Nakahiga lang ako ngayon sa malambot kong kama habang nakadako ang tingin ko sa itaas ng kesami ng kwarto ko. Ilang sandali pa ay iginala ko na rin ang paningin ko sa paligid para awtimatikong hanapin ang wall clock. Napabuntong-hinga na lamang ako no'ng makita kong alas dos na ngayon ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok. Napabalikwas ako ng bangon no'ng may marinig ako sa bandang ulohan ng kama ko. Isa itong hikbi at iyak ng isang babae. Kaagad akong napalingon dito at sumambulat sa akin ang multo ng buntis na babae, umiiyak pa rin ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tumitigil sa ginagawang pagmamakaawa sa akin. "T-tulungan mo na ako, pakiusap..." Napailing na lamang ako at nag-iwas ng tingin bago ako magsabing, "Wala nga akong mait

