“Ava! Ava! Halika may sasabihin ako sa ’yo.”
Napahinto si Ava Leigh sa paglalakad nang marinig ang tinig ni Juana. Dumako ang mga mata niya sa pinanggalingan ng boses. Kasalukuyang nakatambay ang barker sa tindahan ng pinsan nito. Hindi niya madalas nakakausap ang babae dahil mahiyain siyang tao pero lumapit pa rin siya dito.
“Ano po ’yon, Ate Juana?” tanong niya nang makalapit sa tindahan na tinatambayan ng babae.
Kinuha ng barker ang cellphone mula sa bulsa at may tiningnan doon. “Halika, maupo ka dito sa tabi ko.” Hinila siya nito paupo sa upuang kahoy na kasya ang dalawang tao.
“Ihanda mo ang puso mo, ha? May ipapakita ako sa ’yo,” babala nito sa kaniya, bakas sa tinig ang pag-aalala.
Kinabahan siya sa sinabi ni Juana. Ngunit may ideya na rin siya kung tungkol saan ang gusto nitong ipakita sa kaniya.
“Tingnan mo ang ginagawa niyang küpàI mong asawa. Habang nasa trabaho ka at nagpapakapagod, siya naman ay nagpapakasàsá sa kândúngan ng babaeng single mom na may karelasyon din namang iba.”
Hinawakan niya ang cellphone. Pinanood niya si Evan sa video kung saan ay palinga-linga ito. Tila may hinihintay ang kaniyang kinakasama habang nakaupo sa motor na binili nilang dalawa noong dumating ang thirteenth month pay nila ng nakaraang taon. Ilang sandali pa, lumapit dito ang isang babae na nakasuot ng itim na blouse at khaki pants.
Kaagad na humalik at yumapos ang babae kay Evan, tila walang pakialam kahit pa nasa public place ang dalawa. Nanginig ang laman niya at bumilis ang tíbôk ng puso niya sa kaniyang nasaksihan.
“Ang kapal ng mukha niyang si Evan. Nakakatingin pa ba ’yan sa mga mata mo?” gigil na tanong ni Juana. “Alam mo ba, ’yan ’yong araw na namatay ang anak ninyo. Siguro iniwanan niya si Vanvan at pinabantayan lang sa mga pamangkin niya para makipagkita sa hítàd na ’yan,” dagdag pa ng babae na lalong nakapagpanginig sa laman niya.
Nagngalit ang bagang ni Ava Leigh. Pumatak ang mga luha sa kaniyang pisngi at kaagad na ibinalik ang cellphone kay Juana sa takot na mabitawan ang cellphone nito dahil sa pangïngînìg ng kamay.
“T-Tama po kayo, ’yan ’yong suot niya noong madatnan ko siya sa ospital noong mamatay ang anak namin,” nauutal niyang saad.
Hindi niya makakalimutan ang araw na ’yon. Regalo niya kay Evan ang damit na suot nito. Bihira suotin ng lalaki ang damit, ayon dito gagamitin lang nito iyon kapag may date silang dalawa o kaya ay may espesyal na okasyon.
Lalong tumindi ang galit niya para sa kinakasama. Marahil nga ay napabayaan nito ang anak nila dahil may kinatagpo itong babae. Napahagulgol siya sa sakit at galit na iniinda sa d*bd*b.
Marahang hinagod ni Juana ang kaniyang likod habang patuloy siyang umiiyak. “Sige, ilabas mo lang ’yan. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ganiyan din ako noong unang beses na mahuli ko si Tope na may ibang babae,” nakakaunawa at may simpatyang sambit ng barker.
Nanginginig ang kamay na kinuha ni Ava Leigh ang panyo mula sa bulsa. Isinubsob niya ang mukha doon at umiyak siya nang umiyak.
“Kung ako sa ’yo, hiwalayan mo na kaagad ’yang si Evan. Kasi ’yang mga ganiyang lalaki, hindi na ’yan sila magtitino. Paniniwalain ka lang nila na tumigil na sila pero ang totoo, palihim pa rin silang makikipag-usap sa babae nila, ang pinagkaiba lang, mas magiging maingat na sila para hindi mo mahuli,” payo nito, bakas sa mukha ang lungkot at awa para sa kaniya habang patuloy siyang hinahagod sa likod.
Huminga siya nang malalim upang hamigin ang sarili. “G-Gusto ko na po siyang hiwalayan, pero gusto ko po munang gumanti.” Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao.
“Ha? Pero masama ’yang balak mong gawin. Babae ka at lalaki siya, huwag mong dungisan ang sarili mo para lang maging amanos kayo,” mariing tutol nito sa gusto niyang mangyari.
Bahagya siyang napailing. “Ibang paghihiganti po ang balak kong gawin, Ate Juana. Hindi po ako manlalalaki kagaya ng iniisip ninyo. May iba po akong plano,” pahayag niya.
Napahawak sa d*bdib si Juana, tila nakahinga nang maluwag. “Mabuti naman at iba pala ang nasa isip mo. Ako kasi kahit kailan hindi ko naisip na manlalaki para lang gumanti. ’Yan kasi ang lamang natin sa mga mang-aagaw at makakàting hítàd. Tayo matitino, sila kaladkarin at babaeng para sa lahat ika nga nila,” proud na sabi ng babae.
“Pero teka, ano ba ang plano mo? Baka may maitulong ako sa ’yo,” kapagkuwan ay usisa nito. “Alam mo naman, gàlit ako sa mga manlolokø at walang delikadésàng tao kaya susuportahan kita diyan.” Ngumiti ito sa kaniya sabay kindat.
“’Di ba po nabanggit n’yo kanina na may karelasyon ding iba ’yong babae ni Evan?”
“Oo.” Tumango ito.
Nang sabihin kanina ni Juana na may iba ding karelasyon si Maridel Cañete, kaagad siyang nakaisip ng mas magandang plano para makaganti.
“Alam n’yo po ba kung anong araw pumupunta sa bahay ng pøkpók na ’yon ’yong lalaki?”
Hindi niya mapigilang tawaging "pókpôk" ang babae ng kaniyang kinakasama. Mali na husgahan niya ang taong hindi naman niya lubusang kilala, ngunit una pa lang ay alam naman na nitong may kinakasama na si Evan.
Para sa kaniya, mababang uri ang mga taong pumapatol kahit alam namang may kinakasama na ang isang tao. Kasal man o hindi, may anak man o wala, dapat matutong rumespeto at dumistansiya kapag may karelasyon na.
At para naman sa kinakasama niya na hindi makuntento, tuturuan niya ito ng leksiyon upang pagsisihan ang ginawang panIøIóko sa kaniya at huwag na ding umulit pa sa ibang magiging karelasyon nito. Kailangan niya itong pagbayarin.
“Hindi, eh. Pero tropa ng asawa ng kaibigan ko ’yung lalaki. Pwede nating alamin kung kailan makikipagkita si Jerry kay Maridel.”
“May plano na po ako kung paano makakaganti kay Evan,” mariing sambit niya saka inilapit ang bibig sa tainga ni Juana. Ibinulong niya dito ang kaniyang binabalak.
“Sige, susuportahan kita diyan.” Tinapik siya sa balikat ng babae. “Ang kápal nga ng Maridel na ’yon, sinisira niya ang imahe ng ibang single mom dahil sa kalàndían niya. Naku, baka mamaya mabuntis pa ’yon tapos hindi malaman kung sino ang ama.” nanggagalaiting dagdag pa nito.
Alam niya na hindi pa rin tumitigil ang kaniyang kinakasama sa pakikipag-usap sa dati nitong katrabaho. Pero pinaniwala niya ang lalaki na may tiwala na siya ulit dito para makapaghiganti siya.
Ngayong may mga nalaman siya tungkol kay Maridel, hinding-hindi siya makapapayag na siya ang maging talunan sa huli. Hindi siya ang tipo ng tao na basta na lang nananahimik at magpapaapi.