Bahagyang nangunot ang noo ko, no'ng sandaling mahagip ng paningin ko ang isang malaki at malapad na gate, na siyang pumalit sa mahabang pader na nadaraanan namin kanina. Pero no'ng makatapat na kami sa mismong tapat ng gate ay... "O, wi-wi-wait! Look!" narinig kong pagpigil ni Caresse kay Jethro sa pagmamaneho, na siyang naging dahilan para kaagad din nitong mapreno itong sinasakyan naming van. Sandali akong napasulyap kay Caresse at nakita kong nakabaling ang tingin nito sa may gilid ko, ibig sabihin lang nito ay nakatingin na rin ito ngayon sa gate na nakita ko. Nang sulyapan ko sa harapan si Jethro ay gano'n na rin ito, nakalingon na rin ngayon ang ulo nito sa bahaging kinaroroonan ng gate. Pero no'ng sandaling matignan ko ang itsura niya sa rear-view mirror nitong sasakyan ay paran

