Pagkarating namin dito sa harapan ng gate ng mansion ay kaagad na rin kaming pinagbuksan ng gate ng mga guards dito. Pagkabukas ng gate ay kaagad na ring pinaandar ulit ni Caresse itong kotse niya para tuluyan na ito maipasok sa loob ng gate, lumipas pa ang ilang mga segundo bago kami tuluyang nakapasok rito sa loob. Huminto na rin ang kotse malapit sa harapan ng mansion at nang mamatay na ang engine nito ay kaagad na akong napatingin sa may gilid ko dahil pinagbuksan na rin ako ng pinto ng isa naming guard. Bahagya na lamang akong ngumiti sa kanya bago ako tuluyang lumabas at bumaba rito sa kotse at pagkatapos ay nagpasalamat na ako sa kanya, "Thanks," pagkasabi ko no'n sa guard ay mabilis naman itong tumango sa akin. Ilang segundo lang ay umalis na rin ito sa harapan ko at awtimatikong

