Chapter 3

1227 Words
Destiny.    Akala ko sa chat lang ang Ghosting ngunit pati din pala dito uso din iyon.    Ang pagdalaw ni Reeve dito sa bahay ay kailanman hindi na naulit. Panay buntong-hininga tuloy ako at napapaisip na false alarm lang pala iyon?   "Apo, saan mo balak pumunta ngayon? May pupuntahan ka ba?" Tanong ni Lola.   Kasalukuyan akong nakaharap sa laptop ko at nagtitipa upang gumawa ng isang powerpoint presentation sa isang lesson ko.   "Wala naman po. May pupuntahan ba tayo, La?" Balik na tanong ko. Sabado naman ngayon kaya walang pasok.   "Bumili ka lang ng grocery natin. Paubos na iyong mga stocks natin dito."   Napatango naman ako. Nilista na ni Lola iyong mg bibilhin ko samantalang mabilis ko naman na tinapos ang ginagawa kong powerpoint upang makapag-ayos na ng sarili ko.   Nagpaalam ako pagkatapos kay Lola at ginamit ang sasakyan na naipundar ko isang taon na ang nakararaan. Matipid ako at medyo kuripot pero hindi ko ikinakahiya iyon. Natuto lang kasi ako na gamitin sa wasto ang perang pinaghirapan ko.    Natutuwa naman si Lola dahil natutunan ko daw na maging mahigpit sa paghawak ng pera. Minsan nga ay binibiro niya ako na pwede na akong mag-asawa dahil kaya ko na daw mag-budget para sa sarili kong pamilya.    Pamilya? Magkakaroon kaya ako ng bagay na iyon?    "Ingat ka, Destiny."   "Opo." Magalang kong sagot bago tuluyang umalis.    Wala gaanong trapik kaya naman madali ko lamang narating ang bayan upang bumili ng kakailanganin. Sa isang Grocery store ako pumasok.    Tahimik lamang akong nagtitingin ng mga bibilhin nang biglang may tumabi sa akin. Napaigik pa ako sa gulat at napa-facepalm na lamang nang makita si Reeve.    Bakit parang kabute ang isang ito? Bigla na lamang sumusulpot sa kung saan-saan. Gusto ko na talagang tanungin kung stalker ko ba siya.   "Hey, My Destiny. Kamusta? Haven't heard about your for almost a week."    "Huh? Bakit kasi hindi ka dumalaw sa bahay?"   Bigla ay parehas kaming natigilan sa sinabi ko. Tumikhim ako at hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng pisngi ko.   "Fvck, hinihintay mo ako?" Bigla ay ngumisi siya nang nakakaloko sa akin dahilan para mairita ako sa kaniya.   "No. Dalawin mo si La." Kinabig ko siya upang maitulak ko ang push cart ko pero hinarangan niya lang ako kaya inangatan ko siya ng kilay.   "Busy ako nitong nakaraang aras. Hinahanap din kita sa coffee shop pero hindi ka dumating."    Natigilan ako. Bakit nagpapaliwanag siya sa akin? Close ba kami?   "Tigilan mo na ako. Ayokong makipaglaro sa'yo, Reeve. Bigla ka na lang sumusulpot sa buhay ko para guluhin iyon."   Nakita ko kung paano siya napaatras sa sinabi ko. Akala ko naman hihinto na siya sa kakasunod sa akin pero sinusundan niya pa rin ako. Nakapamulsa ito at seryosong nakatingin sa bawat galaw ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. Ugh, wala ba siyang gagawin? Bakit ba niya ako pinag-aaksayahan ng oras?   "Wala ka bang gagawin? Sinong kasama mo na pumunta dito?" Tanong ko.    Nakita ko na kumibot ang labi niya sa paraan ng pagtatanong ko.   "Actually, kararating ko sa bahay niyo nang sinabi ni Nanang na bumili ka daw ng grocery kaya naman sinundan kita."   Binigyan ko siya ng walang ganang tingin at tinalikuran siya upang ipagpatuloy ang pagbili ko ng mga kailangan namin.   Nang matapos ako ay agad kong binayaran lahat ng iyon sa counter. Si Reeve ay nasa likuran ko pa rin. Para tuloy akong may instant body guard dahil sa kaniya. Mukha siyang ewan na nakasunod sa akin.   Naka-limang supot ako ng grocery. Kukunin ko sana iyon nang agawin bigla sa akin ni Reeve ang mga supot.   "Hey!"   "Oh? Hindi pwedeng magbuhat ng mabigat ang mga babae mamaya hindi na tayo magka-anak."   Napanganga ako sa sinabi niya. Did he just say, 'baka hindi na tayo magka-anak' ?   "Close your mouth, babe. Tara na."   Napapikit na lamang ako at kinalma ang sarili ko. Gusto akong tulungan ni Reeve pero bakit ganon? Naiinis ako pero kinikilig din? Argh.    Sinundan ko na lamang siya. Ako na ang nagbukas ng compartment ng sasakyan ko para doon niya ilagay ang lahat ng pinamili ko.   "Salamat." Sabi ko pagkatapos niyang ilagay lahat ng supot doon. Sinara ko iyon at binalingan siyang muli.   "Uwi ka na. Huwag ka ng gumala. Mukha kang ewan. Alis na ako. Salamat ulit."   Tinalikuran ko na siya at sumakay ng kotse ko. Napabuntong-hininga ako bago inistart ang makina ng sasakyan ko. Binalingan ko ulit si Reeve sa puwesto niya at nakita ko kung paano gumuhit ang malawak na ngiti sa labi niya dahil sa paglingon ko.   "Ingat ka, babe." Aniya at nag-flying kiss pa.   Napangiwi na lamang ako at nagkunwaring walang pake at umuwi na lamang.    Mabilis na lumipas ang araw at lunes na naman. Maaga akong pumasok dahil may flag ceremony. Ang bibo ng mga bata dahil unang araw ng klase sa buong linggo.   "Teacher Des, paturo naman po ako nito." Biglang nilapag ni Kit ang pangkulay nito sa harapan ko.   Agad ko naman siyang tinulungan sa pagkulay ng butterfly na drawing niya. Mabilis turuan si Kit at napakatalinong bata. Isa siya sa mga umaangat na studyante ko. Kakaiba ang bibo nito at magaling sa pagguhit.   "Thank you po, Teacher Des." Aniya at bumalik na sa kinauupuan niya. Sinuklian ko lamang siya nang matamis na ngiti bago bumalik sa pagmamasid pa sa ibang bata.   Nang mag-uwian ay dali-dali akong nagligpit ng gamit ko. Maghahanda ako dahil bukas na ang kaarawan ni Lala Rosita. Balak kong bumili ng regalo ngayong araw para sa kaniya.    Lihim akong napangiti sa isipin na matutuwa ito kahit gaano pa kasimple ang regalo ko sa kaniya. Hindi naman kasi materyalistiko si La. Kahit konting bagay lang naa-appreciate niya agad ako. Alam niya na kahit gaano kaliit ang effort ko basta naalala ko siya, masaya na siya.   She's too kind and soft. Hindi talaga ako magsasawang magpasalamat na nakilala ko ang isang katulad niya. Masaya ako na siya ang nagpalaki sa akin. Kulang man ako sa pagmamahal ng magulang ko, binusog naman ako ng pagmamahal niya bilang Lola ko.    "Destiny!"    Humahangos na lumapit sa akin si Kris. Mukha siyang nata-tae na ewan. Agad na nagsalubong ang kilay ko kasi parang anytime ay maiiyak ito.   "Bakit? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko. Gusto nang bumuka ng bibig niya pero tila kinakabahan ito.   "Friend, na-stroke si Lola mo. Nasa Xaint Hospital siya ngayon."    Parang nabingi ako sa sinabi niya. Nanghihina akong napaupo at natulala na lamang. Totoo na naman ba ito?   Paano nangyari? Malakas si La. Nakipagtawanan pa ako sa kaniya bago ako umalis.   Mabilis kong kinuha ang bag ko at dali-dali na lumabas ng faculty at nagmaneho papuntang ospital.   Agad kong hinanap ang kuwarto kung saan nakaratay ang nahihimbing na Lola ko sa kama niya. Isang lalake ang naabutan ko roon at hawak ang kamay niya.   "La..." Mahinang anas ko sa pangalan ng Lala ko.   Tumayo si Reeve at lumapit sa akin.   "Critical ang Lola mo, nadiskubre ng Doctor na may malubha na din palang sakit ang Lola mo sa puso. I'm sorry, Destiny."   Umiling ako. Mabilis na pumatak ang luha sa mga mata ko. Anong kasinungalingan ang naririnig ko ngayon? Hindi maaari.   "Destiny, andito lang ako." Mahinang sambit ni Reeve.   "Wala akong pakialam sa'yo. Si Lola ang gusto ko!" Asik ko at bigla na lamang napahagulgol.   La, gising ka na agad. Mag-celebrate tayo ng birthday mo bukas. Be strong para sa akin, please. Kasi wala na akong kasama. Ayokong maiwan mag-isa. Hindi ko kaya at alam mo iyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD