Valeen
Pumikit ako at dinama ang sariwang hangin sa bungad ng bago kong eskwelahan. Sumilay ang ngisi sa aking labi nang maisip na magiging masaya ang taong ito para sa akin. Nagmulat ulit ako, mas masarap sa pakiramdam kung sariwang dugo agad ang bubungad sa akin dito.
'Di bale, hindi lilipas ang araw na 'to ng walang dugo ang dumadanak.
Humakbang ako papasok, ramdam na ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin. Gusto kong humalakhak kaso baka sabihin nila ngayon lang sila nakakita ng dyosang tumatawa. Tiningnan ko isa isa ang mga babaeng estudyante na may mapanghusga, kyuryoso, nagtatanong at matataray na tingin.
Ha! Dukutin ko kaya mga mata ng mga animal na 'to? Tapos gagawin kong meatballs...
Eyeballs.. meatballs. Aha! Magkatunog!
"Ba't kayo nakatingin? Ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosang naglalakad?" tinaas ko ang kilay at noo, nagsipag-iwasan sila ng tingin at ang iba ay kumunot ang noo.
"Kapal," may bumulong niyon kaya mabilis kong hinanap kung sino, nakita ko isang babaeng sobrang ikli ng skirt halos makita na ang lahat sa kanya.
Tinandaan ko ang mukha ng babae at umirap na lamang saka nagflip ng hair at nagdiretso na sa paghakbang sa hallway.
Kapag nagkita ulit kami ng babaeng 'yon, tatahiin ko ang kulay azuwete niyang labi.
I'm curling the strands of my wavy hair as I continue my walks to the hallway. Bitches and assholes can't stop themselves from looking at me, head to toe. I can't blame them. Maybe ngayon lang sila nakakita ng pinakamagandang babae sa balat ng lupa.
Whimford school uniform perfectly fits on my perfect body. Good thing I can buy heels and many more stilettos as much as I want. I'm wearing my favorite red pumps today along with my red cutie headband and red bagpack na iisang notebook at ballpen lang naman ang school related materials dahil martilyo, swiss knife, gunting at dalawang klase ng kutsilyo ang nasa loob nito.
And bago ko pa makalimutan, red rin pala ang lips ko today. Not because of lipstick, liptint or any other stupid lip cosmetics but because of my very own kind bloody tint. Oh well, I can say it's much way more better than their cheap liptints.
I spent two days para lang magawa ko ang mga naipong dugo ng mga maids namin sa garapon ko bilang liptint. It's organic kaya mas maganda! Naisip ko ngang ipagbenta for worth of 100 pesos. Siguro next time kapag hindi hectic ang schedule ko mag-oonline selling ako tapos 'yung mapagbebentahan ay idodonate ko sa mga pamilya ng mga pinatay ko.
Peace offering kumbaga at saka sharing is caring na rin. Ayaw pa nila? Duh? Fresh blood at red roses fragrance ang ingredients ko roon kaya affordable. I'm sure maraming bibili so as much as possible I need to make another stocks para kung sakaling maubos ang mga stock ko for now.
Girl scout yata ako since elementary. Always ready.
Always ready to kill haha!
*****
Habang patagal nang patagal, nababanas na ako. Parang gusto ko nalang magmassacre dito eh. Nakailang ikot na kasi ako sa buong 1st floor para hanapin ang magiging room ko. Syempre kahit naman kayang kaya ko silang patayin lahat ay kailangan maging normal parin ako sa paningin nila.
They shouldn't find me weird so that I can enjoy my college life here.
Nakarating na ako sa dulo kung saan mayroon nang nagkakaklase. Inangat ko ang tingin at nakitang malalaking number na ang hilerang rooms dito. Nagsalubong ang kilay ko at kaunti nalang papatay na talaga ako sa inis. Bwisit.
Kaya umakyat ako sa second floor. May elevator pero mas gusto kong pinagpapawisan ako, mas gusto ko ang pagkabuhay ng mga dugo ko at kalamnan, mas gusto ko ang may challenge.
Hanggang dito, hindi talaga nila maiwasan ang pagtingin sa akin. Kahit yung lalaking may kalampungan sa gilid ay lumingon sa akin at tumitig. I winked and gave him my very own seductive smile.. that can fool anyone.
Halos humagikhik ako nang sampalin siya ng kalampungan niya, natulala na kasi si koya sa akin. I sighed and flipped my hair. Mukhang hindi ako mahihirapan na paikutin silang lahat sa mga kamay ko.
"As I was saying about the molecules---" pabagsak kong binuksan ang pang-apat na silid at doon natigil ang nagsasalitang guro sa unahan.
Finally. Nahanap ko na rin ang pesteng room 17. Inayos ko ang side bangs ko saka headband.
"Are you one of my students?" in-adjust ng guro ang salamin nya habang tinitingnan ang kabuuan ko.
"Yes,"
Nameywang siya at tinaasan ako ng kilay. Mukhang ipapahiya pa yata ako ng matandang dalagang ito.
"Why are you late then?" she snapped.
"Mahirap maghanap ng room. Ikaw kaya ang maghanap," nanlaki ang mata nya. Boom old hag.
Umingay kaagad ang bulungan ng mga estudyante nya habang siya ay naiwan paring nakanganga. Nang matauhan ay tumikhim siya at sinenyasan akong pumasok ng tuluyan.
"Introduce yourself.."
Dahil doon, ngumiti ako ng malawak at inayos ulit ang headband ko bago sila tiningnan lahat. Nasa akin ang atensyon nila at talagang naghihintay sa sasabihin ko. Aww, interesado sila sa akin? Ang sweet naman nila. Try ko rin kayang maging sweet.
"Hi! My name is Valeen Arabella Cortez," ah, my name's really beautiful."I'm 17 years old. I've no specific favorite subject. I love color red and gummy and fresh foods. I want to be close with all of you... that's all." tinapos ko na bago pa ako may masabi.
Umupo ako sa bakanteng upuan sa pinakadulo sa katabi ng bintana. Inayos ko ulit ang headband ko. Bwisit kasi tumatabingi, palpak pa yata ang nabili ko sa mall kahapon. Lagot sa akin ang saleslady na iyon.
Balat nya ang gagawin kong headband!
Nagpatuloy ang klase ng adviser naming matandang dalaga. Ang taray taray ng isang 'to, kung sino sino nalang ang maituro sa recitation. Mabuti na lamang at nakakasagot ako at madali ang tanong nya dahil kung hindi ay mapapalitan na agad siya.
"Psst!" may tumawag sa akin saktong pagkalabas ng guro. Maingay ang buong klase at may kanya kanya nang mundo dahil hindi pa dumarating ang kasunod na professor.
Kunot noo akong lumingon. Isang babaeng may malaking salamin ang sya palang pangahas na sumisitsit. Kumaway sya sakin nang magtama ang paningin namin.
I made a facepalm. Anong problema ng nerd na 'to? Baka gusto na niyang mamaalam sa mundo ngayon pa lang? Hmmm.
At hindi pa nakuntento, lumapit sa mismong harapan ko habang may malawak na ngiti. Kahit gustong gusto ko nang kunin ang swiss knife ko sa bag ay pinigilan ko ang sarili. Hindi pwedeng mabuking agad ako. Kailangan kong maging maingat.
"Hello Valeen! Ako si Donalyn. Nice to meet you! Hehehe ang ganda ganda mo naman!" manghang mangha syang tinitingnan ako.
I smirked evilly. I know. I know, sweetie. I'm beautiful really and this beauty is dangerous.
"Really? Thank you!" I made a fake smile at her. Ang kanyang paningin ay nasa red headband ko na. Ah, naiirita na ako.
Hindi ba siya aalis sa harapan ko? Huwag nya lang hintayin na pugutan ko siya ng ulo ngayon mismo. Letse, hindi pwedeng masira ang mga plano ko dahil lamang sa walang kwentang gaya nya.
"Ang ganda mo talaga... ang puti! Pwedeng friends na tayo?" para akong sumabog sa tinanong nya. What?
Sineryoso nya ba talaga ang pagpapakilala ko kanina? Oh how stupid this girl is!
"I'm sorry but---" and she has the urge to cut my lines!
"Wah! Friends na tayo ah?" teka kelan pa ako umagree?"Yesha! Halika!" may tinawag siya sa katabing upuan nya at lumapit ang babaeng nakabraid ang buhok."Friends na natin siya. Oh diba? May maganda na tayong kaibigan! Sabi ko sayo eh,"
Nakangiwi lang ako sa kanila. Ang Yesha na tinawag nya ay mukhang shy type dahil hindi ito makatagal ng tingin sa akin. Dapat lang. Dapat lang kayong maintimidate.
"Uh, I'm Yesha Mendoza.." Inilahad nya ang kamay sa akin. Tinignan ko lang iyon ng matagal. Maganda. Maganda ang mga daliri niya. Pandagdag sa collection ko hmmm.
"Valeen," humikab ako at hindi na sila pinansin. Bigla akong inantok, mamaya na lamang ako hahanap ng buena mano kong biktima.
Iidlip na muna sana ako kaso biglang may nagtilian. Inis kong sinuyod ang tingin at nakitang ang kumpulan ng apat na babae, may tinitingnan sila sa cellphone na hawak ng nasa gitna. Dahil siguro naramdaman ang talas ng tingin ko, nag-angat ng tingin ang babaeng nasa gitna nila at tinaasan ako ng kilay.
Ows, another azuwete b***h spotted.
"Ingay nila 'no? 'Yan yung grupo nina Cleofe. Sikat ang mga 'yan magmula pa no'ng senior high. Mataray at maldita talaga ang apat na 'yan kaya mag-iingat ka sa kanila, Val." Uh-huh? At nandito parin talaga itong si Danilyn?
Wala sa oras akong napangisi, hindi sa natutuwa ako sa pagbibigay nya sakin ng nickname na Val kundi dahil sa sinabi niyang mag-ingat raw ako. How funny. Kawawang nerd tsk tsk.
"Sila ang dapat na mag-ingat sa akin," I whispered.
"Ha?"
Inirapan ko na lamang siya nang biglang may kumalampag sa bukas na pintuan. Pumasok ang tatlong maiitim at masasamang lalaki. Ang leader nila na syang nasa gitna ang pinakapangit. Walang ano ano'y pinitik nya ng pagkalakas lakas ang noo ng lalaking nerd at inipit nung isa sa kanyang kili-kili ang ulo nito.
Walang sumaway sa kanila habang yung nerd ay umiiyak na. Nagtawanan at nag-apiran pa ang tatlo bago mayabang na naglakad sa katapat kong silya as pinakalikuran ring bahagi. Wala naman akong naging reaksyon at pinanood lang sila. Para namang walang pakialam ang lahat eh.
Narinig ko ang tikatik ng dila ng babaeng kanina pa nasa harapan ko. I really really want to kill her right now but not here. Pahihirapan ko talaga 'to kapag napuno akong tuluyan sa kanya.
"Hindi parin nagbabago sina Kris, ang bully parin nila. Ilang beses na silang naguidance noong senior high kaso hindi naman nakikick out, paano kasi malakas ang kapit ng mga magulang nila sa principal. Maimpluwensya, hanggang ngayong college ay ganun parin ang trato sa kanila. Wala eh, vice mayor nitong lungsod ang tatay ni Kris tapos mga kagawad naman ang kila Johary at Fred." patuloy siya sa pagputak.
Sa totoo lang ay nakakabingi na, gusto ko syang barahin pero may pumukaw sa interes ko sa kaniyang pinagsasabi. Nilingon ko ang kaliwa ko kung saan naroon ang tatlong ungas na nagtatawanan habang may binabatukan na isa pang nerd sa kanilang unahan.
"Silang tatlo 'yung kinatatakutan sa batch namin. Balita ko rin na kasali sila sa fraternity at mga gang dito. Tapos alam mo ba 'yung mas nakakahindik? Sobrang pinag-usapan noon na may napatay na raw silang estudyante sa kabilang school! Grabe, kinikilabutan nga ako sa tuwing maiimagine na tunay iyon. Kaklase pa man din natin sila," nasa tatlong lalaki ang paningin ko pero ang tenga ko ay atentibo sa mga pinagsasabi ng babaeng 'to.
"Tawagin mo muna kaming master," dinig na dinig ko ang palahaw ng payat na nerd na kasalukuyang hinihila ang tenga. Ngising ngisi ang maitim na nasa gitna na siyang naghihila.
Sa tingin ko siya iyong Kris na sinasabi ng madaldal na babaeng nasa harapan ko. Tawa lang naman ng tawa ang dalawa niyang kasama. Inilagay ko ang magkabilang kamay sa table at pumangalumbaba silang pinagmasdan.
Ang saya naman nito. Hindi ko na kailangang maghanap ng maswerteng bibiktimahin sa araw na ito kasi may tatlo nang nanalo. This is so exciting. Dapat talaga 'yung mga walang kwentang tao ang unang nawawala sa mundo.
Ah, how will I going to kill these three? I have to think a very unique but marvelous plan to end of their worthless life.