Chapter 11: Twist for the madness

1925 Words
Valeen "Whoa! Your new hairstyle suits on you, Val!" iyan ang bungad sa akin ni Donalyn nang magkasabay pa kami sa gate papasok sa school. Hinaplos ko ang nakaponytail na buhok. There's nothing special naman since I just tied my long hair in a ponytail way but.."Thank you.." I uttered. "Ganda mo! Kainggit!" she giggled and held my wrist forcefully to go with her. Ayaw ko mang itanong pero curious ako."Where's your twin---I mean, friend?" I asked. "Si Yesha?" tanong niya na para bang hindi obvious. I just hmmed."Mala-late raw siya eh, sabi sa akin. Dadalo pa ata sila sa laban ng kapatid niya." "Laban?" "Yup! Basketball player yung kapatid niya, sa kabilang school, medyo malayo dito sa Whimford." she explained. Tumango-tango ako at nagpatuloy kami sa paglalakad. Someone whistled kaya sabay kaming napalingon at nakita namin si Reggie kasabay niya ang pinsan na si Fae at si Wally na malaki ang ngisi. He's like a f*****g drug addict right now with his eyebags and messy dry hair samahan pa ng white bandanna niyang laging nakabalandra. Parang kung siya na ang papatayin ko, ako ang aatras? Fae waved at us kaya bumagal ang lakad namin ni Donalyn."Hi, Dona! Hi, Valeen!" she greeted, I smiled a bit."Tara sabay-sabay na tayo sa covered court!" aya niya. "Ha? Ba't sa covered court? Akala ko ba sa yard?" nagtatakang tanong ni Dona na siya rin namang tanong ko. Umiling si Fae."Hindi, sa booths lang 'yon ano ka ba! May announcement raw kaya kailangan magtipon-tipon tayo before ang contest!" Napasunod nalang kami sa kanila patungong covered court. Marami pa namang naglalabas-masok doon dahil sa pagtambay sa mga booths at yung mga players ng football, badminton at volleyball ay nagpapractice sa field kaya maraming nanonood. I also saw some cheerleaders with their pompoms and girly outfits. "Guys, nakita ko si Maria kanina." panimula ni Reggie. "Oh, ano? Ganap na bang madre?" natatawang ani Wally. "Hindi, gago. Nakita ko kasi siya sa may tabi ng comfort room, nakatulala tapos sinubukan kong kausapin, hindi naman nagsasalita." kwento niya, nagkatinginan kaming lima. Pumalatak si Wally."Tsk, hindi na kayo nasanay. Pre, si Maria 'yan, ano pa bang ineexpect mo eh palagi naman iyong lutang." he shrugged. "Ang weird naman nun. Ang pagkakakilala ko kasi kay Maria, palagi siyang may dalang rosaryo tapos nagsasalita siya mag-isa pero nakakausap naman siya. Sigurado ka ba sa nakita mo, Reg?" singit ng napapaisip na Donalyn. Tumango si Reggie, he seems thinking deeply."Sigurado ako sa nakita ko." pirmi niyang wika. "Kanina sinabi mo rin sakin iyan. Sabi ko kasi isama mo ako dun, ayaw mo naman." nagsalita na rin si Fae, nakasimangot sa pinsan niya. I remained silent. Wala nang mauupuang bleachers dahil puno na ito ng mga estudyanteng may balloons at color team shirts. Naglalaro lang sa apat na kulay, red, blue, green and yellow kapares ng kanilang mga hawak na lobo. Umuugong ang ingay ng tugtog at mga boses nila sa buong court, naiirita ako. Approved ngayon ang magsuot ng civilian clothes kaya red blouse at fitted jeans nalang napili ko. Muntik ko na ngang makalimutan dahil kagabi lang ako nagpatahi ng new uniform, mabuti na lamang at pumasok ulit sa isipan ko. Kagaya nga ng napag-usapan, wala kaming mga dalang bag ngayon, si Wally lang ang meron. "Doon tayo!" hinatak ako ni Donalyn patungo sa itinuro niya. I glanced at it and rolled my eyes, Jersey was smirking all the way especially when he his eyes went to me. Nakihalo kami sa kumpulan ng mga estudyante sa gitna. There's a school band on the right side and the teachers and student councils on the left side. Nakita ko yung president, kausap yung representative na megaphone. Ibinaling ko ang mata sa stage, nagthumbs-up ang matangkad na payat na lalaki matapos niyang ayusin ang microphone. Then a woman in mid 50's stepped up, hindi ito nakangiti at tanging mataas na kilay lang ang nagbibigay ng ekspresyon. She has a mole on her right cheek near her lips. Hinawakan niya ang mic at tumikhim bago nilibot ng paningin ang kabuuan ng covered court. "Goodmorning my dearest Whimfordians," she greeted in a monotone voice. Everyone greeted her back."As the principal of this campus, today, we are celebrating our yearly intramurals fest. with a lots of contest and fun activities lasting for two days. This past few days of the first classes on this school year is very horrific and alarming to us," she sighed."But I assure all of you, we're making our best to bring back the peace and safety of our beloved university with the help of our very own westward taskforce. I want to say that even if we're celebrating this event, my deepest condolences for the family of the victims, joined by my co-administrators and the owner of Whimford, Mr. Leeford, we are still mourning for their lost. Otherwise, we have to still enjoy and celebrate today because later, games and contests will begun. Just stay inside the campus and let yourself be active for the programme. Thank you, Whimfordians and good day." finally, she's done with her nonsense speech. Nagpalakpakan ang mga estudyante, kasali na doon ang mga kasama ko. While me, I'm just crossing my arms and impatiently waiting for these to finish. May kumulbit sa akin, I glared at Jersey who was pretending to be an innocent dck. Hindi ko siya pinansin dahil may magsasalita na muli sa stage. "Again, good day, Whimfordians!" it's the vice president of the student council."Are you all ready for the biggest announcement?!" she's so hyper and loud. I remember her name is Angela. "Yessss! Woohoo!" they answered. "Mama mo ready!" some answered. At kasama na roon sina Wally at Reggie. Natatawa silang binatukan ni Donalyn at Fae. "Get lost." I mouthed. Tawa ni Angela sa microphone ang nangibabaw kaya nabalik ang atensyon ko doon."Calm down, calm down. Alright, now that you're all ready, let's not make it any longer! For the very first time in history, we will witness the trending hit songs of the famous band na talaga nga namang pakakabugin ang ating mga puso sa kilig! Live in front of all of you, Aerocastell!" sigaw niya at lumabas sa backstage ang hindi hihigit sa limang lalaki. "Waaaaaah! Aerocastell pakasalan niyo ako!" halos hindi na magkamayaw ang lahat, nakakarindi ang kanilang mga sigawan at tilian, kabi-kabila ang pagtawag sa mga bagong dating sa taas ng entablado. "Ohmygod! Is this true?!" napatingin ako kay Donalyn na niyugyog ako."Gosh! Kailangan hanapin ko si Yesha. Omg! Omg! Aerocastell na aming loves!" nagtitili siya, nakipaghestirya na rin sa mga babaeng estudyante. Ako nama'y naiinis kaya medyo lumayo ako sa kaniya at baka mapatay ko siya ng wala sa oras. Si Fae na ang ginugulo niya ngayon, buti naman. "Whimfordians.." nagtatawag ang kumakalma na ring vice president."Kalmahan muna natin, Whimfordians. Nakakahiya sa mga bisita natin," she laughed awkwardly. Unti-unting humupa ang tilian."Owright! Bilang selebrasyon na rin ng ikawalumpong anibersaryo ng ating paaralan, inimbitahan sila ng mga admins para mas sumaya pa at mas ma-enjoy natin ang araw na ito! At alam niyo bang meron pang isang announcement?!" sumigaw ulit siya. "Hinde!" they answered. "Pwede kayong magpapicture sa Aerocastell mamaya sa photobooth pagkatapos ng kanilang performance!" pagkatapos niya iyong sabihin, nagsimula ulit ang nakakabinging tilian ng lahat. Pati siya, nakisama. Ugh, what the f**k is their problem? Humupa ulit ang ingay."Kalma, kalma." The vice president were laughing."Uhm, A-Aerocastell, welcome sa Whimford High. We are looking forward for your awaiting performance." aniya sa limang nakaharap. Ang nasa pinakauna ay tumango at pinahawak ng microphone. Nauulinigan kona ulit ang masisiglang tilian kaliwa't kanan. "Thank you. Thank you, Whimfordians. We won't fail you. Thank you for inviting us, it's our pleasure to perform here." mababa at malamig ang boses niya, dumagundong ang ingay. "Pwe! Bakit kaya ganyan kayong mga girls? Porque't gwapo, parang sabik na sabik?" dinig kong sabi ni Wally sa gitna ng tilian ng mga babae sa paligid niya. "Alangan namang kasabikan namin yung mga kagaya mo?" Si Fae ang sumupalpal sa kaniya. Galing sa tawa, tinapik ni Reggie ang balikat ng katabing masama na ang tingin sa pinsan niya."Ayos lang 'yan, pre. May nagkakagusto parin naman sayo kahit papaano." I heard him said. "Sino?" "Si Quenie. Yung poodle namin." "Tanginamo!" Naalis ang atensyon ko sa kanila nang kalabitin ako ni Jersey. I looked at him darkly, kanina pa siya dyan. "Isa pa. Mapuputol ko na 'yang kamay mo." I warned and he just f*****g smiled. "Bakit hindi ka nakikitili kasama nila?" walang kwenta niyang tanong. "At bakit naman ako makikitili?" "Kase may gwapo?" he said with a visible question mark. Tiningnan ko siya nang blanko."I'm not interested with this bullshit. Mas gusto ko ang mapag-isa." "Oh bakit nandito ka?" natatawa niyang tanong. "Ask her." Itinuro ko si Donalyn na wala pa ring humpay sa pagtili kasama ni Fae. Iyon lang pala ang naging announcement. Ang sumunod ay rarampa na raw ang mga contestant ng Mr. And Ms. Intramurals. Dumating na si Yesha at nagkasundo kaagad sila ni Donalyn na manood ng walang kwentang program, pinipilit pa nila ako pero I had enough. I told them I want to roam around the booths. Lumayo na rin ako sa mga lalake at pati sila ay dagdag lang sa nagpapairita sa akin. Lumabas ako ng covered court nang nagsisimula na ang pagpapakilala ng mga kandidato. "Miss ganda! Gusto mo cookies? Free taste po ito!" may senior girl na tinawag sa akin. Naglakad ako palapit sa kanila. The girl behind her head to toed me. The guys were flushed, I ignored them and focused on the girl whose holding the tray of cookies. "Can I?" I asked. Natulala na kasi siya. "Uh--Yes! Yes of course, ate ganda! Kahit ilan!" she exclaimed. Binatukan siya ng babaeng nasa likod niya. "Isa lang, Chin! Mauubusan tayo ng free taste!" she told her. "It's okay, you know. I can buy all of your cookies. How much?" I took out my wallet. "Hala! No! Hindi po, ate nagbibiro lang po kaibigan ko!" agap niya na Chin pala ang name. I stared at her and nodded. Madali naman ako kausap. Basta tinandaan ko nalang ang mukha nung kaibigan niya. Kumuha ako ng isa sa tray ng cookies na inilahad niya. To be honest, it's delicious. Pinilig ko ang ulo sa pag-iisip at nagpatuloy sa paglalakad, akmang isusubo ko na ang natitirang piraso ng cookie na hawak ko nang biglang tumalsik iyon at nahulog sa lupa. Someone bumped into me that's why. "Are you blind or what?! Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo!" bulyaw nang babaeng nakabunggo sa akin. I'm looking at her expressionless. I didn't speak. I let her big mouth talked. "Ano? Hindi ka makapagsalita? Pipi ka rin? Mygoodness! Next time kasi tumingin ka sa dinaraanan mo, careless bitch." she rolled her eyes at me at nilampasan ako. "Grabe naman si Ariane. Nawala lang si Cleofe nagfeeling reyna na!" I heard from someone nearby. Itinago ko sa bulsa ng jeans ang pagkakakuyom ng kamay ko. How dare her disturbed me from eating my cookies! She better be pay for it. Forgiveness doesn't matter, I want to get even. She chose the wrong fight. I'll gave her what's right. Hindi na ako nag-atubili pa, naglakad ako muli para sundan ang babaeng nagngangalang Ariane. Ang pagdiriwang na nagaganap sa loob ng covered court ay rinig sa loob at labas ng school. I didn't make a move that will make them suspecting me. The hell I care with these event, I want a f*****g twist for this boring baggage and behind these nosy crowds will do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD