Chapter 3 ✓

722 Words
Deal Weena's POV TINAWAGAN KO ang numero na nakalakip sa paper bag. Ngayong araw nama'y makikipagkita ako sa nagmamay-ari 'non. Nagulat ako sa address na ibinigay nang nakarating ako ro'n dahil napakalaki naman ng bahay na ito. Sobrang ganda at ang lawak nito halatang mayaman ang may-ari. Nag-doorbell ako at may lumabas na maid na nakauniporme. Dali-daling naglakad ito papunta sa 'kin. "Magandang umaga po! Dito po ba nakatira si Madam Soler?" tanong ko at tumango naman ito. "Opo, Kayo ho ba si Weena Villareal?" saad nito na ikinangiti ko naman bago tumango bilang kompirmasyon. Iginiya ako nito papaloob ng mansyon. Kulang ang pagkamangha ko sa labas dahil mas nakakalula ang ganda sa loob. Moderno na hinaluan ng nakaraan ang tema. "Dito po tayo at naghihintay po si Señora sa inyo sa silid na 'yan." Tumango naman ako habang inililibot ang aking paninigin sa paligid. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa silid na may magarang pinto. Kumatok ng dalawang beses ito bago pumasok. Nakita ko ang isang sopistikadang babae na pormal ang suot. "I'm Madam Esperanza Soler. Nice to meet you," pagbati niya sa 'kin at naglahad ng kamay agad naman akong nagpunas bago ko tanggapin 'yon para kamayan. Hindi nakaligtas sa 'king paninigin ang pagsipat ng kaniyang tingin at halatang kinikilatis ako nang masinsinan. "Ako po si Weena Villareal, kinagagalak ko po kayong makilala, Madam." Tumango naman siya at iminuwestra akong umupo sa silyang nasa tapat niya. "Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa. My assistant gave you a test at naipasa mo 'yon. Now, I have a deal for you. Kapalit 'non ay makakapasok ka sa isang Elite University, hindi ba't 'yon naman ang pangarap mo?" tanong niya at naguluhan naman ako ro'n. Paano niya nalaman? Sideline niya ba'ng manghula katulad ng mga may tarot cards? "Paano niyo po nalaman ang tungkol do’n?" takang tanong ko na ikinangiti naman niya. "I have my ways, so will you accept my offer? Pero kakaiba nga lang dahil magpapanggap kang lalaki sa papasukan mo but it's only a facade. Ang mga credentials mo'y mapupunta sa real identity mo pero iba ang palalabasin mo sa harap ng marami." Parang nagkadasaput-sapot na'ng utak ko sa naririnig ko. "Teka po, ano nga po ulit? Magpapanggap po 'kong lalaki sa loob po ng University?" tanong ko na ikinatango niya. "You'll be our spy inside the campus. Alam mo naman, nag-wo-worry kami sa mga rumors about my students dahil nagiging bakla na raw. Ayaw naman ng mga parents na ang kanilang mga anak na lalaki ay hindi na magpatuloy ng mga angkan nila. I need you to observe them. Masisira ang imahe ng all boys school ko kaya't I need your help pero ang kapalit ay 'non ay mag-aaral ka sa Hunkros University. Hayaan mo't ako ang bahala sa mga credentials mo. Because you know I'm also the owner of Celestina Academy. Kayang-kaya ko na ilagay ang pangalan mo ro'n pero papasok ka sa Hunkros. Naintindihan mo naman?" aniya at tumango na lang ako dahil lumilipad ang isip ko. "That's our deal, you need to sign our agreement," dagdag niya at pinirmahan ko naman ang mga papeles. "Ah, by the way ikaw muna si Winter Villareal. Wala munang Weena, okay? You're Winter inside the Hunkros University not Weena. Ipapalipat kita sa dorm mo. Ako na rin ang bahala sa transformation mo at tuturuan ka ng aking apprentice kung paano maging isang lalaki." Pumikit siya at lumabas ang isang babaeng mahaba at kulot ang buhok na kamukha ni Heart. Balingkinitan ang pangangatawan, ma-boobs at maganda. "Siya si Heather, ang magtuturo kung paano ka aastang lalaki sa loob ng Hunkros University." Nagtaka naman ako dahil paano naman ako tuturuan ng isang babaeng gan'yang kaganda para magbalat-kayo bilang isang lalaki. Ngunit napamaang naman ako nang biglang magsalita si Heather. "Ako'ng bahala sa inyo, Ma'am. Magiging lalaki kayo, don't worry." ipit na boses nito at napatingin naman ako kay Madam na tumatawa. "She's a transwoman," aniya. Kaya naman pala. Pero in fairness mas maganda pa ito kaysa sa 'kin. Nakakahiya naman oh. Kabogera! Hindi halatang lalaki. Kung sabagay nagparetoke naman kasi ito. Kinabahan naman ako bigla, magagampanan ko kaya ang aking trabaho bilang isang lalaki? Maisip ko lang 'yon ay parang gusto kong magkakuto kakamot. Hayyst!Tama ba'ng pinasok ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD