Hindi ako nakaligtas sa maraming tanong ni Wendy pero buti na lang din nalulusutan ko ang mga tanong niya. Hindi na rin niya ako kinukulit lalo pa’t wala talaga akong lakas para magkwento sa kanya.
“Marina, pinapatawag ka daw ni Marb,” sabi ng barista namin dito sa club.
“Galit ba?” usisa ko.
Kailangang handa ako baka mapagalitan ako. Hindi ko lang alam kung anong dahilan pero maghahanda lang. Ilang beses na din niya akong napagsabihan dati e lalo na sa ugali ko.
Umiling siya at tumawa. “Hindi. Normal lang kaya 'wag kang matakot.” inabutan niya ako ng isang tasa ng malamig na tubig at kaagad ko ‘yong nilagok.
Good news, normal lang. Wala akong dapat ikatakot. Hindi pa ito ang last day ko.
“Sige, punta na ko kay Marb.” pagpapaalam ko doon sa barista.
“Good luck!”
I nodded then straightly go to Marb’s office. Marb is our manager here in club. Madali lang siyang magalit lalo na kapag may nagreklamo na customer o kaya naman nagloko ang empleyado niya. Basta kahit na maliit na bagay kinaiinitan ng ulo niya.
Habang naglalakad papunta sa doon, iniisip ko kung anong problema at pinatawag niya ‘ko.
Napabuga na lang ako ng hininga, maaring may kinalaman ito sa lalaking may masamang balak sa’kin, nabugbog ‘yon ng matindi at baka nagreklamo. Pero one week na naman ang lumipas kaya bakit ngayon lang?
Pagpasok ko sa loob, si Marb lang ang nandoon sa loob. Walang kahit na sino kung hindi kaming dalawa lang. Kaya akala ko ba kaya ako pinapunta kasi gusto niya akong kausapin? Pero bakit natutulog siya at nakanganga. Ano ang silbi ng pagpapatawag niya kung tulog siya?
Malakas akong tumikhim at malakas ding kinatok ang lamesa na bahagya pang nagpaangat ng balikat niya dahil sa gulat, nagising naman din siya kaagad.
“Pinapatawag niyo daw ako?” pasimple niya pang pinunasan ang bibig niya at umunat bago humilig sa upuan.
“Oo. Kasi may nakita ako sa cctv natin. Sa tingin ko alam mo na kung ano ‘yon,” maarte niyang sabi.
Tumango lang ako at hindi na nagsalita pa. So, tungkol nga iyon sa nangyari sa akin.
“’Wag kang mag-alala, hindi naman kita papagalitan.” nagkamot siya sa ulo sabay hikad. “Naka-block na ang lalaking ‘yon dito sa club. Hindi ka na nun mahahawakan kaya 'wag kang matakot, tsaka balita ko grabe ang tinamo nung bugbog. Buti nga!”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
“Ano ang nangyari doon sa lalaki?” tanong ko.
“Naku! Iyong lalaki ayon ang daming bali sa katawan lalo na sa mukha. Hindi ko na alam pa ang ibang detalye kasi may pumunta dito, sila na daw ang mag-iimbestiga,” he said then giggled. “Ang gwapo nga nung lalaki e,”
Nagpapantasya na naman siya. Lahat naman ata gwapo sa paningin niya at mukhang iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi siya galit ngayong araw? Nakakita ng gwapo kaya good mood. At nagpapasalamat ako doon, ayokong nakikitang galit si Marb. Nalabas kasi ang buntot at sungay niya.
“Sinabi mo ba ‘to kay Wendy?” siya naman ang nagtanong.
“Hindi,”
Humilig siya sa upuan niya. “Marina, kaibigan mo ‘yun si Wendy. Para ‘yong baliw ng hindi ka umuwi noong isang araw kaya napatingin ako sa footages at ayon nasagot lahat ng tanong ko. Pero ngayon lang dumating ‘yong technician na nag-ayos sa copy ng cctv kaya na-delay akong magsabi sa iyo at sila pa ang nag hawak nung last week footage kaya natagalan,”
Huminga ulit ako ng malalim.
Hindi naman kasi ‘yon importante. Ayoko ng alalahanin lahat ng nangyari. Gusto ko man ‘yong isatinig sa kanya kaya lang baka magbago ang timpla ng mood nitong si Marb.
“Kalimutan na lang natin ‘yon,” simple kong sabi.
Siya naman ang huminga ng malalim.
“Naiintindihan ko pero mas maganda sanang magpaliwanag ka kay Wendy. At least may alam siya kahit papaano,” he suggested.
Hindi ako tumango o kahit umiling. Tumitig lang ako kay Marb. Importante ba talaga 'yon?
“O siya! Bumalik ka na sa trabaho mo. Mag-ingat kayo diyan sa mga loko, sabihin niyo kaagad kapag may nang gulo sa inyo a!”
“Sige. Salamat,”
"Subukan mo lang," pahabol niya pa.
Hindi na ako sumagot kay Marb at lumabas na lang ng office niya.
Bumalik ako sa trabaho ko. Habang nagtatrabaho, muli kong naisip ang sinabi ni Marb. Kailangan ko ba talagang sabihin kay Wendy? Nasanay na kasi akong hindi nagsasabi o nagkukwento sa iba. Hindi ko alam kung magiging komportable ba ako kung magkukwento ako. Ilang taon pa lang kaming magkakilala ni Wendy at wala pa siyang masyadong alam sa’kin. Samantalang ako, alam ko na ang kwento ng kanuno-nunuan ng pamilya niya dahil sa kadaldalan niya. Hindi naman sa ayaw kong magkwento sa kanya, ang akin lang hindi naman na kailangan pang malaman ng kahit sino ang kwento ko.
Hindi naman interesadong pakinggan ang kwento ko. Wala gustong makinig at umalam.
Natapos ang duty ko ng sumasagi sa isip ko na kung hahayaan ko ang sarili ko mag-open up sa kanya… susubukan ko.
“Nabalitaan ko pinatawag ka ni Marb a!”
Nilingon ko si Wendy at tumango.
“Pinagalitan ka ba?” she spoke with curiosity in her eyes.
“Hindi. May binilin lang,” tipid kong sagot.
Dahan-dahan siyang tumango pero halata sa kanya na hindi sapat ang sinabi ko, gusto pa na magkwento ako.
“Anong bilin niya?”
Inabot ko ang tray sa kanya at nilapag niya ‘yon sa gilid.
“Mag-ingat daw tayo,” maikli kong sabi.
Hinarap ko siya at nakita kong nag-iisip pa rin siya. Dalawa lang ang ibig sabihin ng mukha niyang iyon, nag-iisip pa siya ng itatanong sa akin o kaya tinitimbang niya kung okay na ba 'yong sagot ko.
"Ayon lang?"
Tumikhim ako. “Nasabi rin pala niya ang tungkol sa footage nung nakaraang araw dahil daw gusto mong malaman kung bakit hindi ako nakauwi nung gabing ‘yon.” tumango lang siya at buong atensyon na nakinig.
Hindi ako sanay na maraming sinasabi sa kanya!
"Hindi ka nagulat?" dagdag ko pang tanong.
"Nagulat?" umiling siya. "Hindi alam ko naman ang nangyari sayo dahil sinabi ni Marb,"
Napatango ako. Hindi na rin ako nagulat dahil halos magkapareho sila ng level sa kadaldalan.
"Ang akin lang naman gusto ko mismo sa iyo manggaling lalo pa't wala akong kahit katiting na idea minsan kung anong tumatakbo sa isip mo,"
“Hindi lang ako sanay," mahina kong tugon pero sapat naman para marinig niya.
"Ang hirap kasi na sobrang nag-aalala ako sa'yo tapos dumating ka na para bang walang nangyari." sinamaan niya ako ng tingin at lumabi, halatang nagtatampo. "Napaka-insensitive mo talaga sa feelings ko." nagtatampo niyang sabi.
I sighed and pressed my lips in a tight line, nodding. "Hindi naman kita sinabihang mag-alala sa akin... pero hindi ko man kayang ipakita, sobrang nararamdaman ko naman ang pag-aalala mo."
"Tss... syempre alam ko namang ganyan ka. Pero tanggap pa rin kita kaya tanggapin mo ako sa ayaw o sa gusto mo. Wala kang choice kasi ako lang naman ang kaibigan mo."
Tumango ako pero hindi ko mapigilang hindi matawa sa sinabi niya.
Ngumuso siya lalo at tila naiiyak na ekspresyon ang pinakita sa akin. I scoffs as I shook my head.
“Tsaka pala Wendy, uuwi na muna ako. Hindi muna ako magtitinda ng yosi mamaya,” tumigil ako panandalian sa pagsasalita habang nag-iisip ng idudugtong. “Sumasakit kasi ang katawan ko kanina pa kaya baka mauna na akong umuwi sa'yo,”
Pinipilit ko lang kumilos at tapusin ang duty ko dahil sayang naman ang sahod ko. Malapit pa naman na din namin makuha ang sahod, sayang ang isang araw na hindi ako papasok.
Nagulat siya sa biglaang pagpapaalam ko sa kanya. Madalas kasi hindi ako nagsasabi sa kanya na aalis na ako o kaya hindi muna mag-du-duty. Bigla na lang akong hindi papasok ng walang sabi maliban kay Marb kasi syempre siya ang may-ari ng club pero kay Wendy hindi ako nagsasabi… hindi lang ako sanay na gawin ang mga ganoong bagay. Pero ngayon, siguro dapat ko ring subukan kahit papaano.
Kita ko ang sumilay na ngiti sa labi niya at mabilis na tumango.
“Oo naman! Sige, mauna ka ng umuwi.” tuwang-tuwa niyang sabi. “Dapat rin talagang pinapahinga ang katawan.” dagdag pa niya.
Tumango ako at ngumiti. “I-ingat ka din,”
Tumili siya at exaggerated ang pagkagulat ng mukha niya. “Hoy! Anong meron sayo? Nagiging mabait ka a! Tapos ngumiti ka pa,”
Umirap ako sa kanya. “Ngumingiti naman ako a!”
Pinag-krus niya ang kamay niya. “Siguro pero bilang lang sa kamay kung kailan. Baka napuruhan ka at naapektuhan ang utak mo,”
Binalewa ko na ‘yon. “Sige. Una na ‘ko.”
Tinawanan niya lang ako bago tumalikod at bumalik sa trabaho niya.
Hindi naman pala mahirap na ibalik paunti-unti ang dating ako. Na masayahin at punong-puno ng sigla. Pero hindi ko pa masasabi na tuluyan na akong babalik sa dati at gigibain ang pader na itinayo ko bilang depensa para sa mga tao. Kailangan pa ring maging matatag. Pero hindi rin ako sarado sa posibilidad kailangan ko lang ng oras para sa sarili ko.
“Miss!”