Napasandal ako sa upuan at tumingala sa kisameng bulok na pero may pakinabang pa naman kahit papaano. Bumuntong-hininga ako bago nasundan ulit ng isa pa. Kahit na pumayag ako kagabi sa usapan namin ng lalaki, hindi pa rin mawala sa’kin ang pangamba. Iniisip ko kung hindi ko ba pagsisisihan ang ginawa ko at magiging maayos ba ang lahat ng ito. Wala rin akong lakas ng loob na umatras pa para bawiin ang sinabi ko dahil alam kong wala ng pagkakataon ang maibibigay sa akin kapag pinakawalan ko pa ‘to. Bumuntong-hininga akong muli. “Oh! Bakit ganyan ang itsura mo? Kanina pa kita naririnig na bumubuntong hininga.” Nanatili ako sa posisyon ko. Muli akong napabuntong hininga ng malalim bago tamad siyang sinagot. “Nakausap ko na ‘yong lalaki.” Wala akong ideya kung anong ginagawa niya dahil na

