Nakaupo ako ngayon sa harapan ng desk ko habang iniisip kung paano nangyaring hindi na ulit nagdugo ang ilong ko kahapun. Nasipat ko na lamang ang maliit na clock sa ibabaw ng desk ko at mag-aalas diyes na ngayon ng umaga. Napabuntong-hinga na lamang ako bago ako tumayo sa pagkakaupo ko rito sa swivel chair, akmang magpupunta na ako sa banyo no'ng bigla na lamang magpakita sa akin si Lanny. Ito ang pormal na pagpapakilala niya sa akin no'ng sandaling magdesisyon na akong tulungan siya. "K-Kailangan na natin siyang puntahan," sabi nito sa akin na siyang ikinatahimik ko sandali. "Dadalhin kita sa kanya," pagkasabi niya no'n ay marahan ko lamang siyang tinanguan. Bahagya rin itong tumango sa akin bago ito pansamantalang naglaho, nagkusa na lang din akong magpunta sa closet room at nang mak

