"Gano'n ba, alam niyo, Miss Kiara. Sa totoo lang ay naiintindihan kita, ganyan din kasi ako noon. Hindi ako naniniwala sa mga ganyang bagay, pero no'ng nasubukan ng isa kong ka-trabaho dati ang past-life regression. At 'yun, nakumbinsi niya na akong buksan ang isipan ko sa mga bagay na ganyan," narinig ko namang sagot sa akin ni Jethro. Aaminin kong kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag no'ng sabihin niyang naiintindihan niya ako. "So, naniwala ka na rin ba kaagad sa reincarnation?" tanong naman nitong si Caresse kay Jethro, na siya namang naging dahilan para marahang umiling lang sa kanya si Jethro. "Ahm, hindi gaano. Kasi kung oo, sinubukan ko na rin ang past-life regression na 'yun. Para sa akin kasi no'n ay panaginip lang lahat ng nakita niya, fiction ho kumbaga. Ngayon lang talaga

