Nilingon ko kung sino ang tumawag sa’kin. Nakita ko ang lalaking sinabi kong hindi ko kailanman dapat makita pa. He’s smoking. Sunog baga pala ang bisyo nitong mayaman na ‘to. Tinapon niya ang sigarilyo sabay inapakan at umalis sa pagkakahilig sa kotse niya. Umirap ako at ipinagpatuloy muli ang paglalakad. Hindi ako interesado kung anong ginagawa niya dito. “Teka lang!” Hinawakan niya ang braso ko at humarap sa akin. Tinignan ko ang kamay niya nakahawak sa akin at mabilis na inalis ‘yon. “Sorry,” mabilis niyang sabi. “Hindi mo na ba ako nakikialala?” “Hindi,” sagot ko sabay lakad muli papalayo sa kanya pero hindi ko alam na masyado siyang makulit para humabol pa rin sa akin. I frowned; my face crumpled. “Ano na naman ba?!” irritable kong sabi na bahagyang nagpagulat sa kanya. Kita k

