Chapter 11

1179 Words
Chapter 11 – Destiny's Timeline Destiny. SINIPAT kong muli ang sarili ko sa salamin. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa mukha ko. I'm a replika of my father. Kamukhang-kamukha ko siya. Muli kong naalala ang naudlot na tanong ni Emerson sa akin kahapon. Ano kaya ang reaksiyon niya kapag sinabi ko na 'ako ang panganay na anak ni Samuel Verdadero'? Ako iyong anak na hindi na gaanong kilala ng lahat. May tatlong kapatid ako kay Daddy at sa pangalawang asawa nito. May isang anak naman si Mommy sa bagong asawa nito kaya bale apat ang kapatid ko pero hindi ko alam kung kilala din ba nila ako. Kung makikita ko man siguro sila, baka mainggit lang ako. Ang swerte kasi nila dahil lumaki sila puder ng dating magulang ko samantalang ako ay inulila nila. Lumabas ako ng kubeta at nakita ko so Dra. Perez na nakaabang sa akin. Kausap niya si Lola Rosita ngunit nahinto sila nang makita ako. "Dra. Perez, magandang umaga po." Magalang na bati ko sa kaniya. Ngumiti naman ito. "Magandang umaga din, nakausap ko na si Lola mo. Pwede na kayong umuwi." Napaawang ang labi ko. "Talaga po? Pero 'di ba sabi niyo noong isang araw ay hindi pa pwede?" Lumamlam ang pares ng mata ni Dra. Perez dahil sa tanong ko na iyon ngunit agad naman niya itong pinasigla at ngumiti muli. "Okay na. Alagaan mo na lang din ang Lola mo, Destiny. Mahalaga din na nandiyan ka sa tabi niya sa lahat ng oras." Agad kong tinawagan si Reeve para sabihin sa kaniya ang magandang balita. "For real? Wow, congrats kay Lola Sita. Anglakas talaga niya." Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. "Siyempre naman. Sasama ka ba sa amin sa pag-uwi?" "I'm sorry but I can't for today, Destiny. May business deal na kailangan naming ma-close ngayong araw. I'll be going with Dad and he expects me to be there." "Daddy mo?" "Oh shiz, yes my Dad. Hindi pa nga pala kita naipapakilala sa parents ko. I want them to meet you lalo na at halos ikaw ang bukambibig ko sa kanila noong mga nakaraang buwan." Natuwa ako sa sinabi niya kahit bahagya akong nadismaya sa sinabi niyang hindi siya makakasama sa amin sa pag-uwi ngayon. Sabi nila kapag pinakilala ka ng lalake sa magulang niya, ibig sabihin daw niyon ay seryoso sila sa iyo. Kaya naman natutuwa ako sa isipin na seryoso talaga sa akin si Reeve. "Talaga? Ipapakilala mo ako sa kanila? Baka hindi nila ako magustuhan. Hindi naman ako sobrang yaman katulad niyo." "Hell, they should like you because you are my girl." "Seryoso ka talaga sa akin?" "I'm always serious when it comes to you, Destiny so cheer up and don't overthink." "Salamat, Reeve. Ingat ka, sana ma-close niyong iyong business deal. You can do it." "Same to you, Destiny. Take care, bye." "B-Bye." Binaba ko kaagad ang linya pagkatapos kong sabihin iyon. "Ang ganda ng ngiti mo ngayon, Apo." Natutuwang puna ni Lola na hindi ko napansin ay nakatingin pala sa akin. "Ipapakilala daw po ako ni Reeve sa magulang niya." Buong galak kong sambit na mas lalong ikinaningning ng mga mata niya. "Natutuwa akong makita ka na ganiyan kasaya sa piling ni Reeve. Mabuting binata iyon at sa tingin ko mas karapat-dapat talaga siya para sa'yo kaysa sa Gael na iyon." "La..." "Bakit? Totoo naman. Mas panatag ako ngayon na si Reeve ang binatang napupusuan mo kaysa kay Gael noon na unang beses ko pa lang na nakita ay hindi ko na kaagad nagustuhan." Napairap ako sa sinabi na iyon ni La. "Pero nagustuhan niyo pa rin naman si Gael sa bandang huli." Sumimangot ito. "Mabait nga pero iniwan pa rin ang pinakamamahal kong apo at nagawa ka pang lokohin. Hindi iyon makatarungan kaya ayoko na ulit sa kaniya." Nailing na lamang ako sa sinabi ni Lola. Ganiyan na siya noong bata pa ako. Kung sino ang umaway sa akin, kaaway niya din dahil pinalaki niya daw akong batang hindi palaaway kaya kung nasa katuwiran ako, sa akin siya kumakampi. Bandang hapon na nang mapagdesisyunan namin na umalis na ng ospital dahil na-settle ko na din iyong bills. Nagpaalam kami sa ilang nurses na napalapit kay Lola at nagpasalamat sa magandang serbisyo na binigay nila sa amin nang mamamalagi kami sa ospital. Bakas naman ang galak sa mga mukha nila na nagbilin pa ng ilang bagay patungkol sa pangangalaga sa kalusugan ni Lola. "Hay sa wakas nakauwi na rin tayo." Tila pagod na sabi ni Lola at naupo sa paborito nitong rocking chair. Napangiti ako sa kaniya bago nilapag ang ilang gamit namin. Mamaya ay maglalaba ako dahil maraming damit ang kailangan kong labhan. "Bukas ay wala ka na naman dito sa bahay." Malungkot na boses na sabi ni Lola. Napatunghay naman ako sa kaniya. "La, kailangan kong magtrabaho para sa atin." "Iyong bills, magic noh? Maliit lang ang bayarin natin kahit na matagal tayong nag-stay doon." Napatigil ako sa pag-aayos dahil sa sinabi niya. Ang sabi sa akin ng nurse ay baka daw may discount iyon kaya hindi na ako nagduda ngunit sa sinabi ni Lola ay nakaramdam na ako ng pagdududa na hindi lang discount iyon. "Paano nangyari iyon?" Kunot-noong tanong ko. "Binayaran na ni Diana ang seventy-percent ng bill natin bago siya umalis. Noong magkausap kami ay nakita ko sa kaniya ang pagsisisi. Sinumbatan ko din siya noong una at hindi ko din napigilan ang galit ko sa pagpapakita niya sa'yo at sa akin kaya nasampal ko pa siya." Napaawang ang labi ko sa huling sinabi ni Lola. Sinampal niya si Diana? "Pinaliwanag niya sa akin ang nangyari kung bakit hindi ka niya nagawang balikan. Mahal na mahal niya si Jaime na bago niyang asawa at hindi niya kayang suwayin ang isang kasunduan ni Jaime na ayaw niyang makasama ka sa isang bubong. Hindi ka tanggap ni Jaime kaya hindi ka nagawang balikan ng Ina mo sa akin." "Bakit kahit dalaw wala? Ganon ba niya kamahal ang asawa niya? Mas mahal pa niya iyon kaysa sa akin, La?" Hindi nakaimik si Lola. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Nang makalapit siya ay hinawakan niya ang mukha ko at ipinaharap sa kaniya. Doon na nangilid ang mainit na likido sa mata ko. "Destiny, parang ganon nga iyong nangyari noon. Inuna ni Diana ang tinitibok ng puso niya at iniwan ka." "Si Daddy, ganon din ba iyon?" Umiling si Lola. "Si Samuel ay naunang iniwan ka sa puder ng Ina mo 'di ba? Niloko niya si Diana katulad ng panloloko ni Gael sa'yo ngunit mas masakit ang pinagdaanan ni Diana dahil nabuntis ni Samuel ang babae niyang si Delila." Nanghina ako sa nalaman ko. Ang buong akala ko ay hindi magkasundo si Mommy at Daddy sa relasiyon nila kaya napagdesisyunan nilang maghiwalay. Ngayon ko lang nalaman ang malagim na kuwento sa likod niyon. "Hindi ko nagawang ipaliwanag sa'yo iyan noong bata ka dahil hindi mo pa maiintindihan at natatakot din akong kamuhian mo nang sobra si Samuel habang lumalaki ka. Alam kong sa alaala mo ay malapit ka sa tatay mo ngunit ang masira ang imahe niya sa'yo, sa tingin ko ay magiging mahirap na tanggapin iyon sa'yo noong bata ka pa." Sobrang nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Lola. Si Daddy ang unang sumira ng pamilya namin. Hindi ko matanggap na sa kanilang dalawa ni Diana, siya pala dapat ang mas kamuhian ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD