Nandito na kami ngayon sa loob ng civil registry office ng Sitio Luciano at naka-locate lang pala ito sa bandang likuran ng municipal hall. Nakaupo kami ngayon ni Jethro rito sa harapan ng parang isang counter, isang malaking glass kasi ang pumapagitna at humaharang sa isang babae na kausap namin ngayon, sa tantya ko ay nasa edad 40 pataas na ito. "Sinu-sino nga po ulit ang mga hinahanap niyo?" narinig naming tanong ng babaeng kausap namin. "Abel at Amor po," tanging nasagot lang ni Jethro sa babae, bago ito marahang magbaling ng tingin sa akin. "Ano po ang mga apelyido nila?" sunod namang tanong ng babae, na siyang bahagyang ikinangunot ng noo ko. Oo nga pala, paano namin hahanapin sina Abel at Amor, kung hindi naman namin alam kung ano ang mga apelyido nila. "Ahh, ehh...h-hindi ho

