Destiny.
NAGISING ako nang may dumampi sa pingi ko na malambot na bagay. Bahagyang namilog ang mata ko nang makita ko si Reeve.
"What the? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong sa kaniya. Napatakip ako nang bibig ko dahil kagigising ko lang.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Reeve bago ako tuluyang pumasok ng CR at mabilis ma ginawa ang pagsisipilyo at paghihilamos ng mukha.
Paglabas ko ay nakahilata na ito sa kama. Tumabi ako sa kaniya at tinapik ang gwapong mukha nito.
"Isang pinagbabawal na senyas, babe. Nakakaakit ka." Aniya bigla kaya anh pagtapik ko ay napalitan ng isang magaang sampal.
"Hmp, ang aga mo dito."
Bumangon siya at iniabot ang kamay niya sa akin para hilaan ako patayo muli.
"Aalis na ako. Magpapaalam lang ako sa'yo." Nakangiti ngunit malungkot na sabi niya sa akin.
Nawala ang kanina ay masayang mood ko. Ngayon nga pala ang alis niya. Nakalimutan ko na sa sobrang pagiging okupado nitong mga nakaraang araw. Halos isang buwan din siyang mamalagi sa ibang bansa.
"Ingat ka doon. A-Ano, huwag kang titingin sa ibang babae! Tawagan mo ako gabi-gabi o kahit tuwing break ko." Nanginig ang boses ko nang sabihin ko iyon.
Noong una ay inihanda ko naman na ang sarili ko na matagal bago ko makitang muli si Reeve ngunit ngayon ay nababalot na ako muli ng lungkot.
Naninikip ang dibdib ko sa isipin na hindi ko siya makakasama ng halos isang buwan.
"Madaming magaganda doon pero ang puso ko nasa iyo na, Destiny."
Nangilid muli ang luha ko. Hinawakan ni Reeve ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya.
Sinsero nito akong tinitigan.
"Kapag bumalik ko papakasalan na kita agad para matali ka na sa akin at dadalhin kita sa kahit saan man ako magpunta."
Kahit naiiyak ay nagawa kong ngumiti dahil sa sinabi niya.
"Kahit ayaw ng magulang mo?" Malungkot na tanong ko. Lumamlam naman ang mga mata niya dahil sa tanong ko ngunit tumango pa rin siya.
"Kahit ayaw nila." Paninigurado nito. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Reeve..."
Ngumiti siya sa akin.
"Aalis na ako. Mag-iingat ka, Destiny."
"Ikaw din." Nakangiti kong sabi.
Aalis na sana siya nang tuluyan nang hawakan ko ang kamay niya at pinaharap siya sa akin. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
Napapikit ako at nang ginawa ko iyon hanggang sa ako na mismo ang humiwalay sa halik naming dalawa.
"Mamimiss kita, Reeve." Bulong ko sa kaniya. Tanging isang malawak na ngiti ang isinagot niya sa akin bago tuluyan na umalis.
Nang makaalis nang kuwarto ko si Reeve ay nahiga pa akong muli at pinakalma ang puso ko na namimiss na agad ang presensya niya.
Sa maikling panahon na nakasama ko siya ay nagawa ko nang masanay na lagi siyang nandiyan sa tuwing kailangan ko siya. Isang tawag ko lang ay sumasagot na agad siya at kailanma'y hindi niya pinaramdam na hindi ako ang priority niya.
Isang linggo na din pala ang nakalilipas ng mawala si Lola at kahit papaano ay mas maayos na ang lagay ko. Sa lunes ay babalik na ako sa pagtuturo.
Lumabas ako ng kuwarto ko isang oras matapos kong magmuni-muni roon. Kumain ako ng breakfast. Maya-maya lang ay pupuntahan ko ang address na iniwan sa akin ni Mommy at Daddy. Bibisitahin ko silang dalawa.
Lumabas ako ng bahay nang bandang hapon na at nagpunta sa bahay ni Daddy.
Natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng isang malaking gate na may nakalagay pang 'Verdadero' sa taas nito.
Napangiti ako sa hindi malamang dahilan. Ito ang apilyedo ko. Parte ako ng angkan nila ngunit ang pakikipaglaro ng tadhana ay inuwi ako sa paraan na naging tago akong anak ni Samuel Verdadero.
Maya-maya ay may isang guwardiya na lumabas roon.
"Ma'am wala po ngayon ang pamilya nila Sir Samuel. Family Day po kasi ngayon doon sa paaralan ng anak niya. Kung gusto niyo po ay sa susunod na lang kayo bumalik. Ipapaalam ko na lang po na nagpunta kayo rito. Ano po bang pangalan niyo?"
Hindi ako naka-imik sa sinabi niya. Bukod sa wala pala sila, tumatak din sa akin ang sinabi niyang 'Family Day'. Nang makabawi ako ay naiilang akong ngumiti sa kaniya.
"H-Huwag niyo na lang pong ipaalam sa kanila." Magalang na sambit ko.
"Sige po. Ano po ulit iyong pangalan niyo?"
Umiwas ako ng tingin ay huminga nang malalim.
"Destiny Verdadero, ho."
Nabigla ito nang sambitin ko ang pangalan ko. Tumango na lamang ako at iniwan siya.
Dumating ang araw ng lunes. Noong nakaraang gabi ay hindi ako binigo ni Reeve. Gamit ang messanger ay nakipag-video call ito sa akin. Mukhang masaya siya sa pagdating niya doon at nakahinga naman ako nang maluwag dahil ligtas siya sa kaniyang biyahe papunta roon.
"Destiny!" Mabilis na lumapit sa akin si Kris at yumakap. Naiiling naman ako at ngumiti nang humiwalay siya sa akin.
"Kamusta?" Aniya.
"Ayos lang, kahit papaano ay tanggap ko na wala na si Lola. Si Reeve ay umalis din ng bansa pero lagi pa rin naman siyang tumatawag sa akin. Hindi madali ang pinagdadaanan ko pero nakakaraos naman."
Napatango siya. "Mabuti naman kung ganon. Namiss ka namin dito sa opisina. Lagi kang nawawala."
"Maraming bagay na nangyayari sa buhay ko na nagiging dahilan ng pag-absent ko. Pasensya na."
"Anong pasensya? Naiintindihan ka namin, Destiny." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Salamat sa pagdalaw noon kay Lola, na-appreciate ko. Pasensya lang at hindi ko kayo gaanong kinausap noong araw na iyon."
"Ano ba? Alam namin na nagluluksa ka kaya naiintindihan namin. Mabuti naman at nakabalik ka na ngayon."
"Salamat."
Napatigil kami sa pag-uusap nang biglang may pumasok na grupo ng mga co-teachers namin na masayang nakikipagkwentuhan.
"Oh, ikaw pala ang bago dito. Ako si Jiin." Pagpapakilala ng isa sa Math Teacher namin.
"Ako si Angela." Ani naman nung isa pa.
"Nice to meet you, Sir Gael." Anila.
Napamaang ako at agad na napatingin doon sa direksiyon nila. Nagtama ang mga mata namin ni Gael.
"Destiny!" Tawag niya sa akin at kumaway agad sa akin.
"Gael..." Naguguluhan kong tawag sa pangalan niya.
Lumapit ito sa akin. Ramdam ko ang pagtingin ng mga kasamahan namin sa aming dalawa.
"Magkakilala kayo?" Tanong bigla ni Kris.
"Yes." Si Gael ang sumagot sa kaniya. "We're friends."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gael.
"Excuse me pero kailangan ko nang mauna."
Tinutok ko ang sarili ko sa pagtuturo maghapon. Si Gael ay lagi pa rin na lumalapit sa akin. Hindi ko alam kung insenstive ba siya o ano. Sinusubukan ko lang naman na maging casual sa kaniya ngunit naiilang pa rin ako.
May nakaraan kaming dalawa at kahit na sabihin niyang matagal na iyon, mahirap pa rin burahin ng mga alaalang iyon sa amin.
Nang matapos ang klase ko ay nag-abang ako ng text mula kay Reeve. Nang mapatingin ako sa cellphone ko ay agad kong nakita ang wallpaper ko na picture naming dalawa ni Reeve.
Napailing ako. Hindi niya nga pala ako masusundo kasi nasa ibang bansa niya. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Lumabas ako ng school at pumunta ng parking lot. Ngayon na lang ulit ako uuwi na gamit ang sarili kong sasakyan.
"Destiny!"
Muli kong nakita si Gael. Kumaway ito sa akin.
"Sabay ka na sa akin." Pag-aalok niya na agad kong tinanggihan.
"May sasakyan ako, Gael. Pasensiya na pero mauuna na ako."
Nanghihinayang siyang sinundan ako ng tingin paalis.