Moving Weena's POV HINDI AKO SANAY dahil ginupitan ang mahaba kong buhok na pixie cut lalo na't kung magsusuot man ako ng wig ay mahahalata. Inipit din ang aking mga malulusog na dibdib para maging flat. Tinuruan din ako kung paano mag-ayos at pumorma na parang isang lalaki na Heather. Mukhang papasa naman ako bilang gano'n at sana talaga'y maging maayos ang lahat para hindi masayang ang mga plano ni Madam Esperanza. Habang papunta ako sa 'king dorm sa tapat ng Hunkros University ay talagang hindi ko napigilan na kabahan. Naalala ko ang mga rules na sinabi sa 'kin ni Madam. "Rules to be follow inside and outside: #1: Investigate the Top 4 students in the Hunkros University. #2: Be cooperative, kailangan ay alisto at laging nagbabalita oras-oras ay may ibibigay na update. #3: Bawal

