Nakatingin lang ako sa labas nitong bintanang nasa kaliwang gilid ko, habang pinagmamasdan ang iilang mga bahay na nadaraanan namin ngayon. Papunta na kasi kami ngayon sa Sitio Luciano, mabuti na lang at mayroong mga natandaan si Jethro sa mga nadaanan namin, no'ng una kaming pumunta roon kasama si Mang Rudy. Ilang sandali lang ay bahagya na rin akong nagbaling ng tingin sa katabi kong si Caresse, no'ng mapansin kong sobrang tahimik nito. Ang kaso ay hindi ko na lang naiwasan ang bahagyang mapanguso no'ng kaagad na makita kong natutulog na pala ito. Napabuntong-hinga na lang ako bago ako tuluyang magbaling ng tingin sa rear-view mirror nitong sasakyan. Kaagad namang bumungad sa akin ang mga mata ni Jethro na naka-focus lang sa ginagawang pagmamaneho. Pero ilang saglit lang ay bahagya na

