"Ano ba ang maitutulong ko sa'yo? Ano'ng gusto mong gawin ko?" sunod-sunod na tanong ko sa kaharap kong kaluluwa ngayon na nagngangalang Alice. Pero pasimple lang ako at hindi nagpapahalatang nagsasalita ako rito dahil baka isipin pa ng mga ibang customer dito sa restaurant ay may sayad ako. Malamang kasi ay iisipin nilang nagsasalita lang ako ng mag-isa dahil hindi naman nila nakikita ang kausap ko. Nandito kasi kami ngayon sa isang restaurant, hindi ko na rin kasi talaga mapigilan ang gutom ko kaya naman nagdesisyon akong kumain na muna ako rito. Gusto ko sanang ayain na rin dito si Mang Jeffrey, ang kaso ayaw niya talaga at hindi talaga ito magpapilit. "Ang asawa kong si Robert..." sagot naman ng kaluluwang si Alice na siyang marahan kong tinanguan. "Ahh, maybe you want me to approach

