Pagkatapos kong magpalit ng damit sa loob ng banyo nitong kwarto ng hospital ay kaagad na rin akong lumabas dito. Pinuntahan ko naman si Caresse na ngayon ay nakaupo sa isang couch at abala sa pagtitipa sa screen ng cellphone niya.
"Merick is asking kung maayos kana raw ba," sabi nito no'ng maramdaman niyang umupo ako sa tabi ko. Pero hindi pa rin ito nagbabaling ng tingin sa akin dahil mukhang ka-chat niya pa ang fiance niya at para ibalita ang kalagayan ko ngayon.
"Where's Aunt Mildred?" tanong ko naman sa kanya dahil halos magdadalawang oras na simula no'ng umalis siya.
"O, she's paying the hospital bill," sagot nito, dahilan para lingunin ko siya. Napailing na lamang ako no'ng hindi pa rin ito nagbabaling ng tingin sa akin. Ilang saglit lang ay nadako naman ang paningin ko sa may pinto ng kwarto no'ng magbukas ito, ang akala ko ay si Aunt Mildred na ito kaya't magsasalita sana ako. Kaso natigilan ako no'ng makita kong ang iniluwa ng pinto ay isang nurse na babae, may dala-dala itong isang makapal na plastic at sa harap no'n ay may mga pahina ng papel.
Napasulyap ito sa amin at pagkatapos ay ngumiti, kaya naman bahagya na rin akong napangiti sa kanya. Nag-iwas ito ng tingin para sipatin ang kabuoan ng kama ko, pagkatapos no'n ay nagbaba naman ito ng tingin sa hawak niya at ngayon ay nagsusulat na siya rito. No'ng matapos na siyang magsulat ay nakita kong naglakad ito papunta sa kinaroroonan ng banyo. Hindi ko na ito nasundan pa ng tingin dahil may pader nang humaharang sa hallway papunta roon sa banyo.
"What's that?" kaagad na sabi ni Caresse no'ng marinig namin ang echo ng malakas na pagsara no'ng pinto sa may banyo. Tumingin naman ito sa akin ng nakakunot ang noo, nakatutok lang kasi siya sa screen ng cellphone niya kaya siguro hindi niya na namalayan pa ang pagpasok no'ng nurse rito sa loob ng kwarto.
"'Yung nurse 'yun, nakigamit lang ng banyo," sabi ko rito na lalong ikinakunot ng noo niya na para bang nagtataka siya sa sinasabi ko.
"Ha? Sinong nurse? E, tayo lang naman nandito. Besides wala rin naman akong nakitang pumasok dito sa loob," pagkasabi niya no'n ay bahagya nang nangunot ang noo ko. Ilang sandali pa ay parehong nadako ang mga tingin namin sa pinto ng kwarto no'ng magbukas ito.
"We can leave now," bungad na sabi ni Aunt Mildred no'ng makapasok na siya rito sa loob ng kwarto. Pagkatapos no'n ay inilapag niya sa ibabaw ng kama ang hawak niyang bag at naglakad na papunta sa kinaroroonan ng banyo.
"Ahm, Aunt," hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko no'ng derederetso na ito doon sa may banyo. Napatingin ako kay Caresse na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sa ikinikilos ko.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Aunt Mildred sa kinaroroonan ng banyo at lumapit na ito sa amin. Natulala na lamang ako at hindi na nakapagsalita dahil mukhang alam ko na kung ano ang nakita ko.
"Aunt, h-have you seen a n-nurse? Over there?" narinig kong tanong ni Caresse habang itinuturo ang kinaroroonan ng banyo.
"Wala naman, bakit?" Nakita kong nangunot na rin ngayon ang noo ni Aunt Mildred. Napasulyap ako kay Caresse at gano'n din siya sa akin. Sa itsura nito ay para na itong kinikilabutan kaya naman ako na lamang ang sumagot kayAunt Mildred ng, "Wala po, ahmm shall we go now?" pagkasabi ko no'n ay marahan na itong tumango at tumalikod sa amin para kunin ang bag niya sa ibabaw ng kama.
"Let's go," sabi nito sa amin, kaya naman kaagad na ring tumayo si Caresse mula sa pagkakaupo at mabilis na lumapit kay Aunt Mildred sa may pinto ng kwarto. Binuksa na nila ito at lumabas na, samantalang ako ay napabuntong-hinga na lamang no'ng maramdaman ko nanaman ang likidong tumutulo mula sa ilong ko.
Kumuha ako ng tissue sa maliit na mesa sa tabi ng kama at mabilis na ipinahid sa ilong ko. Itinapon ko na rin kaagad ito sa trash bin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
3 HOURS LATER
Nasipat ko ang oras sa wall clock ng kwarto ko at Mag-aalasingko na ng hapun. Ibinalik ko naman kaagad ang tingin ko kay Caresse no'ng marinig kong magsalita ito.
"So all this time, tinago mo ito sa akin? Kiara, I'm your bestfriend!" singhal nito sa akin habang nakaupo ito ngayon sa couch na nasa paanan ng kama ko.
"Fine, I'm sorry. I just don't want to share this curse with you," pagkasabi ko no'n ay nag-iwas na ako ng tingin at ibinaba ito sa lap ko at sa kamang inuupuan ko ngayon.
"O, Kiara..." narinig kong sabi ni Caresse no'ng papalapit na ito sa akin. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na itong umupo sa tabi ko at ipinulupot ang mga kamay nito sa braso ko, bago ito sumandal sa balikat ko.
"Naiinis lang ako kasi mag-isa mong dinadala 'yung mga ganitong bagay. Yes, I feared ghosts, but I can take that aside just for my bestfriend," pagkasabi niya no'n ay inangat na rin niya ang ulo niyang nakasandal sa balikat ko para tumingin sa akin ng nakangiti. Tumango na lamang ako at tumugon di ng ngiti bago sabihing, "Thanks, Caresse. You're the best bestfriend ever," pagkasabi ko no'n ay kaagad na rin niya akong niyakap at tumugon naman ako rito.
Hindi nagtagal ay narinig naming nagbukas ang pinto ng kwarto ko kaya naman kumalas na rin kami sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Kiara?" rinig naming tawag sa akin ni Aunt Mildred sa may pinto kaya naman pareho kaming nagbaling ng tingin ni Caresse sa kanya. No'ng tuluyan ng makapasok si Aunt Mildred sa loob ng kwarto ko ay kaagad din itong lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
"Your Grandpa wants to talk to you," sabi nito sa akin at pagkatapos ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
"I told you right, darating din ang araw na ma-rerealize ng Grandpa mo na hindi ka dapat niya tinatrato ng ganito. At ito na 'yun! He's now opening his heart for you honey," pagkasabi no'n ni Aunt Mildred ay mas lalo pang lumawak ang mga ngiti nito sa labi. Nararamdaman kong sobrang saya niya dahil ang akala niya ay matatanggap na ulit ako ni Lolo bilang apo nito, ngunit hindi, mali ang akala niya.
Grandpa's being nice to me now just because of his business. Ginagawa niya ito dahil iniisip niyang may pakinabang na ako ngayon sa kanya. Parang naniniwala na tuloy ako sa mga sinasabi ni Caresse sa akin tungkol sa pagpili ng mapapangasawa namin. Nakahanap na nga siguro si Lolo ng lalaking ipapakasal nito sa akin, alang-alang sa mga ng negosyo nito at kayamanan. At kung hindi ako nagkakamali ay pwedeng si Winston Salameda na nga ang napili niya.
Naiahon ko ang sarili kong nalunod sa malalim na pag-iisip no'ng maramdaman kong may yumugyog sa mga braso ko at magsabing, "Kiara, are you okay?" rinig kong boses ni Aunt Mildred kaya naman awtimatiko akong napabaling ng tingin sa kanya at sumalubong sa akin ang nag-aalala nitong mga titig.
"I'm fine, Aunt." Napabuntong-hinga ito at marahang tumango sa akin. Pagkatapos no'n ay tumayo na ito sa pagkakaupo at niyaya na akong lumabas ng pinto.
"Let's go, puntahan mo na ang Lolo mo," pagkasabi niya no'n ay tumayo na rin ako sa pagkakaupo at lumapit kay Aunt Mildred na ngayon ay pinipihit na ang doorknob ng pinto. Bago kami lumabas ng tuluyan ay sumulyap na muna ako kay Caresse, dahilan para makita kong tumango ito at ngumiti.
Nandito na ako ngayon sa loob ng office ni Lolo rito sa mansion. Nakaupo ako ngayon dito sa brown na couch na katapat lang ng couch na inuupuan ni Lolo ngayon. Pinagigitnaan naman kami ng isang maliit na mesa at nakapatong sa ibabaw nito ang dalawang tasa ng tea na para sa aming dalawa ni Lolo. Alam kong nakatingin siya ngayon sa akin, ngunit mas pinili kong ibaba ang mga tingin ko sa magkasalikop kong mga kamay.
Ilang saglit lang ay narinig kong inangat ni Lolo ang tasa niyang nakapatong isang maliit na platito. Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya dahilan para makita ko kung paano nito simsimin ang tea sa tasa.
"Your Aunt Mildred told me that you were in a hospital last night," pagkasabi no'n ni Lolo ay inilapag niya na ang hawak niyang tasa sa mesa bago ito magsalita ulit, "Kumusta na ang pakiramdam mo?"
Napalunok na lamang ako bago ako sumagot sa kanya ng, "M-maayos naman na po ako, Lo-..." natigilan ako at hindi na nagawa pang ituloy ang sana'y sasabihin ko. Pero biglang sumabat si Lolo at nagsabing, "It's okay, Apo. You may call me 'Lolo' anytime you want it." Natulala na lamang ako at hindi na nakapagsalita, napatungo na rin ako dahil gusto kong itago ang pagkunot ng noo ko. Hindi kasi talaga ako makapaniwalang maririnig ko pa ang mga bagay na ito mula sa kanya.
15 years na ang nakalilipas simula no'ng sabihin niya sa akin na huwag ko na ulit siyang tatawaging 'Lolo' nang dahil lang sa sinabi ko sa kanya ang totoong nangyari. Ang totoo na ang dahilan ng aksidente namin noon na ikinamatay nila Mom at Dad ay nang dahil lang sa isang multo na nakita ko.
Sa pagkamatay ni Dad ay maraming negosyo ni Lolo ang nalugi at bumagsak. Magmula no'n ay hindi niya na ako naituring pa bilang sarili niyang apo, hindi raw niya alam kung bakit nagkaroon siya ng apo na katulad ko at para bang may dala pang malas at sumpa.
Ilang saglit lang narinig ko ulit na nagsalita si Lolo, na siyang naging dahilan para maahon kong muli ang sarili ko sa malalim na pag-iisip.
"Are you tired, ang sabi ng Aunt Mildred mo kailangan mo lang daw ng pahinga. Pasensiya kana sa Lolo mo kung naistorbo pa kita, Apo." Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya at mabilis na umiling.
"H-hindi po. I mean ayos lang po 'yun," sagot ko naman sa kanya. Ilang sandali pa ay tumango na rin ito sa akin kasabay ng pagsilay mga ngiti sa labi nito. Nabaling naman kaagad ang tingin ko sa may pinto no'ng makarinig ako ng katok mula rito. Hindi nagtagal ay bumukas na rin ito at bumungad sa amin si Aunt Mildred.
"Dad, Kiara. Dinner is ready, let's eat?" pagkasabi no'n ni Aunt Mildred ay nabaling naman ang tingin ko kay Lolo na ngayon ay marahan ng tumatango. Pagkatapos no'n ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo kaya naman tumayo na rin ako at sinabayan siyang lumabas ng office nito.
Sumabay na rin sa amin si Aunt Mildred papunta sa dining area. Pumasok kami sa isang hallway at tahimik na naglakad, lumiko na kami sa isa pang hallway ay wala pa rin nagsasalita sa bawat isa sa amin. Napasulyap na lamang ako kay Aunt Mildred na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Sumilay ang maganda nitong ngiti sa labi kaya naman dumikit ako sa kanya at marahang ikinawit ang mga kamay ko sa braso niya.
Halos limang minuto rin ang itinagal bago kami tuluyang nakarating sa bungad ng dining area. Pagkarating namin sa kinaroroonan ng mahabang mesa ay nadatnan namin doon si Caresse na nakaupo na't naghihintay sa amin.
Sinalubong niya kami ng ngiti at maging ang mga pagkaing nakahain sa mesa ay sumalubong din sa amin. As usual ay marami nanamang nakahain, everytime na rito kakain ng dinner si Lolo ay talagang pinaghahandaan ni Aunt Mildred ito.
Hindi nagtagal ay umupo na rin kaming lahat at sumalo sa hapag. Tinabihan ko naman si Caresse na ngayon ay nakatitig sa akin at para bang nang-uusisa kung kumusta ba ang pag-uusap namin ni Lolo. Hindi ko na lamang napigilan ang mapangiti at tumango sa kanya para ipaintindi na okay lang ang naging usapan namin ni Lolo.
Pagkatapos no'n ay nagsimula na rin kaming maglagay ng kanya-kanyang pagkain sa mga plato namin hanggang sa simulan na rin naming kainin ang mga ito.