Amara Pagdating namin sa aming destinasyon ay kaagad kong napansin ang mala-palasyong mansyon na nakatindig sa gitna ng napakalaking islang ito. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Namangha ako dahil ang lahat ng ito ay pagmamay-ari ng mga Monreal. Kaagad kaming sinalubong ng apat na kasambahay upang dalhin ang aming mga gamit. “Mabuti naman po at maayos ang naging biyahe nyo. Umayon ang magandang panahon sa pagbisita nyo dito.” Sambit ng isang kasambahay na medyo may kaedarang babae. Inakbayan sya ni Galvert at mahigpit na niyakap. Mukhang malapit sya sa kanilang mga kasambahay. “Mabuti na lang talaga at maganda ang panahon ate Edna. Makikita ng girlfriend ko ang kagandahan ng buong isla. By the way, she is Amara, my girlfriend and my future wife.” Pagpapakilala naman ni Galvert sa a

