Chapter 2: Three jerks in one stone

3018 Words
Third Person's POV Palingon-lingon ang mga mata ni Valeen habang may hawak na nakatuping papel. Mabibilang ng mga daliri ang mga estudyanteng dumaraan sa corridor dahil kasalukuyang lunch time at maraming nasa cafeteria. Ito ang tamang oras para maisagawa ang unang hakbang ng kanyang plano. Binuksan ni Valeen ang locker sa dulong bahagi, ngumisi siya dahil wala itong padlock. Mabilis pa sa alas quatro niyang isinilid ang nakatuping papel sa loob ng locker at saktong dumaan ang estudyante, sakto nya rin itong naisarado. Nawewerduhang tumingin sa kanya ang estudyante ngunit nginitian niya lamang ito at nagflip ng buhok bago umalis na patungong cafe. Hindi na maalis ang ngisi sa kaniyang mapulang labi hanggang sa dumating ang oras ng uwian. **** Nagtatawanan sina Kris, Johary at Fred habang naglalakad patungo sa kani kanilang locker. Galing pa sa tawa, nakangising binuksan ni Kris ang locker niya at napansin ang isang papel. Nakakunot noo niya itong kinuha at tiningnan saka binuksan. Hi Kris! Can I ask a favor? Can you help me carry my stuffs? Please? Mabigat kasi sila eh. At exact 5 pm on the forest nearby. Pwede mo rin isama si Johary at Fred. I'll promise gagawin ko rin ang favor back mo :> - Cleofe Dizon Nang mabasa ni Kris ang nakasulat sa papel ay kaagad nya itong ipinabasa sa dalawang kaibigan. Matapos ay nagkatinginan silang tatlo at ngumisi. Lingid sa kaalaman ng ilan ay may pagnanasa ang mga ito sa kaklase nilang si Cleofe Dizon simula pa noong gradeschool. Kaya para sa kanila ay pagkakataon na ito para maisagawa ang matagal na nilang plano sa dalaga. Ang hindi nila alam ay may isang tao din ang may plano para sa kanila. "Naiisip nyo ba ang naiisip ko?" malawak ang ngising tanong ni Kris sa dalawang kaibigan. Tumango ang dalawa ngunit bumuntong hininga ang isa, si Fred. "Pero sigurado ka bang si Cleofe nga 'yan? Pare, parang imposible naman eh." may pagdududang anito. Pinaningkitan siya ng mata ni Kris at maya maya ay binatukan ng malakas. Tumawa si Johary at nakibatok din kay Fred na nagkamot na ng ulo. "Boplaks! Si Cleofe 'yan kasi ramdam ko namang matagal na din nyang may gusto sa akin. Siguro ito na 'yung simula niya ng pagpapapansin," napangiwi si Johary at Fred sa ilusyunado nilang kaibigan at nagpailing iling nalang. "Malabo pa sa mata ni Isaac, pre." sabat ni Johary na ang tinutukoy ay ang nerd na paborito nilang ibully. Hinampas siya ni Kris sa mukha gamit ang papel na hawak at dinuro ng mataba nitong daliri. "Putanginamo. Huwag ka nang sumama." Nagtalsikan ang laway nitong sinabi at malutong na mura. Tinalikuran nilang dalawa si Johary na nagkakamot na rin ng ulo,"Joke lang naman, Kris! Hindi ka na mabiro, pare!?" humabol ito at dinamba ang dalawang nangungunang kaibigan. Nagbardagulan ang mga ito hanggang sa makalampas sa madilim na bahagi ng hallway. Saktong makaalis ang tatlong magkakaibigan ay lumabas ang nagtatagong si Valeen sa likod ng clinic at hindi niya napigilan ang malawak na ngisi habang magkakrus ang mga braso at nakatingin sa kaninang kinaroroonan ng tatlo. ***** Kris Ilang minuto na lamang at mag-a-ala singko na. Wala parin ang dalawang bugok na 'yon. Mga punyeta, kapag isang minuto hindi pa sila dumating, susunugin ko mga bahay ng mga 'to. Sumandal ako sa motor ko at kumuha ng sigarilyo sa kaha saka sinindihan iyon. Halos limang beses na hithit buga na ang nagagawa ko bago tuluyang narinig ang boses ng dalawang gago. "Kris, pasensya na naligo pa ako sa pabango kasi alam mo na," ikinunot ko ang noo sa sinabi ng nagtataas babang kilay na si Johary. Inakbayan siya ni Fred na nakangisi at makapal ang mukha dahil kumuha ng yosi sa kaha ko sa bulsa. "Para raw hindi maturn off si Cleofe. Kita mo 'tong shirt ko, pre? Binili ko pa bago magpunta dito," pagmamalaki ng hangal sabay pakita ng tag price niyon. Umisang hithit buga pa ako bago itinapon ang sigarilyo at tinampal sila pareho. Nagkamot sila ng mga walang laman nilang ulo. "Aanhin niyo ang pa-good shot eh titikman lang naman natin 'yon gaya ng plano?" Nagkatinginan silang dalawa at tumango. "Oo nga sabi ko nga," Sumakay na ako sa motor,"Tara na mga hangal, naghihintay na ang grasya," umangkas sila at pinahahurot ko na habang nasa isip ang magandang kurba ng katawan ni Cleofe Dizon. **** Third Person's POV Tumigil ang motorsiklo ng tatlong magkakaibigan sa bungad ng gubat ilang metro ang layo mula sa Whimford High. Inayos nila ang mga suot at inilibot ang mata sa lugar, tanging mga kuliglig lang ang maririnig kasama ang ilang huni ng ibon. Magtatakip silim na at medyo napaaga sila sa nakatakdang oras kaya naisipan ng tatlo na magkaniya kaniyang palsak muna ng sigarilyo sa kanilang bunganga. "Tingin mo darating 'yon?" biglang tanong ni Fred habang nakatanaw sa matatayog na puno. Humithit buga si Kris bago sumagot,"Darating 'yon. Kapag hindi siya dumating at niloloko lang pala tayo,alam nyo na ang gagawin." "Kikidnapin?" agap agad ni Johary na sumisipa ng maliliit na bato sa kanyang paanan. "Oo at doon itutuloy ang plano. Tapos na ang pagiging reyna ng kamalditahan niya, makikita natin kung paano malusaw ang itim na bagay na nasa mga mata niya." hindi na mawari ang ngisi ni Kris kasabay ng tumatakbo sa isip nito. "Siya naman ang mapapahiya." tumingin sa kawalan si Fred at bumuga ng usok. Bukod sa may pagnanasa silang tatlo sa dalaga ay may poot rin sila sa dalaga dahil sa ginawa nitong pamamahiya sa kanila noong huling buwan nila sa senior high. Sa covered court habang naglilista ang coordinator ng school kung ano ano ang mga kursong napili nila sa kolehiyo at ang pasadong marka para makapasa sa kursong iyon ay nilait sila ni Cleofe harap harapan sa kanilang mga kaestudyante. Hindi parin nila makakalimutan ang ginawa nitong pamamahiya at pamamaliit sa kanila kaya sa tuwing naaalala iyon ni Kris ay nag-aalab ang kaniyang galit sa dalaga. "Ano ba 'yan pucha alas singko na oh, asan na ang babaeng 'yon?" bulalas ni Johary pagkasulyap niya sa wristwatch. Sasang-ayon na sana sina Kris at Fred nang mapatigil si Kris sa paghithit ng yosi. Itinaas niya ang kamay na nagsasabing tumahimik ang dalawang kaibigan at pinakiramdaman niya ang paligid. "Shhh, may naririnig akong naglalakad." bulong niya sa dalawa sabay tapon ng sigarilyo. Nakiramdam rin si Johary at Fred. Nang makarinig silang tatlo ng isang bagay na bumagsak dahilan para umalingawngaw ang mga tuyong dahon sa kagubatan. Nagsigalputan sila patakbo papunta roon para tingnan kung ano iyong bumagsak at nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang isa iyong baboy ramo na hiwalay ang katawan sa ulo. Wala na silang pagkakataon pa para tumakbo matapos makarinig ng malulutong na yapak sa likuran nila dahil sabay sabay silang nawalan sa kamalayan at natumba. Nakangisi si Valeen habang marahang ipinapalo sa kabilang palad ang hawak na malaking kahoy na inihampas sa ulo ng tatlo. **** Nagmulat si Kris at tumambad sa kaniya ang masukal na kagubatan. Bumalik sa alaala niya ang nangyari kung bakit sila narito at bago sila mawalan ng malay, nanlaki ang kanyang mga mata at tatayo na sana sa pagkakaupo nang mapabalik siya. "Punyeta!" mahigpit ang pagkakatali sa kaniyang magkabilang kamay kaya wala siyang nagawa kundi ang mapamura na lamang. Nilingon niya ang dalawang kaibigan na ilang pulgada lang ang layo sa kaniya. Ganoon rin ang hitsura ng mga ito, nakagapos ang mga kamay at paa habang may dugong tumutulo sa parehong noo. Hindi parin ang mga ito nagkakamalay. Pinakiramdaman niya ang kaniyang ulo at inangat ang tingin. Unti unti, kitang kita niya ang pagtulo ng malapot na pulang likido galing sa kanyang noo pababa sa ilong. Nalasahan pa niya ang sariling dugo nang lumapat ito sa namumutla na niyang labi. Wala na sa tamang huwisyo at ang naisipan na lamang nya ay ang sumigaw. Nagsisigaw siya at nagmumura ng napakalakas na umaalingawngaw sa buong kagubatan. Pilit siyang nagpumiglas ngunit walang gawa iyon kahit gaano pa kalaki ang kanyang katawan. Nagising ang dalawa niyang kaibigan dahil sa kaniyang mga sigaw. Nanlaki rin ang mata ng mga ito nang makita ang kanilang sitwasyon. Nagpumiglas rin ang dalawa ngunit kagaya niya, wala rin ang mga itong magawa. "Anak ng! Pare bakit tayo nakagapos? Anong meron? Puta!" aligagang bulalas ni Johary habang pinipilit parin ang sarili na makawala. "Hindi ko rin alam nagising nalang ako ganito na tayo... tangina..." Inililibot ni Kris ang paningin, nagbabakasakaling makahanap ng patalim. "Mga p-pare.." naiusal ng namumutlang si Fred kaya napatingin sa kaniya ang dalawang kaibigan,"M-May tali sa leeg ko.." sa sinabing iyon, sinundan ng tingin ni Kris at Johary ang bandang leeg ng kaibigan at doon nga'y nakita ang lubid. Nakatali ang lubid sa leeg ni Fred at nakapulupot ito sa sanga ng puno, mahaba ang tali kaya pansin na pansin ang parte nito sa likurang bahagi ni Johary. Wala nang mapaglagyan pa ang kaba ng tatlong magkakaibigan, mas naging desperado silang makatakas lalo na nang may marinig silang yabag. Palapit ng palapit ang yabag sa kanilang kinaroroonan hanggang sa,"Boo!" napasigaw silang nang sumulpot sa kanilang harapan ang nakangising mukha ni Valeen. "Surprise, three ducks? Or should I say.. three d***s?" taas noong isinakwit ni Valeen ang hawak na malaking kahoy sa kanyang balikat. "I-Ikaw?! 'D-diba ikaw 'yung transferee? Anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo sa amin?!" halos lumabas ang ugat sa leeg ni Kris habang isinisigaw iyon sa dalaga. Wala namang imik ang dalawang kaibigan niya at matatalim na tingin lamang ang naigagawad sa dalaga. Humakbang palapit si Valeen kay Kris at gamit ang kahoy, inilapat nya ito sa baba ng binata para patingalain ito ng husto. "Oh, nakilala mo ako. Good job," napalunok si Kris habang nakatitig sa napakaamong mukha ng dalaga."Oh? Natatakot ka na ba? Balita ko.." lumayo si Valeen at umikot sa pagitan ng binata,"Kayo raw ang kinatatakutan dito. Totoo ba? Sample nga, matatakot na ako kung makakawala kayo sa mga gapos na iyan." sunod sunod nang lumunok ang tatlo. "Punyeta ka! M-Mali ka ng kinalaban! Pakawalan mo kami dito! Papatayin ka naman! Baliw!" nagawa paring isigaw ni Kris ang mga katagang iyon kahit na nababalot na siya ng takot. Kumurba ang kilay ni Valeen at mas lalong nasiyahan. Bigla niyang itinaas ang kahoy na hawak at hinampas ang mga binti ng noo'y sobrang putla nang si Johary. Palahaw nito ang umalingawngaw sa buong lugar. Napasigaw na rin ang dalawa dahil sa nangyayari sa kaibigan ngunit para kay Valeen ay isa iyong musika sa kanyang tenga. "Ayoko ng nagtatagal, nakakainip. Kaya ngayon tatanungin kita, sa dalawang kaibigan mo... sino sa kanila ang gusto mong unahin ko?" tanong ng dalaga na nagpasiklab sa takot ng tatlo at sa galit ni Kris. "Baliw ka! Sino ka ba, ha?! Si Cleofe ang pinunta namin dito, nasaan siya?! Pakawalan mo ako, punyeta ka!" sa halip na sagutin ay iyon ang pinagsasabi ng binata kaya nakaramdam ng inis si Valeen. "Kayo'y mga hangal. Wala dito si Cleofe, ako 'yung nagsulat sa inyo. Ulol kasi kayo eh, mabilis mauto. Palibhasa mga tigang." hita naman ni Johary ang pinalo ni Valeen kaya napasigaw ulit ito sa sakit. "Pre!" walang magawa ang dalawa kundi pagmasdan ang kaibigan na naghuhumiyaw at umiiyak na. "Pumili ka na kasi!" dinuro ni Valeen ang binata gamit ang kahoy. Sobrang sama na ng tingin nito sa kanya habang ang mga mata ay pulang pula na,"Gago kang baliw ka! Kahit mamili ako sa kanila alam kong papatayin mo kaming lahat!" sa sinigaw na iyon, napatawa ng malakas si Valeen. Pumalakpak si Valeen na sobrang lawak na ng ngiti. Tapos no'n ay sumeryoso siya, nawalan ng reaksyon ang mukha. "Oo, you're right. Now, inip na talaga ako. Mukha namang wala kang balak sumagot ng ayos so.. I have no choice but to do this," lumapit si Valeen sa likurang bahagi ni Johary na parang may ikinakabit doon at nang matapos ay tumingin muna siya sa dalawang walang kaide ideya sa mangyayari. "Johary, johary, johary... sorry kung nahampas kita, ah? Ngayon pwede ka nang makaalis, maluwag na ang gapos mo." ang tatlo ay nagtaka sa sinabing iyon ng dalaga. Ngunit desperado na ang binatang si Johary kaya sinunod niya ang sinabi nito, ginalaw nga niya pasulong ang kamay pero laking gulat niya nang may sumigaw, natigil siya at napaluha na lamang muli dahil ang isa sa kanyang kaibigan ay nakaangat na ang pang upo sa pagkakabigti. Hindi alam ni Johary na itinali ni Valeen sa taling nasa mga kamay nito ang kadugtong na lubid na nakakabit sa leeg ni Fred kaya no'ng hinigit iyon ni Johary ay nadala si Fred ng tali at nabigti. "Fred! Putangina!" napaiyak nang tuluyan ang tigasing si Kris dahil sa magkahalo halong emosyong nararamdaman. Nangingibabaw parin ang galit kaya nilingon niya ang nasisiyahang mukha ni Valeen,"Anong ginawa mo sa kaniya!? Tangina oras na makatakas ako dito papatayin kita!" nagpumiglas siya pero sa huli ay nauwi rin sa pag-iyak. "Sige lang boi, banta lang ng banta. Hanggang dyan ka lang naman. Ang tanga tanga nyo kasi eh, lalo ka na." bumaling si Valeen kay Johary na tulalang umiiyak,"Balak mo pang maging makasarili 'yan tuloy nawalan ka ng kaibigan. Uto uto. Lagot ka, pinatay mo siya.. lagot ka.. ikaw ang pumatay sa kaibigan mo! Lagot ka kasi pinatay mo siya!" pagkatapos asarin ang tulalang binata ay humalakhak si Valeen. Samantala, salubong ang kilay na nakatingin si Kris sa nakabigting si Fred. Kulay ube na ang leeg nito dahil sa pagkakahapit ng lubid, wala na ring kulay ang labi at buong mukha ng binata habang ang mata ay dilat na dilat pa kaya alam niyang wala na itong buhay. Sa isang iglap lang ay nawalan siya ng kaibigan. Kahit madalas silang nagbabardagulan ay kapatid ang turingan nila sa isa't isa kaya masakit para sa kaniya ang nangyari dito. Ipinangako niya sa sariling hinding hindi niya mapapatawad ang babaeng lumapastangan sa kaibigan niya at sa kanila. Kuyom na kuyom ang kanyang kamao, humarap ulit siya sa direksyon ng dalaga para duraan sana ito ngunit tumambol ang dibdib niya nang makitang hawak hawak nito sa ulo ang tulalang si Johary. "A-Anong gagawin mo?" hindi siya nito nilingon at may kinuha sa kulay pulang bag na nasa ilalim ng puno, nang mapagtanto niyang martilyo ang kinuha nito ay nagpakawala siya ng ilang mura,"Putangina! Anong gagawin mo sa kanya?! Tangina mo! Papatayin talaga kita!" panay lang ang kanyang sigaw na halos ikapaos ng brusko niyang boses. Sa kabilang banda ay tuwang tuwa si Valeen sa nangyayari at sa nasusunod niyang plano. Bumwelo siya at pinukpok ang martilyo sa ulo ng tulalang si Johary dahilan para mapahiyaw ito sa sakit at matauhan. Namimilipit sa sakit at walang magawa ang binatang duguan ang bumbunan habang sa kanan nila ay si Kris na sigaw lang ng sigaw at nagpupumiglas. "T-Tama na.." mahinang usal ni Johary kay Valeen na nasisiyahan pa sa paulit ulit na pagpukpok ng martilyo sa ulo nito at hindi tumitigil hanggang sa mabasag ang bungo. "Tama na agad? Weak mo naman! Nag-uumpisa pa lang ako eh!" napapadyak si Valeen at mas ginanahan pa ang pagpalo sa ulo ng binata. Tumatalsik na ang malapot nitong dugo sa mukha ni Valeen na siyang ikinapikit ng kanyang mga mata, labis na tumatalon sa saya ang puso niya lalo na't parami ng parami ang dugong umaalpas sa ulo nito. Sa kanilang kanan ay hindi na makapagsalita pa si Kris at tahimik na lamang na lumuluha, sumuko na siya at tuluyan ng hinayaan ang sariling matakot sa taong nasa harapan niya na hindi asal tao ang ginagawa. Hanggang sa marinig nila ang malutong na tunog, tanda na isang matigas na bagay ang nabasag at tuluyan nang napangisi si Valeen habang pinagmamasdan ang bungo ni Johary na ngayo'y basag na at nakikita na niya ang utak nito. Hinang hina na ang binata at ang nagagawa na lamang ay ang habol hiningang ilang minuto nalang ay mawawala na rin. "Johary, pare!" buong lakas na naisigaw ni Kris matapos bumwelo ni Valeen at ihampas ng pagkalakas lakas ang duguang martilyo sa ulo nito kaya tuluyan na itong nahati at nagtalsikan ang piraso ng utak, ugat at saganang dugo sa kanyang puting shirt na ngayon ay duguan na rin. "Ready for the last? Don't worry, ikaw na ang kasunod. Thank you sa masigasig mong paghihintay." matamis na ngiti ang iginawad ni Valeen sa binatang si Kris bago inilabas ang kutsilyo sa kanyang bag at walang pag-alaalinlangang ginilitan ng leeg ang wala ng buhay na si Johary. Lumaylay ang basag nitong ulo dahil sa nakakabit pang ugat, walang kurap na pinigtas iyon ni Valeen at tuluyan nang natanggal ang ulo nito sa katawan at nagpagulong gulong. Hindi man lang pinagpawisan si Valeen at padagdag nang padagdag ang sigla dahil sa nag-uumapaw na dugong bumabalot sa uniforme at mukha niya. "It's your time to shine, buddy. Any last message?" tanong niya pagkalapit sa binatang si Kris na tulala nalang sa kawalan. Hindi ito sumagot kaya bumuntong hininga si Valeen at tinusok ang ibabaw ng ulo nito. Sumirit ang dugo at ikinasiya niya iyon, tinusok pa niya ng pangalawang beses at halos baon na baon na kaya nangisay ito. Pagkabunot niya ng kutsilyo, bumagsak na ang malaking katawan at wala ng buhay na si Kris. Naliligo sa sariling dugo habang mulat na mulat ang nanlalaki paring mga mata at bibig na nakabuka. Nagpailing iling si Valeen,"Poor d***s. May you rest in peace." pinagdaop ni Valeen ang kanyang palad na parang ipinagdasal ang tatlo. Inilapag niya sa magkakatabing pwesto ang tatlo pagkatapos ay kinuha niya ang gulok na nasa batuhan at nagsimulang pagpira pirasuhin ang katawan ng mga ito. Isinilid niya ang mga iyon sa malaking plastic bag na dala at isinuot ang coat ni Johary para takpan ang duguan na uniforme. Dinala niya ang mga gamit at siniguradong walang matitirang ebidensya laban sa kanya. Bitbit ang plastic bag ay nagtungo sa sa pinakamalapit na batis para hugasan ang duguang sapatos at kanyang mukha at katawan. Pinagmasdan niya ang piraso ng mga katawan ng tatlo at ngumisi dahil nagtagumpay siya sa plano. Bale, ulo lang ng mga ito ang kanyang itinira. Remembrance raw para sa unforgettable experience ng tatlong maswerte niyang biktima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD