"Nandito na tayo sa bahay," narinig kong sabi ni Alice, no'ng bigla na lang itong lumitaw sa tabi ko. Nasa harapan na kami ngayon ng isang bakal na gate at kulay pula ito. Medyo kinakalawang na rin ito pero maayos pa rin naman, kitang-kita naman sa loob nito ang simpleng bungalow house na sa tingin ko ay ang siyang tinutukoy na bahay ni Alice. Napansin ko rin na may kalayuan mula rito ang ibang mga bahay. Sa lagay na 'to ay hindi na nakapagtataka kung bakit hindi kaagad nakahingi ng tulong si Alice, no'ng araw na patayin siya ng asawa niyang si Robert. Ilang saglit lang ay kaagad ding naagaw ng isang lalaking kalalabas lang sa pinto ng bahay ang atensyon ko, no'ng marinig kong magsalita ito at sunod-sunod na magtanong sa amin ng, "Sino sila? Ano hong kailangan nila?" Saglit kong sinulyapa

