“Ang aga-aga ang ingay ninyo sa kuwarto! Bunganga ka nang bunganga!”
Napalingon si Ava Leigh kay Marcela na abala sa paghihiwa ng ampalaya. Matapos niyang mahimasmasan sa kaiiyak, lumabas siya sa silid upang uminom ng tubig at magbanyo na rin.
Wala sa sariling naibagsak niya nang malakas ang hawak na babasaging baso pagkatapos uminom. Base sa tunog na nilikha nito, nasisiguro niyang nagkaroon ng crack ang baso na ginamit niya.
“Niloko ho ako ng anak ninyo, pinagmukhang tanga. Ano ho ba ang gusto ninyong gawin ko? Manahimik lang? Magmukmok?” mariing tanong niya sa ina ni Evan.
“Hindi niya ’yan magagawa. Kilala ko ang anak ko. Sa dalawa kong anak na lalaki, si Eman ang babaero. Selos ka nang selos. Ikaw na nga ang ibinahay,” may galit sa tinig na sagot nito.
“Hindi ho ako makikipag-away sa kaniya ng walang mabigat na dahilan.” Muli na namang pumatak ang mga luha sa kaniyang pisngi. “M-May mga ebidensiya ho ako. Nabasa ko lahat ng pinag-usapan nila. Seven months pa lang akong buntis, niloloko na niya ako,” lumuluhang pahayag niya sa biyenan.
Hindi kaagad nakahuma si Marcela. Maya-maya’y dumapo ang tingin nito sa kaniya habang nanlilisik ang mga mata.
“Eh pabaya ka kasi! Dapat pagkakagaling ng asawa mo sa trabaho, asikasuhin mo, ipagluto. Kaya ka niloko kasi hindi mo siya inaasikaso!” paninisi pa sa kaniya ng biyenan.
Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ng ina ni Evan. Siya na nga itong niloko at nasaktan ang damdamin, siya pa ang pinalalabas na may kasalanan.
“G-Grabe ho kayo, ’Ma! Sa halip na ihingi ninyo ng tawad ang ginawa sa ’kin ni Evan, parang ako pa ngayon ang gusto ninyong palabasin na may pagkukulang,” napapailing na sambit niya. “I-Inaasikaso ko naman ho siya pagkakarating niya dito, ah! Lalo na noong nagbubuntis pa lang ako. At saka kung may pagkukulang man ako, hindi sapat na dahilan ’yon para magloko siya. Kung ayaw na niya sa ’kin, makipaghiwalay siya nang maayos hindi ’yong ganito!” bulalas niya.
Ikinuyom ni Ava Leigh nang mariin ang mga kamao. Halos hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa kaiiyak habang habol ang hininga. Sobrang bigat ng nararamdaman niya, naninikip ang kaniyang d*bd*b.
Bumalik siya sa silid nila ni Evan, hilam sa luha ang mga mata. Ilang sandali pa ay pumasok na din ang kaniyang kinakasama. Hindi ito lumabas o umalis ng bahay na madalas nitong ginagawa.
Ilang ulit siya nitong sinubukang kausapin pero hindi niya ito pinapansin. Dinalahan din siya nito ng pagkain nang sumapit ang tanghalian. Pero kahit anong pilit ng lalaki, hindi siya kumain at nakipag-usap dito. Hindi sa nag-iinarte siya, sadyang wala lang talaga siyang ganang kumain.
“Love, kain ka na, please. Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo,” ani Evan, nakikiusap ang tinig.
“Huwag kang magkunwari na nag-aalala ka para sa ’kin. Hindi mo nga naisip na másãsâktân ako sa ginawa mong pangloloko sa ’kin,” mariing sambit ni Ava Leigh habang nakatalikod sa lalaki.
Bakas sa bawat salitang lumabas sa kaniyang bibig ang pait at sakit na nadarama niya.
“Wala nga lang kasi ’yon. Hindi naman kita ipagpapalit sa gano’ng klaseng babae. Ikaw lang ang mahal ko. Maniwala ka naman kasi sa ‘kin, o?”
Tumiim ang bagang niya at marahas siyang napabalikwas. “Wala lang ’yon, ha? Wala lang ’yon sa ’yo?” nang-uuyam niyang tanong. “Naglaan ka ng oras sa babaeng ’yon pati na din sa mga anak niya na hindi mo naman kaano-ano. Nagawa mo silang ipasyal. Samantalang kami ng anak mo, kahit kailan hindi mo kami niyaya. Anong klaseng lalaki ka ba, Evan?”
“Promise, hindi ko na siya kakausapin para hindi ka na magselos,” kaswal na tugon nito na para bang normal lang ang ginawang panlóIokø sa kaniya.
Gustong-gusto na niya itong bigyan ng mag-asawang sampal. Pero ayaw niyang magsayang ng lakas. Nanghihina na siya dahil wala siyang ganang kumain.
Gusto na sana niya itong iwanan, pero kailangan niya munang makaganti sa kawalanghiyaang ginawa nito sa kaniya. Alam niyang masama ang balak niyang gawin, pero iyon lang ang tanging paraan para kahit papano ay mabawasan ang kirôt na iniinda.
“Love, kain ka na, please?” pangungulit pa nito.
Sa huli ay tinanggap niya ang pagkaing ibinibigay ni Evan. Balak pa sana siya nitong subuan pero mariin siyang tumanggi. Nasusuka siya sa tuwing matititigan ang pagmúmūkha ng lalaki. Ngunit kailangan niyang magtiis para maisagawa ang plano niyang paghihiganti.
“O, akala ko hindi na ’yan kakain?” anang tinig ni Marcela nang lumabas ang kaniyang kinakasama bitbit ang pinagkainan niya. “Sabagay, sino ba ang magugutom, siya naman hindi naman ako,” dagdag pa nito na tila sadyang nilalakasan ang tinig.
Napairap siya sa hangin. “Kung may pera na sana ako, hindi ako magtitiis na makisama sa inyo.”
Isa din sa dahilan kung bakit hindi pa siya makaalis ay dahil wala pa siyang pera. Sa susunod na linggo pa ang dating ng suweldo niya. Wala siyang ipangbabayad sa upa sakaling aalis siya sa pamamahay ng mga magulang ng kaniyang kinakasama.
“Arte-arte! Nilóko pala bakit hindi pa makipaghiwalay?” pasaring pa ng ina ni Evan na sinasadyang lakasan ang tinig.
Hinintay niya na magsalita ang kinakasama upang ipagtanggol man lang siya. Ngunit wala siyang narinig na salita mula sa lalaki kaya nama’y nadagdagan ang póot na nararamdaman niya para dito.
Sa pananahimik ni Evan, pinatunayan lang nito na wala itong pakialam sa nararamdaman niya sa tuwing magsasalita ng hindi maganda ang kaniyang biyenan tungkol sa kaniya.
Kahit ng makabalik ito sa kanilang silid ay wala man lang siyang narinig na salita mula dito. Ni hindi man lang ito humingi ng dispensa para sa mga pinagsasabi ng nanay nito.
“Ano pa nga ba ang aasahan ko, eh wala naman siyang pagmamahal para sa ’kin.” Lihim siyang napailing.
Para walang gulo, pinalagpas na lang niya ang mga narinig. “Wala namang bago diyan sa nanay niya, Ava Leigh. Noon pa man ay mahilig na talaga siyang magparinig kaya hayaan mo na lang siya. Balang araw makakaalis ka din dito. Balang araw ay magkakaroon ka ulit ng katahimikan sa isip. Sa ngayon ay magtiis ka na lang muna, dahil wala ka pang pera,” pagpapalubag niya ng loob.
Para makaipon ng perang gagamitin sa kaniyang pagsisimula, kinabukasan ay bumalik na siya sa trabaho. Hindi pa sana siya pinababalik subalit nagpumilit na siya.
Masakit pa rin ang pagkawala ng kaniyang anak, idagdag pa ang ginawang panløIoko ni Evan. Dahil kailangan niya ng pera, isinantabi na niya muna ang paghihinagpis kahit pakiramdam niya ay durøg na dūrog siya.
Nang araw din na bumalik siya sa trabaho ay natawagan si Evan ng isa sa mga in-apply-an nito. Kaagad itong pumunta para sa interview. Pagkatapos makumpleto ang requirements, nagsimula na sa bagong trabaho ang kaniyang kinakasama.
Hindi na niya ito muling inungkat tungkol sa ginawa nitong pangbababae para iwas gulo. Pinaniwala niya ito na ayos na sila upang madali niyang magawa ang balak.