Amara Nakatakip ang magkabilang braso ko sa aking katawan. Mistulang niyayakap ko ang aking sarili habang pababa ng hagdanan. Samantalang si Georgina ay taas noo habang naglalakad at sumasabay sa paghamapas ng beywang nya ang kanyang mahabang buhok. Malayong malayo talaga ako sa kanya. Wala akong lakas ng loob na magsuot ng ganito dahil hindi ko naman ito nakasanayan. “Okay, give way because the queens are here!” sigaw ni Georgina. Mas lalo akong kinabahan dahil nagawi agad ang tingin ni Galvert sa amin. Napukaw ang kanyang atensyon dahil sa malakas na sigaw ni Georgina. Kitang kita ko ang kanyang mga mata na tila ini-eksamin ang buong katawan ko na ang tanging suot lamang ay ang manipis na tela na ito. Walang kurap kurap syang nakamasid sa akin at tila nakaawang ng bahagya ang kan

