Prologue
Third Person's POV
"Ms. Cortez, isang tanong isang sagot. Ikaw ba ang pumatay sa mga kaeskewela mo?" halos hindi na mabilang na tanong ng detective sa babaeng nakatingin lamang sa kawalan.
Ngunit kagaya ng mga naunang minuto, wala parin itong tugon at malikot ang mata habang bumubulong-bulong. Tila'y nauubusan na ng pasensya ang detective, hinilot nya ang bridge ng ilong at inayos ang salamin sa mata bago pinagsiklop ang mga kamay sa ilalim ng baba.
"Valeen Arabella Cortez," matapos ng pagbanggit sa buong pangalang iyon ay hindi siya nabigo, unti unting pumirmi ang paningin ng babae sa kanya.
"Ako nga. Ako si Valeen Arabella Cortez, may problema ka ba roon detective?" taas noo itong ngumisi na nakapagpabuntong-hininga na lamang sa detective.
"Look, ang tanging problema lamang dito ay ikaw." deretsahang sambit ng detective. Tumaas ang kilay ng babae at umayos ng upo, sumandal sa upuan saka mayamaya ay humalakhak.
Ang halakhak nito ay pumuno sa buong interrogation room. Nakakabingi ito kung tutuusin dahil sa matinis nitong boses. Napahilot sa sentido ang detective na sumasakit na ang ulo sa kaharap. Hinintay nya munang humupa ang nakakabingi nitong halakhak.
"Hindi ako ang problema dito kundi kayo! Nag-eenjoy ako kasama ang pamilya ko tapos bigla kayong papasok sa senaryo? Mga ulol!" itinaas ng babae ang gitna nitong daliri sa mismong mukha ng detective.
Bumuga ng hangin ang detective at ibinaba ang kamay nito.
"Nakaposas ka na't lahat, nakukuha mo pa ring mamakyu." matalim sya nitong tinignan, hindi na sya kinilabutan."Ms. Cortez alam mo maganda ka eh," 'baliw nga lang' dagdag nito sa isip.
Umismid ang babae at sumilay ang ngisi sa duguan nitong labi.
"Of course I'm beautiful!" pagkakuwan ay bigla syang tumayo para yumuko sa bandang tenga ng detective at bumulong,"And this beauty.. is dangerous. Especially for boys who can't calm their horny ass,"
Itinulak ng detective ang babae dahilan para mapabalik ito sa pag-upo at humalakhak ulit ng walang humpay. Kumuha ang detective ng tissue sa lamesang nasa gilid at pinunasan ang tumulong dugo sa kanyang harapan galing sa duguang hoodie ng babae.
Tumikhim sya at pinokus ulit ang paningin sa babaeng umaalog parin ang balikat sa tawa.
"12 students are missing, almost 10 has brutally killed and it started on the first day of classes at Whimford High," pagkasabi niyon ng detective ay napansin nyang nawalan ng reaksyon ang mukha nito.
Doon na niya nahuli ang malikot nitong mata, malamig at nakakakilabot ito kung tumitig samahan pa ng mga bakas ng dugo sa bawat parte ng mukha nito.
"Anong gusto mong iparating?" sa loob loob ng detective ay kinabahan sya sa biglaang pagbabago ng tono ng boses ng babae.
Pero sa halip na magpakita ng takot, tumikhim ulit siya at inilapag ang polaroids sa harapan ng babae. Bumaba ang paningin nito doon nang walang pagbabagong nagaganap sa ekspresyon.
"Nariyan lahat ang mga estudyanteng nawawala at natagpuang pinatay pati na rin ang ilang guro at iba pang biktima ng killer." kinuha nya ang isang polaroid at ipinakita iyon sa babae,"Kilala mo siya diba?"
Tumindig ang kanyang balahibo nang ngumisi ito. Lihim syang napalunok at napaisip na bakit ba sya pa ang naatasan sa kasong ito.
"Oo naman. Siya ang principal namin sa Whimford, sayang nga lang at patay na sya," mula sa kunwaring malungkot na reaksyon ay humagikhik ito,"Ay! Hindi pala sayang kasi masyado syang maotoridad, napakabossy ng pota kaya ayun.. pinatay ko na." bulong iyon ngunit parang nabingi parin ang detective.
Inaasahan nyang hindi ito aamin dahil kailangan nga ba umamin ang isang kriminal? Ngunit ang babaeng ito ay nakakatakot. Hindi pa sya nakaengkwentro ng ganitong interogasyon.
Pero hindi sya nagpadaig sa kabang nararamdaman at pagkababa ng polaroid na hawak ay ang isa naman ang kanyang kinuha at ipinakita rito.
"E' siya? Kilala mo?" tumabingi ang ulo ng babae, paulit ulit nito iyong ginawa at parang nang-aasar lang kaya naiinis nyang ibinaba ulit ang hawak na polaroid.
Tumawa ito ng tumawa. Bumuntong hininga ang detective at susuko na sana sa konsumisyon sa baliw na kausap nya nang magdabog ito gamit ang nakaposas na mga kamay.
"Oo kilala ko sya dahil siya ang madalas kong binibilhan ng yakult sa cafeteria," itinuon nang maigi ng babae ang kanyang siko at tinignan ng may halong ngisi ang detective,"Besides, hindi mo na kailangang isa-isahin pa ang mga litrato nila. I killed them kasi trip ko lang and sometimes naman for my own satisfaction." walang kurap iyong lumabas sa bibig nito.
Palihim na kumuyom ang kamao ng detective. Iyon pa lamang ang sinasabi ng babae ay para na syang masusuka kaya bumuga sya ng maharas na hininga.
"Bakit.. mo iyon ginagawa?"
Sarkastikong suminghal ang babae na parang napakatanga ng detective para tanungin iyon.
"Bakit? Edi para maging happy! Karamihan sa kanila ay may kasalanan sa akin kaya pinagbabayad ko lang para quit kami! Omg, hindi ka relate ano? Boring mo kasi! Natural lang maningil 'diba? Natural lang ang pumatay..." humagikhik itong muli.
Tuluyan nang dumaloy ang kilabot sa katawan ng detective. Hindi na nya nakakaya ang mga naririnig at napapangiwi na lamang sya.
"Valeen said killing humans makes her feel challenged and more bloody equals Valeen is happy..." habang paulit ulit nitong binibigkas iyon ay nanunudyo nitong inilalapit at iaatras ang mukhang tumatabingi.
"Ms. Cortez aminin mo nalang ang lahat ng kailangan mong aminin!" dahil kinakabahan na, hindi na napigilang sigawan ng detective ang babae kaya natigil ito sa ginagawa.
"Aaming ano? Na may gusto ako sayo? Yieee ikaw ah! May lihim kang pagtingin sa akin,"malakas itong tumawa pagkatapos iyong sabihin.
"Cortez, hindi na ako nakikipagbiruan sayo." sa isang kurap, nawalan ulit ng emosyon ang mukha ng babae.
"Ang lahat ng nasa polaroid ay pinatay ko. Ang mga nawawala at nawala noong isang taon na natagpuang patay ay ako ang gumawa. I can't count them by my fingers because they're too many na.. hindi ko na maalala. And for correction, it's not only 12 students who are missing they're 18. So if you love mathematics you solve 18 add to 10 then multiply by 2 so that the answer is the number of my lucky victims since day one and so on 'till now.. but I'm still not sure though I think it's a half way way only."
Naiwang nakanganga ang detective at hindi maiproseso ang sinabi ng babae. Hindi na sya makatugon at hinintay pa ang iba pang mga salitang lalabas sa maputla at may dugo nitong bibig at hindi nga sya nito binigo.
"I like color red because it symbolize blood. I love to kill because it ease my boredom. Voice screaming in pain is a music on my ears, my victim who've clandestine is exciting, people who've done wrong with me will suffer excruciatingly." tumalas ang paningin nito.
Nagtagis ang bagang ng detective at tinapatan ang babae ng tingin.
"You're a f*****g psycho." bitaw nya na nakapagpangisi dito ng todo.
"Nope I'm not. It's a talent, detective. You see someday you'll going to thank me for having this kind of talent. So, don't be afraid of getting close to me because I don't bite... I just kill with no mercy..."
Hindi na maalis ang malawak na ngisi sa labi nito.