Valeen
"Grabe naman 'yung gumawa nito!"
"Wala siguro iyong kaluluwa napakabrutal,"
"Ang anak ko!!"
"Sinong gumawa nito sa anak ko?!"
Tuloy tuloy lang ang paglalakad ko hanggang sa makapasok na sa gate, hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin ang kumpulan ng tao ilang metro ang layo mula rito. So... nakita na pala nila at nalaman. Ayos ah, akala ko uuudin muna ang ulo ng tatlong 'yon bago nila mahanap.
Mga chismosa at chismoso. May araw rin kayo hintay lang kayo. Enjoy niyo muna ang unang pasabog ko.
"Omg! You heard the news, guys? It was so horrific!" Isang babaeng pandak ang lumapit sa mga kaibigan niya at nakipagchismisan.
Kaliwa't kanan ang mga naririnig kong usapan tungkol sa tatlo. Kahit nga ako hindi makapaniwala eh, biruin mo 'yun namatay kaagad sila? Damn ang hihina! Napatay ko agad sila, hindi man lang nagtagal ng dalawang oras.
Nagtungo ako palapit sa magkakaibigang nagchichismisan. I'm still wearing my uniform even if its pure bloody yesterday, duh syempre nilabhan. Hindi na nga ako nakatulog eh---ops hindi nga pala ako natutulog since then.
"Uhm, ano raw 'yung nangyari doon sa mga biktima?" I asked innocently. They looked at me and stared first before pa may magsalita.
"Girl, nakakakilabot hindi mo gugustuhing marinig!" The kinulang sa height girl was the one who answered. Nagsang-ayunan ang mga kaibigan niya sa kanyang sinabi.
Ngumisi ako,"Gusto ko ang nakakakilabot," I said dahilan para matigilan sila but I replace my smirked with smile,"I mean, I'm used to it because I love horror so can you spill the tea?" pagbawi ko.
Bumalik rin sa kaninang ekspresyon ang kanilang mga mukha.
"Kaninang madaling araw daw may nakapagsabi sa mga pulis na may tatlong ulo ng lalaki sa gubat kaya nagtungo roon ang kapulisan tapos ayun natagpuan nila ang tatlong ulo nina Kris, Johary at Fred!" she storytelled with horror.
I controlled myself not to laugh at her reaction. Kaya pala may stupid police patrol car doon, ang mga bulok na pulis na 'yon. Mga pulis patola. Halos kilala pala ng lahat ang tatlong lucky victims ko kahapon, siguro kilala sa pagiging basagulero. But sorry not sorry, yung isa nga basag na ang ulo. Dapat pala pati 'yung dalawa binasag ko na rin.
"Balita ko basag na basag daw ang ulo nung isa sa kanila," uh-oh si Johary yata 'yan."Tapos 'yung dalawa meron ng ilang uod na gumagapang!" Uh-huh? Ang bilis naman nilang uudin, palibhasa mababaho ang kulo.
"Joyce tama na nga 'yan! Tignan mo si ate oh, mukhang natatakot na." Itinuro ako nung chubby na may yellow clip sa buhok.
Hindi ko namalayan na nakangiwi na pala ako, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagtalsik ng laway nitong Joyce habang nagsasalita. Disgusting!
"Ah naku, pasensya na ah? Ikaw kasi eh tinanong mo pa," she shook her head at ako pa ang sinisi?
"Tara na, tara na." Inaya na sila nung matangkad na lalaki na kasama nila. Nang makalayo na sila, doon kona inilabas ang natatagong ngisi.
It's so cool to act like an innocent.
They are seniors kaya ang papandak pa nila. Kay bata bata pa, mahilig na chumismis. Tapusin niyo muna practical research niyo. I'm banging my head until I stepped inside our classroom. Tahimik nang pumasok ako, wala pa ang stupid adviser. Ah, ang tahimik talaga parang may patay.
Ops, may namatay naman talaga.
Ang iba ay nakatulala sa kawalan tapos ang ilan naman ay well, nagchichismisan na naman tungkol sa non-stop brutal na pagkamatay ng tatlo blah blah blah whatever.
Kairita na ah. Dapat masanay na sila.
"Val! Huwaaa!" namilog ang mga mata ko nang biglang may patalon na yumakap sa akin. Muntik pa akong matumba sa upuan ko!
"What the hell?!" galit ko siyang itinulak kasi nagulo ang kaaayos ko lamang na headband ko.
And there, the annoying girl with thick glasses. f*****g nerd. Ano kayang pakiramdam ng pumatay ng isang nerd? Gosh. What's the name of this girl again? Dani.. Danilyn? The f**k I care.
"Donalyn!" lumapit sa kanya 'yung mahinhin na kaibigan niyang babae at inalalayan siyang makatayo, natumba kasi nung tinulak ko, ang hina hina naman niya.
Ah so Donalyn pala ang pangalan niya. Kala ko Danilyn. 'Yung Danilyn pala na sinasabi ko ay classmate ko nung elementary na kinagat ko ang braso ayun tanggal ang laman. Iyak siya eh.
"Bakit mo ako itinulak, Val?" humihikbi niyang tanong. Really? What the f is the problem of this biatch?
"Bakit ka kasi nangyayakap bigla? Nagulat tuloy ako!" Sabi ko nalang kahit na gustong gusto kona siyang balatan ng buhay.
Her face lit up at suminga pa sa hawak niyang panyo. Iww. Umupo siya katabi ko dahil bakante naman 'yon. Nasa kanan niya ang kanyang kaibigan.
"Sorry.. natatakot kasi ako e," when she said that, my all attention focused on her.
"Really? Bakit ka naman natatakot?" I stared directly at her eyes. There biji, you should get scared definitely.
"Dahil first time 'tong mangyari dito sa Whimford High. Wala pang nangyayaring pagpatay sa lugar na 'to lalo na ang brutal at karumal dumal! Nakakatakot pakiramdam ko may serial killer na dito." nanginginig ang kanyang mga kamay at labi at pinapakalma siya ng kaibigan.
"You think so?" Itinaas ko ang kilay at humalukipkip. Lumipat ang mata ko sa direksyon sa unahan, naramdaman ko kasi ang tingin nung nerd na lalaki na palaging pinagtitripan ng three d***s.
Tinaasan ko siya ng kilay. Namula siya at nag-iwas ng tingin. Duh? Ano? Gusto niya ring makichismis? Eskwelahan yata ng mga chismoso ang napasukan ko. Kunin ko mga organ senses nila dyan eh tingnan ko lang kung makapang gossip pa sila.
"Valeen, anong gamit mong lipstick?" when someone suddenly asked that, I turned my gaze at my right and to see it's Yesha.
Her eyes were filled with curiosity at ganoon rin si Donalyn na tumigil na kakadrama.
Biglang nagbago ang aking mood sa tinanong ng kaibigan nitong si Donalyn. Buti naman may nagtanong rin, sakto balak ko nang I-promote ang newest product of beauty made by one and only Valeen at your service.
"Oh it's not lipstick, dear. It's liptint. Bloody liptint to be exact." I smiled sweetly at them. Pagtataka ang rumehistro sa mukha nila. Umusog pa palapit sa akin si Yesha at hinawakan ang labi ko.
Grrr, kagatin ko daliri mo dyan eh.
Good thing my very own liptint was already dry so hindi mahahalatang fresh blood ito kasi may rose fragrance din.
"Bloody liptint? May ganun ba? Saan mo 'yan binili? Umorder ka ba sa lazada?" sunod sunod na tanong ni Donalyn the madaldal. Nakaisip na ako ng plano kung paano siya patatahimikin, I'll going to cut her filthy tongue off.
Medyo naoffend ako doon sa huling sinabi ng Yesha na 'to,"No hindi ako umorder sa lazada or kahit saang online branch. It's my very own product. I made these," pagmamalaki ko.
Their mouth dropped open. I secretly rolled my eyes at lumingon sakto sa lalaking nerd na natyempuhan kong nakatingin na naman sa akin. The hell is the problem of this glassy clumsy adan? Kanina pa siya. Pinaningkitan ko nga ng mata. I saw him bit his lower lip and then looked away.
The duck!?
Hindi ko nalang ulit pinansin. Siguro nahahalina siya sa ganda ko. Sanay na naman ako.
"Talaga!? Ang galing! Idol na talaga kita! Diba Yesha? Idol na natin si Valeen?" my attention were in this two annoying girl again. Tumango iyong Yesha.
"Oo, uh.. pwedeng paorder ako ng bloody liptint mo? Magkano ba?" Yesha asked that made me smirked widely.
"Ako rin bibili!" Oh there dude, this day is really my lucky day.
"Don't worry. It's super affordable. Only 100 pesos, sweeties." I winked at binuksan ang zipper ng bag ko para kuhanin ang liptint.
"100? Ang mahal naman anong affordable dun?" I heard Donalyn proclaimed.
Nakangiti kong ipinakita sa kanila ang sample,"Here. Kaya 100 kasi malaki siya at marami. Good for years." namangha sila.
Donalyn got it from my hands and they stared at it. Wala ng mapaglagyan ang ngiti ko. Ah, buena mano. I know right now sisikat na itong gawa ko, gosh kailangan ko nang gumawa ulit ng panibagong stocks later.
"Hala bibilhin ko 'to!" Dona said at dumukot sa kanyang wallet ng violet bill then she handed it to me kaya tinanggap ko agad.
"Ako rin, meron pa ba?" si Yesha naman. Nakangiti akong tumango at kumuha ulit sa bag ng another stock. Mabuti na lamang may sampu akong dinala today.
"Don't know you're into liptints." pahayag ko matapos makuha ang bayad ni Yesha. Come to think of it, their fashion were too nerdy look para mahilig sila sa beauty stuffs. 'Di hamak naman na mas fashionable at maganda ako sa kanila.
Nagsimula na nilang itesting ang bloody liptints ko. I imagined confettis everywhere. Damn, success. Sabi kona e, magiging mabenta ang gawa ko. Ang galing ko talaga, hindi na ako magtataka kung mafeatured 'to international.
Dumating na ang adviser namin. Hindi naman nagklase kasi puro tungkol sa pagkamatay nung tatlo ang sinabi at pinag-usapan. Nakakaboring sa true lang, nagheadset nalang ako at nakinig ng rock music. Head bang all the way until parang biglang tumahimik.
So I opened my eyes at nakita kong ang dalawang pulis sa may pintuan. Namilog ang mata ko at inalis ang headset sa tenga. Tumalbog ang puso ko hindi dahil natatakot ako or kinakabahan kundi naeexcite ako. Kaya pala biglang tumahimik, may mga palpak na parak.
"Sino sa inyo si Cleofe Dizon?" malalim ang boses na tanong nung matabang parak. Kamukha ni majinbu.
"I'm Cleofe Dizon. Is there something wrong?" tumayo mula sa kinauupuan si azuwete girl the second. Ah oo nga pala, siya nga pala si Cleofe. Taas noo siyang humarap sa mga parak, if I know masusuka na 'to sa kaba.
"Sumama ka sa amin sa presinto may ilang katanungan lang kami sa iyo." ani ng babaeng parak kaya napuno ng bulungan ang apat na sulok ng silid. Bumaha ang labis na takot sa mukha ni Cleofe.
"What!? Are you nuts? Bakit naman ako pupunta sa presinto? What's the meaning of this bullshit?!" naghihisterya na ang Cleofe Dizon niyo. Humingi ng pahintulot ang dalawang parak sa adviser namin na kinakabahan narin at naguguluhan, nang tumango ito ay nagderetso ang dalawa sa pwesto ni Cleofe.
"May nakitang papel na may sulat mo sa locker ni Kris Marasigan, ang isa sa tatlong pinatay. Sumama ka nalang sa amin, Ms. Dizon, para wala ng gulo," sapilitan nilang pinosasan ang naghihisterya at naiiyak nang si Cleofe.
"No! I'm not involved! Let go of me! I'm innocent! Nananahimik lang ako with my friends so what the!?" patuloy ang pagsigaw ni azuwete girl the second hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng mga parak na kumaladkad sa kaniya.
"Omygod! Si Cleofe yata ang killer!"
"Hala nakakatakot naman crush ko pa naman siya. Sayang pre!"
"The criminal b***h!"
Nagkibit balikat na lamang ako at isinuot muli ang headset. Gusto kong tumawa ng malakas habang naaalala kung paano ko sila napaikot ng walang kahirap-hirap.
Sumisipol akong naglalakad patungong faculty room. Bawat makakasalubong ko ay nginingitian ko. Pumasok ako sa malamig na faculty.
"Uh.. good afternoon, ma'am, saan po dito ang table ni Mrs. Cheska Duran?" nakangiti kong tanong sa payat na guro.
"Doon ang table niya, hija. Nasa science department pa siya eh. Ano bang kailangan mo?" she asked.
"Ah may pinapakuha lang po ang professor namin sa English, need niya daw po ang attendance ng klase namin." I lied, still wearing my oh-so-fake smile.
"Ganun ba? Oh sige tingnan mo lang riyan sa kaniyang drawer sa pinakagitna," sabi niya at nagpasalamat ako bago pumunta doon at binuksan ang drawer.
Gotcha. Nakangisi kong kinuha ang attendance at nagpasalamat ulit sa gurong payat bago pumanhik. Binuklat ko ang pahina at hinanap ang mga pangalan ng tatlo pagkatapos ay ang taong madadamay lang talaga.
Ginaya ko ang pirma at penmanship niya sa abot ng makakaya ko. Nakailang punit pa ako ng papel bago masatisfied. Ngumisi ako sa lucky letter of the year. I'm such a genius and the prettiest.