Kabanata 66

1044 Words

"Kamag-anak ka ba ng mga Fuentabella?" sa tanong na iyon ni Mang Macario kay Jethro ay hindi ko na naiwasan pa ang sariling mapalunok ng sunod-sunod. Nakikita ko sa mga mata ni Mang Macario ang pagbabakasakaling tama nga ang mga hinala niya tungkol kay Jethro, pero ilang saglit lang ay parang bumagsak ang mga balikat ni Mang Macario, no'ng magsalita na si Jethro... "H-Hindi po," sa sinabing 'yun ni Jethro ay marahan na akong sumulyap sa kanya para makita ang reaksyon nito. Nakita kong bahagya itong nagbaba ng tingin at parang nalunod na rin sa malalim na pag-iisip, ilang segundo lang ay awtimatiko namang tumagos ang tingin ko sa kinaroroonan ni Caresse. Halos makagat ko na lang ang ibabang bahagi ng labi ko no'ng mapansin kong umirap ang mga mata nito sa akin, bago pa ito tuluyang magtuon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD