“Akala ko ba gusto mo ‘kong saksakin?” he raised his eyebrows.
Matino pa naman ‘ko para gawin ko ang sinasabi niya. Kapag ginawa ko ‘yon at napatay ko siya, edi nakulong pa ‘ko. Alam kung sinusubukan niya lang ako kung kaya ko ba o hindi kahit halata naman na hindi ko kaya. Kaya siguro ang lakas ng loob niyang ipilit sa akin na gawin 'yon.
Paano kung mahipan ako ng masamang elemento at masaksak siya?!
Binitiwan ko ang kutsilyo at hinayaan itong malaglag sa sahig. Hinila ko ang kamay ko at binitiwan naman niya kaagad ako.
“You’re extremely harsh and wild,” ani nito sabay tinignan niya ang kabuuan ko.
Hindi naman nakakainsulto ang tingin niya pero hindi ko gusto ang pagkilatis niya sa akin. Hindi ako madadaan sa pagtingin niya.
I gritted my teeth then looked away. Masyadong mabigat ang tingin niya na hindi ko kayang tagalan.
“Nasan na ang gamit ko? Gusto ko ng umuwi.” mariin kong sabi.
Sinulyapan ko siya at wala siya sa sariling tumango. “But I want to get to know you,”
“Ayoko nga!” mabilis kong sabi.
He chuckled. “Paano kung hindi kita palabasin dito?”
Hindi ko siya makapaniwala na sinagot. "Edi magiging kidnapping 'to! Sapilitan mo akong ikukulong at hindi papalabasin, baka makulong ka.” umiling siya. “Gagawa ako ng paraan para makalabas dito. At sino ka naman sa tingin para ikulong ako dito?!” giit ko na hindi maitago ang inis.
Lumapit pa siya sa akin at kinulong ako gamit ang mga kamay niya, bahagya din siyang yumuko para pantayan ako. Hindi ako gumalaw o lumayo kahit konti na lang. Magkalapit ang mukha naming dalawa. Hindi ako nasisindak sa kanya!
“Wala naman akong sinabing ikukulong kita dito. Hindi ako nagtatago ng babae dito,” he said.
“Kung ganon umalis ka diyan at hayaan mo ‘kong umalis.”
Umayos siya ng tayo at itinaas ang kamay bilang pagsuko. Takot siya makulong dahil sa kidnapping?! Huh! Ayaw lang mabahiran ang pangalan niya kasi mayaman siya! Kung anong kinaganda ng bahay siyang kabaliktaran ng nakatira dito.
“Nasaan ang gamit ko?!”
“Nasa laundry,” huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. “You know it’s easy to say ‘Thank you’, I saved your life, remember?”
Napaawang ang labi ko at pilit na tumawa. “Sayo?..." I cleared my throat as I nodded my head. "Salamat,” I simpered.
Tumaas ang sulok ng labi niya. “Welcome,” his voice full of sarcasm.
Humakbang siya paatras at sumandal sa may lutuan niya na gawa sa mwebles din na itim. Hindi kalan ang gamit niya, electric stove. Lahat ata ng gamit niya dito mga high-tech, gamit pang mayaman. Karamihan pa dito hindi ako pamilyar at bago sa paningin.
“Wala naman akong plano na ikulong ka dito. At bakit ko naman gagawin ‘yon? Bigla ka na lang nagkaganyan at gusto mo na akong patayin. I just want you to fully recover and got some rest kaya pwede ka muna dito kung gusto mo.” mariin niyang sabi.
Nagbaba ako ng tingin, nahihiya ako sa inasal ko pero hindi naman niya ako masisi, malay ko ba! I didn’t trust a guy like him. O kahit sino pang tao.
“Sa bahay na ‘ko magpapagaling ng tuluyan. Gusto ko na talagang umuwi.”
Lumabi siya at tumango. “Nagluto pa naman ako.”
Umirap ako. Hindi ko kailangan ng pagkain na galing sa mayayaman.
“Hindi ako kumakain ng tira.” mataray kong sabi pero may kahinaan iyon.
He looked offended by what I said.
“Uyy! Grabe a! Hindi ‘yon tira, niluto ko ‘yon para sayo.”
Nakakatawa sana ‘tong lalaking ‘to kung sa ibang paraan kami nagkakilala pero ngayon, hindi ako natutuwa sa kanya. Gusto ko na kasi talagang umalis dito. Kating-kati na ang mga paa ko.
“Ilang araw na ako dito?” pagbabalewala ko sa alok niyang pagkain.
Nandoon pa rin ang mapaglaro niyang ekspresyon kaya wala akong tiwala sa katulad niya. Magaling lang magpanggap, kunwari mabait, tutulungan ka pero may masamang hangarin. Hindi naman siguro ako tumagal dito ng isang araw, malinaw pa sa akin ang nangyari sa club na pinagtatrabahuhan ko.
“Three long days…”
Napaawang ang labi ko sa gulat, kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.
“Huwag mo nga akong lokohin. Three days?!” I hysterically said. “Ibig sabihin, ikaw ang nagbibihis sa akin?”
Sumeryoso ang mukha niya at mabagal na tumango.
“That was true,” tamad niyang sabi.
Napaawang ang labi ko at nagkurap-kurap. Nakita na niya lahat sa akin!
“Don’t worry. Marami na akong nakita ganyan. Pare-parehas lang naman ang itsura.” pagpapatuloy pa niya na lalong nagsagot sa tanong sa isip ko.
Wow! Napakakomportable lang kung magsalita siya ng mga ganitong bagay!
I scoffs. Naubusan ako ng salita para sa lalaking 'to.
Kaya siguro ganun na lang katuyo ang lalamunan ko. Sobrang nabugbog ang katawan ko, literal. Sabagay, wala din namang mag-aalala sa’kin kung nasaan ako. Kailangan ko lang talagang makalabas na dito. Kahit ang laki ng bahay niya, nasasakal ako. I couldn’t breathe right and I might faint any time.
Wala akong puwang sa ganitong lugar.
Tumango ako. “Uuwi na ‘ko. Salamat sa pagtulong.”
Nagpasalamat ako ng bukal sa puso ko. Hindi naman mahirap ‘yon para sa katulad kong mahirap. Pero hindi na din ako magugulat kong manghingi pa ‘to ng pabor, ang mga kagaya niya hindi madaling makuntento.
Hindi siya nagsalita pero tumango siya ulit.
“Nasaan ang damit ko?”
“Ako na ang kukuha. Hintayin mo na lang ako sa sala pero kung gusto mo munang kumain, feel free to eat. May pagkain-“
I interfered. “Kailangan ko lang ang gamit ko. Gusto ko ng umuwi.”
Hindi ko alam kung ilang beses kong sasabihin na uwing-uwi na ako!
He licked his lips then turned his back, walking away from me.
Naghintay ako sa sala tulad ng sabi niya. Kung may extra na uniform lang ako malamang hindi ko na siya hihintayin pa. Kasi hindi din ako makakalabas kasi grabe ang lock ng bahay na ‘to!
Nakabalik din naman siya kaagad, nakalagay sa paper bag ang damit ko. Tumayo ako sa pagkakaupo, inabot niya sa akin ‘yon at kinuha ko naman agad. Tinignan ko kung kumpleto ba ang laman. Pero may sobra na isang sneakers.
“Walang kulang diyan.”
Tumango lang ako bilang pagsagot. Nagtataka ako, inangat ko ang sneakers at pinakita sa kanya.
“Ahh… ‘yan ba. Gamitin mo ‘yan, alangan namang mag-paa ka o heels pag uwi.”
Tumango at sinuot ang sneakers na binigay niya. May point naman siya, mas gugustuhin ko pang isuot ‘to kaysa pahirapan ko ang sarili ko sa heels. Hindi naman siguro nakakabawas sa kayamanan niya ang binili niya dito.
“Salamat,” bukal sa puso kong sabi.
“Uuwi ka na?” tanong niya na parang hindi niya pa ito natanong kanina.
Tamad akong tumango.
“Gusto mo hatid-“
Mabilis akong umiling. “Hindi na. Salamat sa pagligtas sa akin. Uuwi na ‘ko. Pakibukas na lang ng pinto, may passcode kasi.”
“Akala ko hindi ka na naman sasagot e.”
Inis ko siyang tinignan. “Pwede ba. Gusto ko ng umuwi ang dami mong salita.”
Umirap ako sa hangin. Papalabasin din pala ako ang dami pang tanong.
Nagpapasalamat ako at tinulungan niya ako pero ang weird lang kasi na sobrang casual at friendly niya ako kausapin.
Tinignan niya pa ako bago ilagay ang passcode niya. Aba! Akala naman nito may balak akong alamin. Wala naman akong balak na magnakaw at bumalik pa dito!
Iniiwas ko na lang ang tingin ko at sa huling pagkakataon, hinayaan kong libutin ng mata ang buong bahay. Napakaganda talaga, kahit na purong itim lang ang kulay nito pero para sa’kin buhay ang kulay ng buong bahay. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong bahay. Napaka-moderno ng buong bahay, hindi lang pala ang kwarto.
Black color is not bad at all. For me, it gives class and elegance. The right color for my life and my dark past.
Sumagi sa isip ko kung buhay pa siguro si Mama at nakatira kami sa ganitong kagandang bahay malamang masaya at komportable kami sa tinitirhan namin. Hindi na namin kailangan pang lumipat at mangupahan.
Narinig kong umubo siya kaya napaayos ako ng tayo at humarap sa kanya.
Binuksan niya ang pinto at sumenyas na maari na ‘kong lumabas. Mabilis akong kumilos palabas ng bahay. Hindi ko inaasahan na lalabas din siya. Ang inaasahan ko ay isasarado na niya ang pinto na parang hindi nag-krus ang landas namin. Pero iyon ang sa tingin ko ang dapat.
“Mauna na ‘ko,” pagpapaalam ko at bahagyang yumuko.
Tatalikod na ako ng bigla niya akong tawagin.
“Miss…”
Nakangiti siyang parang aso. Umirap ako dahil hindi ko alam kung ano pang gusto niya.
He bite his lip in a sexy way. What the heck do I find that sexy?!
He straightened and became serious.
“Will you do me a favor? No, not a favor but an order. Don’t mention this to others. Walang pwedeng makaalam na nandito ka.”
Hindi ‘yon pakiusap kung ‘di isang utos? Tama ang hinala ko, hihingi siya ng pabor. Gusto kong tumawa sa kanya, sa mga sinabi niya pero hindi nakikisama ang katawan ko at utak ko para ipakita sa kanya na natatawa ako.
Napakadali lang naman pala ng hinihingi niya. Sabagay, mayaman nga pala siya at kung may makaalam na nandito ako, isang mahirap malamang madaming magtataka.
“Sige,” walang buhay kong sabi.
Tinalikuran ko siya at hindi na lumingon pa sa likod. The feelings is mutual. Ayoko at wala akong balak na ipaalam sa iba ang nangyari sa akin lalo na kung nasaan ako lumipas ang tatlong araw. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, tapos sa tingin niya ipagsasabi ko. Kala mo kung sino?!
Mas mabuti ring hindi namin inalam pa ang pangalan ng isa’t-isa tutal hindi na rin naman ako magpapakita sa kanya.
Hindi na talaga kami magkikita! Never!