Nadako na lamang ang paningin ko sa wall clock ng kwarto ko no'ng makaramdam na ako ng antok at mapahikab ako. Napabuntong-hininga ako pagkakita ko sa oras dahil mag-aalas diyes na ngayon ng gabi, nasapo ko na lamang ang bibig ko no'ng mapahikab nanaman ako. Inayos ko na lamang ang makapal na kumot ko at marahang ikinumot ito hanggang sa may tiyan ko, pagkatapos no'n ay humiga na ako at inunan ang malambot at malaking unan sa uluhan ko. Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko no'ng bigla na lamang sumagi sa isip ko 'yung mga nangyari sa akin kanina. Awtimatikong sumambulat sa isipan ko ang mga labi niya, ang mga labi no'ng lalaking 'yun na siyang nagligtas sa akin kanina. "Kiara, let's sleep," tanging nasabi ko sa isip ko bago ko pwersahang ipikit ang mga mata ko. Ayoko na kasing maalala

