Chapter 17

1190 Words
Destiny.    "How's your day, babe?" Bungad sa akin ni Reeve matapos kong sagutin ang video call request niya.   I giggled and smiled. Nakakawala ng stress kapag kausap ko si Reeve. Tipong kapag andiyan na siya, nasasabi ko na 'I'm home'.   "Ayos lang. Ikaw kamusta? Ayos ba ang communication niyo with the other businessmen?"   Nakasuot ito ng coat. Umaga ngayon sa USA kabaliktaran naman dito sa pinas na gabi na.    "Everything is going well. Namimiss na nga kita. Gusto ko ng umuwi."    "Sus, kung alam ko lang baka nga may babae ka diyan."   "Destiny..."   "Hmp. Ano?"   "May babae ako pero ikaw lang iyon."   Umirap ako para pigilin ang kilig ko sa sinabi niya.    "Nakakainis ka." Nakasimangot na sabi ko.   "Bakit na naman? Sorry na."   "Nakakainis, miss na kita."   Mula sa screen ay nakita ko kung paano namilog ang mata ni Reeve sa sinabi ko at napangiti.    "Ikaw ah, saan ka natuto niyan? Noong bago ako umalis, hinila mo ako para halikan ngayon iyan naman! Nag-iimprove na ang Destiny ko!" Aniya at humalakhak.   "Tsk. Ang pangit mo."   "Talaga ba?" Nakataas ang kilay nito na tanong at kunwari'y nag-ayos ng buhok sa harapan ko.   Baliw.   "Sira, umayos ka nga. Kumain ka na ba?"   "Tapos na. Kumain kami ni Daddy sa restaurant kanina."   Muli akong napaismid sa sagot niya. "Purgang-purga ka na ata diyan ng mga pagkain na galing restaurant. Uwi ka na at ipagluluto kita."   Napangiti muli si Reeve sa sinabi ko.    "Habang tumatagal tayo ay mas lalo kang nagiging sweet, Destiny." seryosong sabi niya na ikinatigil ko.   "Talaga ba?"   "Yes. That's why I'm happy. May nakarating na balita sa akin, masamang balita pero alam ko naman na akin ka na ngayon kaya hindi ka na niya maagaw pa."   Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Hindi kaya alam na niya ang tungkol sa pagbabalik ni Gael?   Nalungkot ako sa isiping alam na niya at hindi pa iyon galing sa akin.   "B-Bumalik na iyong ex ko." Pag-aamin ko sa kaniya.    Lumiit ang ngiti ni Reeve at napatango-tango sa sinabi ko.   "I'm glad na nasabi mo na rin sa wakas dahil hindi ako mapakali sa kakaisip kung bakit hindi mo nagawang sabihin iyon sa akin bago ako umalis ng Pinas."   "Ayokong mag-aalala ka."   "Pero gusto kong maging tapat ka, Destiny."   Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.    "Sorry."   Napailing si Reeve.   "Ayoko ng maulit iyon. Let me know your thoughts, Destiny. Let me know what you feel because I'm so damn worried."   "Feel? Wala akong nararamdaman para kay Gael. Wala na. Matagal na kaming natapos. Sinusubukan ko na lamang siyang tratuhin sa casual na paraan pero nitong mga nakaraang araw ay naguguluhan ako sa mga kinikilos niya." "What do you mean na naguguluhan ka?"   "Lumipat ng school si Gael. Sa school kung saan ako nagtuturo, nandoon din siya."   I heard him muttered 's**t' after saying the bad news. Napabuntong-hininga ako. Ayokong pag-awayan namin si Gael dahil maliban sa pagiging ex ko, wala na siyang iba pang papel sa buhay ko.   "Nakakainis na lagi niya akong pinapansin sa school. Minsan awkward na. Inaaya niya akong kumain ng lunch na dalawa lang kami but I always decline. Kapag nag-aaya din siya na ihahatid niya ako, ayoko din. Lagi kong dala iyong sarili kong kotse lara hindi niya ako maihatid."    Mukhang nainis na rin si Reeve dahil doon. Ngunit ako ay muling huminga nang malalim. At least alam na niya ang nangyayari sa akin mgayon.   "I'm mad. I'm jealous and I want to go home already because of thay fvcking man. How could he act like there's no past between the two of you?"   I know, Reeve. I know. Iyan din ang pinagtataka ko.   "Alam na ba niya na may boyfriend ka na?"   "Oo. Iyon agad ang sinabi ko noong nagkita kami sa sementeryo. Reeve, I won't deny the fact that I have you as my boyfriend."   Nakahinga nang maluwag si Reeve sa sinabi ko.   "Just let me know kung nagte-take advantage pa ang lalakeng iyan sa'yo. Simasabi ko sa iyo, Destiny... uuwi ako kung kailangan kong suntukin iyang Gael na iyan para magising sa katotohanan na akin ka." Mariin na sabi nito sa akin. Wala akong nagawa kundi tumango na lamang sa sinabi niya.    Lumipas pa rin ang araw at nangungulit pa rin sa akin si Gael. Sinusubukan kong ignorahin ang lahat ng iyon ngunit malapit na din talaga akong mapuno. Sa tuwing lumalapit siya sa akin pakiramdam ko ay nagkakasala ako kay Reeve.   "Destiny, sabay tayo sa lunch ngayon. Nagluto ako mismo ng paborito mong adobong manok. 'Di ba iyon ang paborito mong recipe ko?"   Nagpatuloy ako sa paglalakad at inignora si Gael. Maya-maya lang ay bigla niyang hinigit ang kamay ko na ikinabigla ko.   "Gael, ano ba?!" Asik ko sa kaniya at agad na hinila ang kamay ko. Maging siya ay nabigla na rin.   "Destiny..."   "You are ignoring the fact that we have a past! Iniiwasan kita pero heto ka at pinagsisiksikan ang sarili mo sa akin. Hindi kita maintindihan, Gael!"   "Destiny, I'm trying to fix everything between us."   "You can't fix something that is already broken, Gael. Kahit paulit-ulit mo akong suyuin, sira na tayo. We can't be friends again  just like what we've used to be. We can treat each other casual that's all I can offer." Matigas na sabi ko at huminga siya nang malalim.   "Destiny, ayusin natin."   "Anong aayusin? Iyong pagtrato ko sa'yo o ang relasyon natin?"   Gael was taken a back because of my question. Napangiti ako nang mapait. His reaction says it all.   "Mahal pa rin kita, Destiny."   Umiling ako. "Mahal mo ako pero hindi mo na ako pag-aari, Gael. Ex na lang kita ngayon at si Reeve na ang boyfriend ko!"   Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.   "Sino ba iyang Reeve na iyan, Destiny?! Ano bang ipagmamalaki niya sa pinagsamahan nating dalawa?"   Napangisi ako sa tanong niya at napailing. Ano ba ang nangyayari sa'yo, Gael? Parang ang kapal naman na ata ng mukha mo para tanungin ang relasiyon namin ni Reeve ng ganiyan?   "Reeve is someone who didn't left me. Reeve did everything to gain my trust and love even there's no guarantee that I'll love him back. He takes a risk to get my sweetest 'yes' and did some efforts with all his sincerety. That's Reeve, Gael. Reeve is my everything right now and my feelings won't be confused just because you've showed up again."    "Paano naman ako? Umasa akong babalik ka pa. Umasa ako na matibay din iyong nararamdaman mo sa akin."   Pagak akong natawa sa sinabi niya.   "Matibay din? Hindi ba't ang pagmamahal mo ang marupok? Niloko mo ako noong tayo pa, Gael. Iyan ba ang pinagmamalaki mong matibay na pagmamahal?"   "It's all because of lust."   "Anoman ang ikatuwiran mo, it won't change the fact that you didn't become loyal to me, Gael. Just back off bago pa tuparin ng boyfriend ko ang sinabi niyang uuwi siya dito kapag hindi mo pa ako tinigilan."   Hindi nakapagsalita si Gael sa mga sinabi ko. Kahit naiinis ako ay nagawa ko pang bumuntong-hininga at kalmahin ang sarili ko. "Be a good father to your child. Tantanan mo na ako at maging masaya ka sa kung anong meron sa'yo. Suffer the consequences of being a father. Lead a better life, Gael. As your ex, I still wish you to find a stable woman that will cherish you more than I did. Bye."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD