Chapter 12: Killing booth

1998 Words
Jersey Morales Kanina pa ako nagpapalinga-linga sa kinatatayuan ko, panay ang tapik ng mga daliri sa hita, sumasabay sa ugong ng musikang tinutugtog ng banda sa entablado. Walang tigil sa pagwagayway at pag-iingay ang mga estudyante, mapababae man o lalaki, lahat masisigla. Sa dagat ng mga tao rito, ang hinahanap ko lang ay siya. May tumapik sa balikat ko."What's up, pre? Sad boy ka ata?" Hinarap ko si Wally na as usual, nakakabit na naman ang puting bandanna sa noo. "Tsh.. hindi ako sad boy." Inilibot ko ulit ang paningin, nagbabaka-sakaling magpakita na ni anino man lang niya. Bigla kasing nagtipon-tipon ang lahat dito sa gitna, kaya nawala siya sa paningin ko, nagkahiwa-hiwalay kami. "Oh, hindi naman pala sadboy eh. Come on, let's enjoy this bullshit! Kung sino man 'yang babaeng bumabagabag sa isip mo, hayaan mo na iyan marami pang iba pre!" mas malakas pa ang boses niya kesa sa kinakanta ng banda."Wohoo! Putanginanyo louder!!" sumigaw siya sa mismong tapat ng aking tenga. Itinulak ko siya at hindi napigilang magmura."Tangina ka," Inis na nga ako, lalo pang iinisin. Siraulo talaga. Napailing ako at medyo lumayo sa kumpulan nila, bahala sila dyan, karamihan naman sa kanila ay mga babae at binabae, ang mga lalaki ay nantitrip lang, nanggugulo kumbaga. Katulad na lamang ni Wally kanina. "Nasan na kaya 'yun?" Mahina kong naibulong. Hindi kaya napikon talaga siya sakin kaya siya nagwalk-out?,"s**t!" Agad akong napalayo nang may tao palang daraan sa likuran ko. "Sorry, miss." Paumanhin ko sa babaeng muntik ko nang mabunggo. Nakaayos siya, sa tingin ko ay isa siya sa mga contestant ng Ms. Intramurals na gaganapin mamaya. "Okay lang.. sorry rin." Nagtanguan kami at nilagpasan na niya ako. Namulsa ako. Maganda siya, pero mas maganda parin si Valeen. "Hoy!" tumingin ako sa taas ng bleachers kung saan may tumawag. Kumunot ang noo ko pagkakita kay Reggie na may kaakbay na babae. "Anong ginagawa mo dyan?!" Nakangiwi kong tinanong kahit may ideya na. Umakyat ako palapit sa kanilang pwesto dahil hindi kami magkakarinigan. "Bebe time." Sagot niya sabay hila palapit sa katabi niyang babae. What? Tumawa siya sa nasusuka kong reaksyon."Boring do'n sa baba, ayoko nang makisabay kay Wally pre, naninigaw sa tenga ampucha!" Reklamo niya at nakangiwi na rin. Tumawa ako at pinahinga sa railings ang mga braso."Oo, gago 'yun eh." I shook my head. "Nga pala, eto si Vanessa, girlfriend ko. Nessa si Jersey, kaklase ko saka tropa." pakilala niya sa amin. Naglahad ako ng kamay sa girlfriend niyang maputi. "Hi, Jersey. Nice to meet you." Tinanggap Tinanggap Tinanggap Tinanggap ko at nagkamayan kami. Ngumiti ito sa akin. Syempre ngumiti rin ako. "Hello, nice to meet you, too. Boyfriend mo pala 'yan?" Itinuro ko si Reggie."Akala ko kasi habangbuhay na 'yang single." Ngumisi ako, natawa si Vanessa. Itinaas ni Reggie ang dirty finger niya."Ulol mo. Bakit pa nga ba kita tinawag? Lumayas ka na nga! Magsama kayo ni Wally'ng abno!" Humalakhak ako sa iritado niyang pagmumukha. Pikon naman ng mga tao ngayon. "Ge, hanapin ko lang future girlfriend ko. Akala mo ikaw lang, ah?" Nagtaas ako ng kilay at patalon na bumaba. "Sino? Si Lexi Lore?" Tapos nun, tumawa siya ng matiwasay. "Porn pa, siraulo ka!" Umiling ako at nilayasan na sila. Buti nalang pwedeng hindi magdala ng bag ngayon, pabigat lang iyon sa balikat ko. Kahit na macho ako, napapagod rin naman ako. Nagtungo ako sa gate nitong covered court. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok nang makitang may ilang estudyante ang naroon nakapila, ang dalawa sa kanila ay kinakausap ang officers na nagbabantay doon. Napakamot ako sa batok. Damn, may nagbabantay. "Sige na po, ate! May bibilhin lang po kami sa Cafe!" Rinig kong pakiusap ng isa. "Hindi sabi pwede. Mamaya nalang pagkatapos ng program." Giit nung isa sa officers. Nagpapadyak ang estudyante papunta sa mga kasama niya habang bumubulong-bulong tungkol sa officer. Sa kilay na ako napapakamot, paano ba ito? Bawal pala lumabas ng court, paano ko mahahanap si Valeen? Gamitan ko kaya ang mga ito ng karisma ko? Wala nang choice, sana gumana. Lumapit ako sa dalawang babaeng officer na nagbabantay. Tumingin sila sa akin kaya ipinakita ko ang pamatay kong ngiti. Pumula ang pisngi nung isa, yung pangalawa naman ay ngumuso. Pinasadahan ko muli ng palad ang buhok, para dagdag points. "Uh.. may nakalimutan akong kuhanin sa room namin. Pwede ko bang balikan? Sandali lang?" Diniretso ko na. Tumikhim silang dalawa at parang bumagsak ang balikat. "Hindi pwede. Mamaya nalang kapag tapos na itong program." napakamot ako sa ulo. "Bakit mo pa babalikan kung wala ka naman nang karapatan? You left remember?" Gulat kong nilingon ang isa. Mahina siyang tumawa."Joke lang. Bawal po talaga eh. Hindi po gagana sa amin ang kagwapuhan mo, pasensya na." aniya. Bigo akong tumango."Okay. Okay lang." Nalipat ang mata ko sa kaliwang bahagi ng bleachers at namilog ang mga ito. Dahil mahigpit ang mga nagbabantay sa gate, hindi maiiwasan ang mga estudyanteng mapilit at matigas ang ulo. Humahangos at nagtatawanan ang apat na magbabarkada habang sunod-sunod silang lumulusot sa ilalim ng bleachers sa espasyo roon. Hindi na ako nagulat nang makita kong ang isa sa kanila ay si Wally. Sanay na sanay ang mga itong lumabag sa patakaran. Lihim akong napalingon ulit sa dalawang nagbabantay na abala sa paninitig sa akin. Napahawak ako sa batok, hindi raw gagana ang kagwapuhan ko. Sana naman mapansin nilang naiisahan na sila. Tumalikod na ako at lumayo doon, saka palang sila natauhan at ang huli ko nalang narinig ay ang sisihan nila sa isa't-isa. **** Third Person's POV Lakad nang lakad patungo sa isang booth si Ariane habang nakatutok ang mga mata sa hawak niyang cellphone. Ang hindi niya alam ay patuloy rin sa pagsunod sa kaniyang mga yabag ang nagngangalit na si Valeen. Lumiko si Ariane at tuluyan nang pumasok sa pinakadulong booth kung saan doon siya kabilang. Tumigil sa paghakbang at pagsunod ang dalaga at ngumisi. "Wait for your grave, bitch.." Usal ng dalaga bago minarkahan ang nilakaran. Dire-diretso at walang lingunan na naglalakad si Valeen patungo sa Mini Pandayan ng eskwelahan. Tinulak niya ang pinto ng bilihin at pumasok diretso sa hygiene area. Walang kurap niyang pinagkukuha ang limang toilet tissue sa hallway ng mga paninda. Mabibigat at mabibilis ang kaniyang mga yabag na pumunta sa counter. Nagtataka siyang tiningnan ng tindera lalo na ang mga dala niya. Inilapag ni Valeen ang limang tissue at bumunot ng isang libo sa wallet. Naguguluhan at kyuryoso man, tinanggap parin iyon ng tindera. Pagkalagay niya ng mga ito sa plastic ay agad iyong kinuha ni Valeen. "Neng, sukli mo!" Habol niya rito ngunit mabilis ang dalaga at hindi na lumingon pa pabalik. Matagal bago nakabawi ang tindera at nagkibit-balikat na lamang ito at ibinulsa ang sukli ng dalaga. Humahangos na dumaan si Valeen sa pasilyo. Walang mga estudyante ang naglalakad at tanging tunog lang ng kaniyang sapatos ang maririnig. Pumasok siya sa pintuan ng bodega at padarag iyong isinara dahil sa pagmamadali. Walang pag-aalinlangan siyang lumusot sa masikip na lagusan patungo sa kanyang hideout. Hinalughog niya ang maliit na cabinet na pinaglalagyan ng lahat ng kaniyang mga kagamitan para sa bibiktimahin. Nagniningning ang kaniyang matang tinitigan ang nakuhang maliit na bote saka iyon isinuksok sa bulsa ng pantalon. Hinablot niya ang pala sa gilid, masaya siyang lumabas doon nang bitbit ang lahat ng iyon. Hindi kalayuan ang booth na kinaroroonan ng target niya kaya mula sa malambot na lupa sa likod lang niyon ay ibinaba niya ang mga dala, nagsimula siyang maghukay gamit ang dalang pala. Ganado siya at kampante dahil alam niyang walang makakakita sa ginagawa niya, bukod sa abala ang mga kapwa estudyante sa program na nangyayari ay sagrado rin ang lugar na iyon dahil tambakan ng mga basura at mga lumang upuan. Pinunasan ni Valeen ang pawis na namuo sa kaniyang noo at sinadlak ang pala sa lupa, tinuunan niya iyon ng kanyang braso habang pinagmamasdan ang malalim na hukay na ginawa. Tamang-tama lang ang sukat para sa napupusuan niyang target---si Ariane. Samantala sa kabilang banda, nangingiti habang ipinapaikot ng dalagang si Ariane ang kaniyang daliri sa hibla ng kanyang buhok. Napapangisi siya habang nagtitipa ng mensahe sa kaniyang cellphone. Sumandal siya sa pader sa likod ng inuupuang silya at namumula ang mukhang tumili. Ang reaksyon iyon ng dalaga ay nasaksihan ni Valeen na nakatago sa isang sulok, nagmamasid sa mga galaw nito. Lalo lang siyang ginanahan sa kahibangang nakikita kay Ariane. Hindi na siya nag-aksaya pa ng sandali at dahan-dahan siyang lumabas sa pinagtataguan. "Ohmy----what the f**k? Why are you here?!" Hindi halos maipinta sa gulat ang hitsura ni Ariane matapos makita si Valeen sa kaniyang harapan. Naibaba niya ang hawak na cellphone. Ngumisi lang ang dalaga, nagtatago ang isang kamay sa bulsa ng suot na pantalon."Surprise, bitch." Wika niya na nagpausok sa ilong ni Ariane. Tumayo ito sa kinauupuan at dinuro si Valeen habang lumalapit."You're a stalker, aren't you? You're so creepy. What are you doing here really?! Gusto mo bang makipag-kaibigan ha? Why? Because you found me very famous? And you wanted to be famous too, that's why you want to get along with----" hindi na siya pinatapos nang naiiritang dalaga, kaagad siyang itinulak ni Valeen kaya napatama ang likod niya sa dingding. "Shut the f**k up!" Sigaw niya at natahimik ang nanlalaking matang si Ariane."Ikaw na nga 'tong may atraso sakin, matapang ka parin? Tingnan lang natin ang tapang mo pagkatapos nitong gagawin ko sayo." Madilim siyang ngumisi. Hindi nakatakas ang kilabot kay Ariane ngunit pinanatili niya ang kalmado at mataray na ekspresyon."Dapat lang 'yon sayo. Tatanga-tanga ka kasi. Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo, tanga ka kasi. Next time, 'wag ugaliing maging tanga ha? Kadalasan kasi mga tanga ang nadedehado." Nakuha pa nitong ngumisi pabalik, kahit naman ang totoo ay nanginginig na ang labi. Mas sumiklab ang galit ni Valeen sa dalaga. Patuloy niyang naalala ang pagbunggo nito sa kaniya dahilan para matapon ang kinakain niyang cookie. Walang pagdadalawang-isip niyang sinakal si Ariane. Nagngangalit ang kaniyang galit at mas hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg nito upang lumutang ang mga paa nito sa sahig. "Kung tanga ako, ano ka pa ngayon? Look at you.. such a pathetic hopeless damsel. May magagawa ka ba kung sabihin ko sayong segundo nalang ang natitira sa buhay mo? Anong gagawin mo? Hmm?" Nang-uuyam na inilapit ni Valeen ang mukha sa namumutla nang si Ariane. "L..l..e..t.. g.." pilitin mang tumugon ay hindi nito magawa lalo na't mahigpit ang pagkakasakal sa kaniya. Nang makuntento ay binitawan ito ni Valeen, napaupo ang dalaga sa sahig na habol ang hininga. "This is for my cookie." kinuha ni Valeen ang maliit na bote galing sa kaniyang bulsa at hindi siya kumurap man lang nang ibinuhos niya ang asido sa pagmumukha ni Ariane. "Ahhhhhh! Ohmygod! Ohmygod!" Matinis na tili na hinaluan ng palahaw at paghihinagpis ang kumawala sa dalaga, mistula itong sinusunog ng buhay sa pagkakapilipit ng katawan at pagbabaling ng ulo. Walang reaksyon si Valeen habang pinapanood itong pumapalahaw sa sakit, kitang-kita niya ang pagkakalapnos ng maganda at makinis nitong mukha. Hindi pa nakuntento si Valeen at binuhusan ng natitirang asido ang buong katawan nito. Pinalsakan niya ng hawak bote ang bibig nito para matigil sa pagsisigaw at walang makarinig. Ilang segundo lang ay tumahimik na ang paligid, sa wakas ay nawalan na ito ng hininga at hindi na nakayanan pa. Kinuha ni Valeen ang mga tissue sa plastic bag at ibinalot lahat ng iyon sa tuklap-tuklap at lapnos na katawan ng dalaga. Pagkatapos ng ilang minutong pagbabalot ay nagmukha na itong mummy sa paningin niya. Napangiti siya ng malawak at kinaladkad ang walang buhay na katawan nito papunta sa hukay na kaniyang ginawa. Inihulog niya ito doon at tinabunan ng lupa, hindi na siya nag-effort pa para matabunan ito ng ayos dahil tinamad na rin siya, hinayaan na niya itong ganoon at nagmartsa pabalik sa booth na nag-iisang nakahiwalay sa ibang booths. Isa-isa niyang pinulot ang mga kalat at inilagay lahat sa plastic bag. Nakita niyang umiilaw ang cellphone ng dalaga, nakangisi niya iyong inapakan at siniguradong durog na durog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD