Kabanata 5: Friend

1704 Words
Nang nakalabas na ‘ko, nakita ko na ang kabuuan ng bahay. Grabe! Kung siya lang mag-isa dito nakatira, napuntahan na kaya niya lahat ng sulok at kanto nito. Hindi na din ako nagulat na kulay itim din ng buong bahay, pero teka parang hindi naman ‘to bahay, mansyon ‘to! Salamin pa karamihan sa mga bahagi nito. “Talaga bang nakatulog ako rito ng tatlong araw?” mahina kong tanong sa sarili ko habang hindi makapaniwala na pinagmamasdan ang bahay. Nasa isang subdivision pala ako, medyo may kalayuan ang bawat distansya ng bawat bahay. At ang gaganda ng bawat disenyo ng mga bahay na makikita. Ito lang ata ang itim na bahay dito. Pero bawat bahay sumisigaw ng karangyaan. Sinumulan ko ng maglakad palabas ng subdivision, hindi ko alam kung tama ba ‘tong dinadaan ko pero tumuloy pa rin ako. Malamang kasi wala namang dadaang tricycle o kaya jeep dito sa loob dahil may mga sasakyan ang mga nakatira dito. Sana may makasalubong man lang ako kahit isang tao na pwedeng pagtanungan kung saan ang labasan. Hindi pa ‘ko nakakalayo sa bahay na pinanggalingan ko, may huminto ng sasakyan sa harapan ko. Ang bilis naman, hinilingin kaagad ang kahilingan ko. “Miss, sakay na kayo,” sabi nung isang lalaki. Siguro nasa mga mid-twenties na ‘to. Mabilis akong umiling at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Nasagot nga agad ang kahilingan ko pero mukhang iba naman ang balak ng isang 'to kaya 'wag na lang. Marahan naman ang pagmamaneho niya habang sinusundan ang paglalakad ko, kapag binibilisan ko ang paglalakad bumibilis ang takbo ng sasakyan. Ano ba ‘to? Bakit nakasunod sa akin? “Miss, inutusan lang po ako ng amo ko. Yung sa bahay po na itim,” sabi pa niya. Nilingon ko ulit ang bahay na ‘yon. Kahit malayo may nakita akong nakatayo at nakatanaw dito mula sa malaking bintana. Hindi ko nga alam kung bintana pa ‘yon kasi ang laki. Pero kitang-kita kung sino ang nakatayo roon at kumaway pa talaga siya sa akin bago tinuro iyong sasakyan. Napabuga ako ng tawa at umirap. Sana nakita niya! "Tss," “Tsaka walang dumadaan na taxi dito. Sige na, baka masisante ako.” pagpapatuloy pa ng driver. Mukha namang mapagkakatiwalaan ‘tong lalaking ‘to. Sumakay ako. Kung tutuusin maganda ‘to kasi wala naman akong pera baka talagang maglakad ako hanggang sa makauwi ako tapos hindi ko pa alam kung nasaan ako. Nawala ‘yon sa isip ko kanina dahil ang gusto ko lang ang makauwi na at umalis doon. Umikot itong sasakyan para tahakin ang kabilang daan, halatang mali ako ng tinatahak kanina. "Talaga bang tatanggalin ka kapag hindi ako sumakay?" kuryosong tanong ko dahil parang hindi naman makatarungan 'yon. Ngumisi ang lalaki. "Hindi malabong mangyari sa akin 'yon kapag hindi ka sumakay." saglit niya akong sinulyapan mula sa rear view mirror. Lumabi ako at tumango bago muling binalik ang tingin sa labas. Grabe din naman pala ang lalaking ‘yon. Kung ‘di ako sasakay, sisisantehen niya ang driver! Mawawalan pa ng trabaho itong lalaki nang dahil sa’kin. Pusong-bato amph! Nagpahatid lang ako hanggang sa may likod ng simbahan sa amin. Kung makikita ako ng mga kapit-bahay ni Wendy na bumaba ako sa ganitong kagandang sasakyan, malamang makakarating ang balitang ‘yong kay Tiya at kukulitin na naman ako non kung sinong mayaman ang nabingwit ko. Kahit nasa kabilang barangay na ‘ko, may kalayuan sa kanila, kaya pa ring lumipad ng mga chismis. Magpasalamat ako doon sa naghatid sa akin at mabilis din naman itong umalis. Nilakad ko na lang ang layo mula dito hanggang sa bahay ni Wendy. “Marina! Saan ka nanggaling?!” Nagulat ako ng salubungin ako ni Wendy ng yakap. Mas nagtaka ako ng marinig ko siyang humikbi. Hinarap ko siya at tinignan, kaagad niyang tinago ang mukha niya at pasimpleng nagpunas ng luha. “Bwisit ka…” mahina niyang sabi. “Bakit ka umiiyak? May nangyari ba sayo?” Kunot ang noo niya at tumaray sa’kin. Ano bang problema nito? “Nakatulog lang ako ng tatlong-“ Hinampas niya ako sa braso kaya hindi ako napatapos sa pagsasalita. “Nawala ka ng isang araw tapos sasabihin mo bakit ako umiiyak?” Teka?! Tama ba ang sinabi ni Wendy? Nung isang araw?! Sabi nung lalaki, tatlong araw akong nawala! “Isang gabi lang ako nawala?” tinuro ko pa ang sarili ko. Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o hindi e. Magandang balita na isang araw lang ako nawala dahil may maabutan pa ‘kong trabaho at hindi ako nagtagal sa bahay ng mokong na ‘yon. Pero bakit kailangan niya pang magsinungaling?! Madali lang naman sabihin na isang araw lang ako nawala a! Loko ‘yon!! Pinakaba pa ‘ko. Nakakapang-init ng ulo. “Oo. Ano bang gusto mo?” taka niyang tanong. “Tsaka kanino ‘yang damit? Ang bango, amoy mayaman.” dugtong niya pa. Huminga lang ako ng malalim at hindi sumagot sa kanya, pag sinabi ko hahaba lang ang usapan namin. Naniningkit ang mata ni Wendy, kinikilatis ako. “Anong nangyari diyang sa mukha mo? Bakit namamaga ‘yan? Napaaway ka ba noong isang gabi kaya ka nawala?” sunod-sunod niyang tanong. Sabi na e. Marami siyang itatanong. I sluggishly shook my head. “Hindi. Tumama lang ako sa pader,” Wala na akong lakas pang magkwento sa kanya. Hindi din naman importante ‘yon. Pagkasabi ko non, pumasok na kaagad ako sa kwarto. Gusto ko lang magpahinga ngayon at sobrang sakit pa ng katawan ko. Inihiga ko ang katawan ko, grabe ibang-iba ang lambot ng kama ko sa kama ng lalaking ‘yon. “Makakabili din ako non, balang araw,” bulong ko sa sarili ko, pinikit na ang mga mata ko at natulog. Inisip na nasa malambot na higaan ako katulad nung sa mayaman na bahay. Isang linggo rin ang lumipas, medyo nakalimutan ko na ang nangyari dahil hindi ko naman pinagtuunan pa iyon ng pansin. Hapon na ‘ko ng magising, lumabas ako at naamoy ko ang pagluluto ni Wendy. Natakam kaagad ako at sinilip kung anong niluto niya; daing pala, mas lalo tuloy nakakatakam. “Nagluto na ‘ko a,” ani ni Wendy habang naghuhugas ng mga pinaglutuan niya. Tumango ako at inihanda na ang lamesa. Tumingin ako sa kanya. “Wendy, nakakahiya naman sayo, nakikitira lang naman ako dito kaya ako na lang ang magbabayad ng upa mo ngayong buwan tsaka ako na bahala sa ulam natin bukas,” Inilapag niya ang niluto niyang daing na may kasama ng kamatis. “Nakuuu! Ikwento mo lang sa akin ang buong nangyari noong nawala ka, sapat na ‘yon,” she said then playfully winked at me. She’s loud and nosy person but she’s true. Hindi siya nagpapanggap. Umiling ako para ipakita na wala akong balak na sabihin sa kanya. Syempre hindi din naman ako papayag na hindi gagawin ang sinabi ko. Ako ang magbabayad ngayong buwan sa ayaw o sa gusto niya. Tumaray siya at ngumuso sa akin. “Ito naman oh! Grabe ka sa akin. Sige na parang hindi tayo magkaibigan.” pagpipilit niya sabay upo sa tapat ko para kumain na rin. Kaibigan? Saglit akong napatitig sa kanya at pasimpleng nag-iwas ng tingin. Sumandok na ko ng pagkain bago ko siya hinarap. “Nawala lang ako kasi tumakas ako sa isang manyakis nung gabing ‘yon,” mahina kong sabi, sapat lang para marinig niya. Nakalimutan ko na pero heto na naman… Natigilan siya at hinampas ang lamesa. Napailing na lang ako sa ginawa niya at sinimulang kumain. Ito pa ang isa sa dahilan kung bakit ayokong ikwento sa kanya, masyado siyang nadadala kaysa sa akin. Tinaas niya ang kutsara niya. “Mga hayop talagang ‘yon,” inis niyang sabi sabay tingin sa’kin. “sabi ko mag-ingat ka e,” “Nag-ingat naman ako," sabi ko bilang depensa sa kanya habang nanguya. “Tsaka kalimutan na lang natin ‘yon,” Kalimutan na kasi ako pilit ko na ring kinakalimutan kahit minsan parang nararamdaman kong may humahawak pa rin sa hita ko. Napapapikit na lang ako at pinipilit ang sarili na huwag magpaapekto kahit sobrang hirap. Natapos kaming kumain na ang daming tanong ni Wendy kaya binilisan ko ding kumain at karamihan sa tanong niya hindi ko sinasagot o pasimple kong iniiwasan. Hindi lang ako sanay na sobrang daming tanong ng isang tao sa akin lalo na kung ang tanong ay patungkol sa kalagayan ko. "Paano ka nakaligtas?" Saktong tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at nilapag sa lababo ang pinagkainan. Hinarap ko siya at sumandal ako doon. "May dumating para tulungan ako," Napairap ako sabay iling ng tumili siya. Iniwan niya pa ang pagkain niya para lapitan ako. "Sino? Sino?" hinawakan niya ang kamay ko at inalog-alog para pilitin ako sa pagsasalita. "Hindi ko kilala," tamad kong tugon sa kanya. Umasim ang mukha niya at bumalik sa upuan. "Prince charming mo na 'yon tapos pinalampas mo pa. Anong ginawa niyo nung niligtas ka? Hinalikan ka ba niya?” bigla na namang siyang tumili kaya umiling na lang ako. “Hulaan ko hindi mo man lang alam ang pangalan nun?" Tumango ako. "Hindi na naman kailangan pa. Ang importante pinasalamatan ko siya. Tsaka hindi 'yon interesado," sagot ko na tila alam na alam ko talaga. Pero malay ko 'di ba? Pagkatapos niyang sabihin na huwag kong ipapaalam sa iba na nandoon ako galing. Who cares? "Paano mo pinasalamatan?" naniningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin at may ngiti sa labi. Muli akong napairap sa hangin at bumuntong-hininga. "Naku, alisin mo 'yang tumatakbo sa isip mo at simpleng pasasalamat lang ang sinabi ko." Tumawa siya sabay iling. "Wala naman akong sinabi na iba ah! Curious lang ako." Naalala ko tuloy ang lalaking may balak na masama sa’kin. Anong kayang nangyari doon? Wala na ‘kong balak pang makita pa siya pero kasi ang naalala ko, kitang-kita ko kung paano siya pinagsusuntok ng lalaking nagligtas sa akin. Halatang walang na ‘yong lakas. Mga katulad ng lalaking ‘yon, hindi na dapat kinakaawaan e. Wala ba silang nanay para magawa nila ang ganoong kahayupan! “Basta ang alam ko, hindi na kami magkikita pa,”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD