Nandito ako ngayon sa labas ng club at nag-aabang sa lalaking nag-alok sa akin ng trabaho. Kanina pa ‘ko dito sa labas, hindi ko na nga iniisip ang tinitinda kong yosi dahil ayokong magkasalisi kami ng lalaki. Kung saan ko siya nakita noong nakaraang araw doon ako laging nag-aabang. Pero tila hindi na ata siya magpapakita pang muli dito. Ilang araw ang lumipas pero walang bakas niya. Nagsimula na akong manlumo at mawalan ng pag-asa, malamang hindi na siya babalik pa o kaya may nakuha na siyang iba. Sino ba namang aayaw sa ganong alok? Ako lang ata! Pinadaan ko lang sa hangin ang oportunidad na dumaan sa harap ko. Ang hirap lang kasing magtiwala, pakiramdam ko hindi naman totoo ang sinasabi niya kahit alam ko namang may kakayahan siyang magbayad. Ang pagdududa kong iyon ay para lang din n

