Naglalakad na ako ngayon dito sa isang hallway sa loob nitong pinuntahan naming school. Kasama ko pa rin ngayon ang kaluluwang si Alice, hindi ko na lamang maiwasan ang bahagyang mapangiwi sa tuwing makararamdam ng lamig sa buong katawang ang bawat estudyanteng natatagusan lang ni Alice. Hindi lang kasi kami ang naglalakad ngayon dito sa hallway na tinatahak namin, siguro ay break time kaya maraming estudyante ang nasa labas pa. Awtimatiko namang nabaling ang aking paningin sa suot kong wrist watch para tignan ang oras dito, napabuntong-hinga na lamang ako no'ng makita kong mag-aalas tres na ngayon ng hapun. "Doon, ang alam ko ay doon ang locker nila," narinig ko namang sabi sa akin ni Alice. Kaagad ko ring binalingan ng tingin ang lugar na itinuturo nito sa akin, nasa dulo iyon nitong ha

