na nakalaan para sa kanyang kapatid. Gayunpaman ay hindi din siya papayag na sa isang traydor lang mapupunta ang lahat ng kanyang mga pinaghirapan.  “Ano ba ang dapat kong gawin upang mawala sa aking landas ang lalaking iyon?” napapaisip na muling tanong niya sa sarili.  Kasalukuyan na siyang nakaupo ngayon sa malaking ugat ng punong kahoy at tahimik na dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin. Pumikit siya upang pilitin ang sarili na mag-isip ng plano na maaari niyang gawin upang sa kanya mapunta ang trono ni King Daemon. Hindi niya inaasahan na ang ginawang pagpikit ay mapupunta sa tuluyang pagkatulog.  Puno ng galit ang aking dibdib at tila sasabog iyon dahil sa bugso ng aking damdamin. Kasalukuyan akong nasa ere at lumilipad upang puntahan ang aking kapatid. Hindi ako lubos makapaniwala na siya pa ang hahadlang sa lahat ng aming plano para sa kaharian. Hindi ko matanggap na ang aking kapatid na siyang namumuno noon sa amin ay isa ng kalaban ngayon dahil sa ginawa niyang pagtraydor sa aming lahi.  Agad akong tumigil sa paglipad ng makita kung saan naroon ang aking kapatid. Halos hindi ako makahinga nang makita kung paano niya paslagin ang sarili niyang lahi. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban ngayon upang tulungan ang mga mortal.  Pinagmasdan ko muna ang kanyang mga kilos. Batid ko na malakas ang aking kapatid ngunit tila may kung anong humharag sa paglabas ng kanyang totoong kapangyarihan upang hindi niya iyon magamit. Gayunpaman ay kapansin-pansin pa din ang lakas na taglay niya dahilan upang hindi mo siya makitaan ng panghihina.  May isang bagay din akong napansin sa kayang pakikipaglaban. May nararamdaman akong puting mahika na tila tumutulong sa aking kapatid sa tuwing nasusugatan siya. Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang pinagmulan ng puting kapangyarihan.  Doon ko napansin ang isang babae na nagliliwanag ang katawan na siguradong dahil sa kapangyarihan na ginagamit niya. Mas lalong kumulo ang aking dugo dahil hindi ko akalain na ang isang kaaway ay kakampi na ngayon ng aking kapatid at pareho pa silang tumutulong sa mga mortal.  Batid ko di na malakas ang taglay na kakayahan ng babaeng tumutulong sa aking kapatid. Wala akong alam sa mga ginagawa ng aking kapatid kaya labis kong pinagsisihan na hindi ko inalam ang kanyang mga ginagawa. Hindi tuloy ako makapaniwala ngayon sa aking mga nakikita.  Tapos na ang oras ng aking pagmamasid kaya muli akong lumipad upang puntahan ang direksyon ng aking kapatid at tapusin na ang kahibangan na ginagawa niya. Malapit na ako sa kanya ngunit bigla akong natigilan dahil hindi lang pala ako ang may nais itama ang kanyang ginagawa.  Mula sa himpapawid ay marahan na bumaba si King Daemon. Nanlilisik ang kanyang mga mata at tila nag-aapoy ang buo niyang katawan. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari dahil hindi nag-iisa ang aking Ama. Kasama niya ang babaeng tumutulong sa aking kapatid gamit ang kanyang kapangyarihan.  Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan kaya naman mas lumapit ako sa kanila ngunit naging maingat ako para hindi nila ako maramdaman. Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari. Kapansin-pansin ang galit sa mukha ng aking kapatid at tila nahihirapan naman ang babae na hawak ngayon ng aming Ama.  Nagpipiglas ang babae dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni King Daemon. Tila nais naman kumawala sa katawan ng aking kapatid ang tinatagong itim na kapangyarihan. Nagngangalit ang kanyang mga ngipin dahil sa galit.  Sa kabilang banda ay labis na kasiyahan naman ang aking nakikita sa mukha ni King Daemon. Tila napalitan na ang galit na nararamdaman nito kanina. Mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa katawan ng babae dahilan upang muntik sumugod ang aking kapatid sa kanya. Mabuti na lang at nagawa pa din sumigaw ng babae kaya mabilis na tumigil ang aking kapatid sa nais niyang gawin.  Muling nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang sinabi ni King Daemon. Hindi ko akalain na aabot sila sa ganito upang parusahan ang aking kapatid maging ang babaeng hawak niya ngayon. Sa tingin ko ay may malalim na pinagsamahan ang dalawang kawawang nilalang na kinokontrol ngayon ng aking Ama.  Galit na gumanti ng masasakit na salita ang aking kapatid ngunit hindi iyon nagtagal dahil tinuluyan na ni King Daemon ang babaeng hawak niya. Mababakas sa mukha ng aking kapatid ang magkahalong emosyon. Sakit, poot, lungkot, pagsisisi, at ang labis na dalamhati.  Halos tumigil sa pag-ikot ang mundo nang tuluyang bumagsak sa lupa ang walang buhay na katawan ng babaeng minamahal niya. Napaluhod sa lupa ang aking kapatid at tumulo ang kanyang mga luha.  Maging ako ay hindi makapaniwala na ginawa iyon ng aking Ama. Batid ko ang galit niya nang malaman na ang aking kapatid ang namumuno sa mga mortal upang kalabanin kami. Hindi ko inaasahan na ito ang kanyang magiging kaparusahan.  Saglit na naging tahimik ang dalawa at hindi ko maramdaman kung sino ang mauuna na magsalita sa kanila. Tila nagsusukatan sila kung sino ang unang maaaring kumilos at magsalita.  Sa huli ay niyaya ni King Daemon ang aking kapatid na bumalik sa amin at nakita ko naman ang pagtayo nito. Wala siyang emosyon na sumunod sa aming Ama ngunit agad din tumigil nang malampasan ang katawan ng babaeng mahal.  Naramdaman ni King Daemon ang ginawang pagtigil ng aking kapatid sa paglalakad kaya nilingon niya ang lalaki. Gayunpaman ay si King Daemon naman ang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon.  Hawak ng aking kapatid ang kanyang espada na ginagamit sa pakikipaglaban. Nakatutok iyon sa aking Ama ngunit maya-maya lang ay itinutok niya iyon sa kanyang sarili. Malinaw sa aking pandinig ang masasakit na salitang binitawan dahil sa ginawa ng aming Ama.  Pagkatapos ay isinaksak niya ang espada sa sariling katawan. Hindi ko na napigilan ang aking sarili at lumabas na sa aking pinagtataguan. Nakita ko ang unti-unting pagbagsak ng kanyang katawan sa lupa at agad na napuno ng dugo ang kanyang damit.  Sa kabilang banda ay natigilan si King Daemon dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ng kanyang anak. Tila hindi nito batid na kasama na niya ako ngayon at hindi pa din makapaniwalang wala na din buhay ang aking kapatid.  Saglit na naging ganun ang aking Ama ngunit maya-maya lang ay bumalik na siya sa dati niyang emosyon. Napansin ko pa ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi bago tinalikuran ang katawan ng dalawang nilalang na walang buhay.  “King Daemon?” nagtatakang tanong ko sa kanya.  “Halika na, umuwi na tayo,” masayang anyaya niya sa akin. Pagkasabi nun ay mabilis na siyang lumipad upang bumalik sa aming kaharian. Agad din na natigil ang digmaan na tila naging kabayaran ang pagkamatay ng aking kapatid.  “King Daemon!” malakas na sigaw ko ng hindi ko na siya makita. Nagpalinga-linga pa ako sa buong paligid pero bigo ako at hindi ko na makita kahit ang kanyang anino.  “Ama!” malakas na sigaw ko dahilan upang magising ako sa aking pagkakatulog. Panay ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa malakas na kabog nito. Habol ko ang aking hininga at pawisan ang aking katawan.  “Bakit napanaginipan ko na naman ang pangyayaring iyon?” may pagtataka na tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko pa ulit napanaginipan ang tungkol doon.  Pinunasan ko ang pawis sa aking mukha at nagdesisyon na bumangon para makabalik sa kaharian. Siguradong hahanapin ako ni King Daemon kapag hindi ako natagpuan sa aking silid.     Saglit akong nag-isip nang muling maalala ang napanaginipan. Naalala ko na wala akong pakialam sa aking kapatid noon kaya hindi ko nalaman ang kanyang mga ginagawa. Sa tingin ko ay kailangan kong hanapin ang aking kapatid upang hindi ko iyon muling pagsisihan gaya noon.  “Magkikita tayong muli.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD