Chapter 51

1120 Words
Chapter 51       “Saang cosplay naman kayo nagsusuot?” nakangising tanong sa kanila ni Vim pagkatapos nila itong makasalubong sa pinto.   Kumunot ang kaniyang noo. Nabastusan siya sa sinabi nito. Mukhang gano’n din si Gorgie.       “Sa expensive cosplay na hindi afford ng isang fake na kagaya mo!” sarkastikong sagot ni Gorgie rito saka dire-diretsong naglakad ngunit huminto rin ito sa tapat ni Vim. Hindi ito nagbalak lumiko o umiwas. “Puwede bang tumabi ka sa daraanan kung wala ka namang maganda na sasabihin? Nakakaimbyerna kasi ‘yang pagmumukha mo.”    Nagpigil siya ng tawa pagkakita sa mukha ni Vim na hindi na maipinta sa nakakatuwang pagkakunot niyon pagkatapos itong batuhin ng maaanghang ng kaniyang kaibigan.       Ang kaninang ngiti na nasa gilid ng kaniyang labi ay tuluyang sumilay pagkatapos tumabi ni Vim sa gilid ng daan. Nais niyang sabihin na cool sobrang cool ni Gorgie.    Nilingon niya si Vim at nginitian pagkatapat niya sa dating presidente. “Thanks,” she mouthed at the frustrated girl.       “Vim! Are you okay?” Boses iyon ni Dien na kaniyang narinig. Hindi niya naiwasang mapangisi.    Natanaw nila ang tatlo na nag-uumpukan na naman sa kanilang puwesto. Nakaupo si Ruan sa ibabaw ng kaniyang arm desk.       “They are here!”       Pagod siyang napaakbay napaupo sa arm desk ni Graza. “Nag-audition ka talaga sa cheerdance?” blangko ang tingin na tanong sa kaniya ng kapatid. “May oras ka pa ba para sa practice niyon?”     Nanliliit ang tingin na iniukol ni Ruan sa kanila. Ipinagpalit-palit nito iyon sa kanilang dalawa magkapatid.       “Why?” hindi nakatiis na tanong ni Graza rito.   Nagkibit-balikat ito. “Base kasi sa sinabi mo, tila ba siguradong-sigurado ka naman na makukuha ‘yang dalawa…” Prangkang komento ng kaibigan sa mahinang boses. Nagkatinginan silang dalawa ni Graza habang kapwa sila nagpipigil ng tawa.     “What’s so funny?” litong tanong sa kanila ni Ruan. Awtomatiko siyang nag-iwas ng tingin at nakayukong nagmaang-maangan.       “You won’t believe this, guys!” sabat ni Gorgie saka umahon ng tayo mula sa pagkakaupo sa sahig.       “What is there not to believe?” tanong ni Ruan sa kanila.     “Pasado kami sa audition!” masayang pagbabalita ni Gorgie saka pumalakpak.   Nanlalaki ang mga matang iniukol sa kaniya ni Ruan. “How? Akala ko ba kanina lamang kayo nagpractice dalawa?”  Nakangiti siyang inakbayan ni Gorgie. “Sabi ko sa’yo… It was not a miracle. Emrys is indeed a great dancer! A lot of better than me.” Tatangu-tangong paliwanag ni Gorgie na ikinakamot niya sa ulo.       “T-Thanks, Gorgina!” nahihiyang pasasalamat niya sa pagpuri ng kaibigan.       “Ibig sabihin—” nabitin sa ere ang sinasabi ni Ruan habang nakaturo ito kay Graza na nakangiti lamang nang malawak habang nakatikom ang bibig. “Graza, you talk! Please explain to us everything…” Nagkatinginan sila ng kapatid. Apologetic itong ngumiti sa kaniya at napatango naman siya sa huli.     Tahimik lamang na nakikinig si Emanya sa kanilang normal na pagtatalo magkakaibigan. Napakamot sa ulo ang kaniyang kapatid bago ito nagsalita. “Emrys learned to dance from professional dancers… Simula pagkabata iyan ang unang talento na inaalagaan niya,” amin nito sa mahinang boses na ikinasinghap ng kanilang mga kaibigan.       “Oh em gee!” natitilihang sambit ni Ruan. “Ikaw na talaga, Emrys! Una si Pinunong Salya, pangalawa anak ka ni Delta Luki, pangatlo si Gila, sa pang-apat heto, ngunit huwag mo sasabihing kilala naming lahat ang coah mo! Sa’yo na talaga ang crown of the werewolves reign..”       “Sira!” Naiiling siyang napahagalpak ng tawa dahil sa kadaldalan nito. “Anong Gila? Mamaya may makarinig sa’yo riyan.” Tinawanan lamang sila ng kanilang mga kaibigan. Sumeryoso naman ito kapagdako. “Seryoso… Sino ang coach mo, Emrys?” hindi nakatiis na tanong ni Gorgie sa kaniya.       “Si Coach Debby,” nakangiting sagot niya rito. “Huwaaat?!” malakas na tili nito sa kaniyang sagot.       “Bakit para kang nakakita ng multo, Ruan?” hindi nakatiis na sambit ni Emanya. Sa wakas ay nagsalita na rin ito.  Hinampas ito sa braso ni Ruan. “Hindi mo alam?!” nanlalaki ang mga matang tanong ni kay Emanya. “May librong isinulat para sa kaniya ang dama ng hari ng mga tao. Sumikat iyon noon sa buong kalupaan ng Hanyas. Nagdulot ng malaking kaguluhan sa pagitan ng mga tao at asong lobo sapagkat ang nakatakdang pakasalan ng Alpha Aruw na ninuno ni Alpha Raun ay ikinulong ng haring iyon sa loob ng kaniyang palasyo. Ang luna na iyon ay walang iba kundi ang anak ng ninuno ni Alpha Akal ng Hethigo. Nagdulot iyon ng malaking alitan sa dalawang panig kaya naman hanggang ngayon ay nanatiling may lamat ang relasyon ng dalawang pack…” Mahabang paliwanag ni Ruan na ikinatigil niya rin.       Hindi niya alam iyon. Natigilan siya. Kaya ba nanatiling nakakulong ang kaniyang Coach sa dulo ng lupain ng kaniyang ama kung saan nakatayo ang mansion nito?       “Totoo ba, Emrys?” kyuryos na tanong sa kaniya ni Gorgie.     Umiling siya rito. “Iyan ang hindi ko alam, Gorgie…”       “S-Sorry,” biglang paghingi ng paumanhin ni Ruan sa sarili nitong kadaldalan.       “Iyang bibig mo kasi, Ruan,” hindi nakatiis na puna ni Emanya rito. “Walang preno kung minsan. Awtomatiko tuloy na napatikom ng sariling bibig si Ruan pagkatapos marinig ang sinabi ni Emanya. “Grabe ka naman,” anito sa kaibigan. “Nagkukuwento lang naman ako rito…” pagtatanggol nito sa sarili.       “Ah, basta… Sa susunod, pag-isipan mo muna kung walang masasaktan sa kuwento mo,” ani Emanya rito.       “Sorry ha,” anito saka ito padabog na naglakad paalis.       “R-Ruan!” habol niyang tawag dito ngunit dire-diretso lamang ito sa paglalakad patungo sa likod.    “Hayaan mo na siya, Emrys,” saway sa kaniya ni Gorgie. “Hindi masama ang sinabi ni Emanya. Nagtatampo lang ‘yan ngayon pero mahihinuha rin niya iyang pagkakamali niya kapagdako.”       Kagat-labi siyang nag-alinlangan. “Wala naman kasi siyang sinabing masama, guys. Hindi ko naman dinibdib iyon…” Seryosong pahayag niya sa mga ito.       “Iyon ang sa’yo, Emrys… Pero nakita mo naman kung paano siya mag-react, hindi ba?” blangkong tingin na tanong sa kaniya ni Emanya.       Hindi na lamang siya umimik.            Tahimik itong tumayo at naglakad na paalis. “Babalik na ako sa upuan ko,” seryosong paalam ni Emanya bago ito naglakad paalis. Nagkatinginan silang dalawa ni Gorgie. Inaasahan niyang magpapaalam na rin ito.     “Emrys, huwag mo na lamang pansinin ang attitude ni Ruan. Ganiyan lamang talaga siya at maya-maya rin naman ay ayos na iyan,” ani Gorgie sa kaniya.   Tumango siya rito. “Huwag kang mag-alala, Gorgie… Ganiyan lamang iyan si Emrys.”                                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD