Chapter 15

1266 Words
Destiny.     I keep my world shut from the others. Dad and Mom was there for me. For once, I get tired getting angry at them and let them in inside my life though there was still no clarification that I've already forgive them from what they did to me.    Masakit pa rin sa akin. Sa lahat ng pangyayari sa buhay ko, sa lahat ng mga kulang sa akin... si Lola ang andiyan para sa akin. Marami akong namimiss sa kaniya. Namimiss ko na ang tawa at ngiti niya pero mas namimiss ko ang presensya at pangaral niya sa akin.    I was on a deep thinking when a cup of coffee landed infront of me.    Napatingin ako doon at nakita ko si Reeve na nakangiti nang maliit sa akin. Laging sinusubukan ni Reeve na pagaanin ang loob ko but I always ended up not smiling and being cold at him. Pakiramdam ko ay wala na akong karapatang maging masaya ngayon pero alam kong panandalian lang ito. Panandalian na sakit ngunit panghabang buhay na dadalhin ang sugat ng pagkawala ni Lola. "Destiny, kumain ka na?" Nag-aalalang tanong ni Reeve. Umiling naman ako bilang pagsagot. Kinuha ko sa kamay niya ang kape at umupo naman siya sa tabi ko. "Let's breath some air outside. Wanna come?" Natigilan ako sa tanong niya. Heto na naman kami sa mga paraan niya para pasayahin ako. Bigla na lamang nangilid ang luha sa mga mata ko. "B-Bakit ganiyan ka?" Nauutal kong tanong. Pinipigilan ko ang sarili kong maging emosyonal ngunit sadiyang hindi ko kaya. Lumamlam ang mga mata ni Reeve at niyakap ako para itago ang mukha ko sa dibdib niya. "Shhh... you're my girlfriend. Aalagaan kita, Destiny. Iyan ang pangako ko kay Lola noon pa man. Bilang boyfriend mo ay nandito lamang ako para maging sandalan mo. Sa panahon ng ginhawa at kahirapan, andito ako." Suminghot ako at mas lalong naiyak sa sinabi niya. Marahan niyang hinaplos ang likod ko upang patahanin ako ngunit mas lalo lang talaga akong naiiyak. Si Reeve ang isa sa tao na nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Noong padilim na ng tuluyan ang mundo ko, siya iyong nagsilbing maliit na ilaw. "Reeve, sorry." Hikbi ko. "What? Why are you saying sorry?" "Sorry because I'm not a good girlfriend. I'm cold, immature and super sensitive. I'm also weak." Ramdam ko ang pag-iling nito at ang paghigpit pa lalo ng yakap niya sa akin. "Nobody is perfect but for me, you're enough." And that words are enough to melt my heart.    Dumating na ang araw kung kailan ililibing si Lola. Halos lahat ng taong dumalo ay nakaputi katulad ko. Napuno ng hagulgol ang sementeryo bago ibaon sa lupa ang kabaong nito. Yakap-yakap ako ni Reeve. Si Daddy at Mommy naman ay naroon lamang para hayaan ako na gawin ang gusto ko at paalalahanan ako na tumahan na dahil hindi makakabuti sa akin kung patuloy lang akong malulungkot.    Tulala ako matapos ang libing. Magang-maga ang mga mata ko.   "Babe, uwi ka na?" Tanong ni Reeve sa akin. Nakatingin si Daddy at Mommy sa akin na naaawa.    "Anak, umuwi ka na para makapagpahinga ka. Masiyado kang napagod nitong nakaraan baka bumigay ang katawan mo." Nag-aalalang sabi ni Daddy sa akin.   "Tama ang Ama mo, Destiny. Mabuti pa at mahiga ka sa kama mo pagkauwi mo upang makabawi ka ng lakas mo. Kailangan mong magpakatatag."   "Bakit?" Malamig na tanong ko. "Bakit ako mapapagod? Si Lola hindi iyon napagod sa pag-aalalaga sa akin noong iniwan niyo ako sa puder niya."   Hinawakan ni Reeve ang balikat ko na tila pinipigilan ako sa panunumbat ko sa magulang ko.   "Destiny..." Naiiyak na tawag sa akin ni Mommy.   Umiling ako. "Iwan niyo akong lahat dito. Alam ko ang daan pauwi. Uuwi ako mamaya."    Hindi na umalma pa ang tatlo sa sinabi ko at hinayaan na lamang ako. Nakahinga ako nang maluwag nang hagkan ako ni Reeve at umalis na ng sementeryo kasama sila Mommy at Daddy.    Bumalik ako sa puntod ni Lola at umupo sa harapan niyon. Para akong bata na nakaupo ng pa-indian seat doon at biglang ngumiti.   "Masaya ka na ba diyan, Lola? Miss na kita." Nangilid ang luha sa mga mata ko.   Humagulgol ako at muli na naman akong nalungkot sa katotohanan na wala na siya. Ang hirap talagang tanggapin na wala na ang taong laging nandiyan para sa akin.   Nang mahimasmasan ako ay tumayo na ako upang umalis. Tiningnan ko ang telepono ko at nakita ko ang isang mensahe mula kay Reeve.   From: Babe    I know it hurts a lot but be strong, my babe. I know you can get through this... we can get through this together just allow me to touch your heart and let you become the happiest woman. I love you, take care on your way home.    Napawi ang lungkot sa dibdib ko at bahagyang gumaan iyon nang mabasa ko ang mensahe na galing kay Reeve.    Paalis na ako nang may humintong taxi sa harapan ko. Lumabas roon ang isang lalakeng nakasumbrero at naka-mask habang nakapamulsa. Nang makababa siya nang tuluyan ay nagtama ang paningin namin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko kasabay niyon ang paghangin ng malakas. Hinangin ang mahabang buhok ko na nakalugay at tinanggal naman ng lalakeng iyon ang mask na suot-suot nito kanina. Kumabog nang mabilis ang puso ko nang lumapit ito sa akin at sinalubong ako nang mahigpit na yakap. "Destiny..." Napapikit ako sa pagtawag niya nang pangalan ko at ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing tinatawag niya ako nito ay nanumbalik muli. "Gael." Sambit ko ng pangalan niya ay yumakap pabalik.   Nang maghiwalay kami ay malungkot ito na ngumiti sa akin. "I heard what happened. Wala na pala si Lola." Malungkot niyang sabi. Ngumiti lang ako ngunit hindi ito umabot sa aking mga mata. "Kamusta?" Tanong ko bigla. Napayuko ito sa tanong ko. "Nahihiya ako sa'yo sa totoo lang. Iniwan kita noon at niloko. Ako pa ang nakipaghiwalay sa'yo kahit nagmakaawa kang bawiin ko iyong disisyon na iyon. Pinakawalan kita, Destiny." Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Ramdam ko ang pagsisisi niya sa mga salitang sinambit niya sa akin. "Iniwan ako ni Adalia." Napuno nang katahimikan sa pagitan namin. "Destiny, nagsisisi ako. Nagawa kong piliin si Adalia dahil nabuntis ko siya." Tila pinisil ang puso ko sa rebelasyong iyon. Buong akala ko ay nagmamahalan silang dalawa ni Adalia. Ang babaeng higad na nanira ng relasyon naming dalawa ay nagawa pang iwan si Gael. "Asan ang anak niyo?" Biglang tanong ko. Nagkaroon ng kislap sa mata niya. "Nang maipanganak niya si Aria, iniwan na niya ito sa akin." Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay iniwan ni Adalia ang bata at wala itong kinikilalang ina. "B-Bakit? Paano nangyari iyon?" "Natakot si Adalia sa responsibilidad." Gusto kong mainis sa kabobohan ng Adalia na iyon. Kawawang bata ang iniwan niya. "Sorry to hear that." Nangingiwing komento ko. "Destiny, binalikan kita dito. Natatakot ako na sobra kang malungkot sa pagkawala ni Lola kaya nilakasan ko ang loob ko na muling magpakita sa'yo." Bumuntong-hininga ako. "Nasasaktan ako but I'll be fine, Gael." Mukhang nagulat ito sa sinabi ko ngunit pagkaraa'y ngumiti ito sa akin. "You've changed. Mukhang naging strong ka na kaysa noon." Napangiti na rin ako sa puri niyang iyon. Mahina pa rin ako ngunit may rason pa naman ako para maging masaya. "May boyfriend ka na ba?" "Meron na." Maliit na ngiti ang ibinigay ko at ang sinserong ngiti naman niya kanina ay napalitan ng isang nakakailang na ngiti. "G-Ganun ba?" "Yes. Excuse me pero kailangan ko ng umalis." Maya-maya ay pinigilan ni Gael ang kamay ko. "Destiny, magkikita pa tayo. Sa paaralan kung saan ka nagtuturo, doon ako lilipat bilang isang guro din." Natigilan ako sa sinabi niya. Bumuntong-hininga na lamang ako at nilagpasan siya. February 11, 2020    Muli na namang nagtagpo ang landas namin ni Gael. Nakikipaglaro na naman ba ang tadhana sa akin? Larong kayang lituhin ang isip at damdamin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD