Nakatingin lang ako ngayon sa harapan namin habang minamaneho ni Caresse itong kotse niyang sinasakyan namin ngayon. "Kiara, do you think enough na 'yung mga pinamili nating damit at groceries para kay Lola kanina?" sa tanong na iyon ni Caresse ay kaagad akong nagbaling ng tingin sa kanya. Sumulyap naman ito sa akin sandali pero ibinalik din kaagad ang tingin nito sa harapan. Hindi ko na lamang naiwasan ang bahagyang mapangiti dahil parang mas concern na siya ngayon kay Lola, kaysa sa akin. "Yes, and nasabihan ko na rin 'yung mga staff kanina sa supermarket na i-grant si Lola ng certificate of giving her goods of worth 5000 every month. So, no worries," sagot ko naman sa kanya, na siyang naging dahilan para mapatango-tango ito. "Wow, may gano'ng certificate ang D'Villa's supermarket? Sa

