Chapter 50

1117 Words
      “Miss Emrys, may tumatawag po sa phone mo!” pasigaw na sambit ni Homie sa kaniya.       Ito ang dalagang katulong na kaedaran lamang din nilang dalawa ni Graza.  Napahinto siya ng atake sa kalaban at ibinaba niya ang personal na gamit na Wooden Chako. Iyon ang paborito niyang gamit sa pag-eensayo ng martial arts.     Pawisan siyang naglakad palapit sa bangko na kinaroroonan ni Homie. Hindi nawala ang ngiti nito sa mga labi. Ngumiti siya pabalik rito pagkatapos niyang abutin ang sarli niyong phone. “Thanks, Homie!” pasasalamat niya nang sunod siya nitong abutan ng malinis na towel.   Naglakad siya paalis pagkatapos niyang sagutin ang tawag ni Gorgie. “Napatawag ka?” medyo hinihingal pang tanong niya sa kaibigan. “Napatawag ka riyan. Bruhang ‘to. Nasa’n ka na, uy!” untag nito sa kaniya na bahagyang ikinalaki ng sariling mga mata. Nabitawan niya ang hawak na botelya ng tubig dahil sa sobrang pagkagulat. “Ouch!” Nakangiwi niyang nailayo ang phone mula sa kaniyang bibig.     Sobrang sakit ng mga daliri sa kaniyang paa. Aksidente iyong nabagsakan ng botelya na puno ng laman ng inuming tubig.    “Anyare, Emrys?!” gulat nitong tanong sa kaniya.       “W-Wala ‘to,” tanggi niya rito habang nakangiwi pa rin. Tuliro niyang ibinagsak ang sarili sa madamong parteng iyon ng kanilang hardin at sinuri ang namumulang daliri sa paa.      Narinig niya ang pagpakawala nito ng isang malalim na buntong-hininga sa kabilang linya. “Sigurado ka ba? So ano na nga? On the way ka na ba?” Sunod-sunod na tanong nito na dahilan kung bakit siya napapikit at napahilot sa sentido ng sariling ulo.       “I’m sorry, Gorgina, mali-late ako but I’ll be there!” hingal niyang sagot dito.       “Ha?” maang nitong sambit. “Kanina pa kaya kita hinihintay…” Ramdam niya ang hinanakit nito.       “But wala kang ibinigay na eksaktong oras,” nakangiwing saad niya saka siya muling tumayo. Nailalakad niya naman na ulit ang paa. Mukhang nasaktan lamang talaga ito sa impact.     “Hmp!” tanging impit na tunog ng pagtatampo nito. “Fine… Before eight, dapat nandito ka na. And also, dumiretso ka na rito sa gymnasium!”  Napangiti siya sa huli. “Noted, ma’am!” pang-aasar niya rito.     Tinakbo niya ang pinto papasok sa loob ng kanilang mansion at napahinto nang tawagin siya ng kapatid. “Saan ka pupunta, Emrys?” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “I’m going to school!” agad niyang sagot dito. “You don’t have to come with me this early. Kita na lamang tayong mamayang tanghali kapag resume na ng klase, ha?”      “What?” maang na tanong nito mula sa malayo. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Time is running. “Basta! Ipagpatuloy mo lang ‘yan!” bilin niya rito saka nagmamadaling tumakbo papasok sa loob hanggang sa makaakyat siya sa sariling kuwarto.   “Emrys!” pawisang salubong sa kaniya ni Graza pagkababa niya ng hagdan. Pinapatuyo nito ang sariling pawis gamit ang towel nito. Ilang minuto lamang ang nakalipas pagkatapos niyang matapos.       “Saan ka naman pupunta?” kunot-noong tanong nito sa kaniya.   “School,” mabilis niyang sagot.           Mas lalong kumunot ang noo nito dahil sa sinabi niya. “This early?” maang na sambit ng kapatid. “Going out without me at ano naman ang gagawin mo roon?” Napakamot siya sa kaniyang leeg. “Time is running… Let me just call you to save our time, huh?” pakiusap niya rito habang iwinawagayway niya ang hawak na phone dito.      “What?” nalaglag yata ang panga nito sa tinuran niya. Tinawagan niya nga ang phone nito. Nagring naman iyon agad na ikinangiti niya. Sinenyasan niya ito na sagutin iyon.       “Y-You’re funny,” anito.       “This is time appreciation and not your whatsoever.” Inikot niya ang mga mata saka na ito tinalikuran. Tinawanan lamang siya ng kapatid.  Napangisi naman siya pagkakita na sinagot nito iyon. Inilapit niya iyon sa kaniyang tainga.       “Hindi mo suot ang maskara mo, uy!” untag nito sa kaniya sa malakas na boses. Sinundan nito iyon ng malakas na halakhak na ikinahinto niya sa pagkapahiya.       Mariin siyang napapikit.       Inis niyang ibinaba ang kamay na may hawak na cellphone at masama ang tingin sa kapatid na naglakad patungo sa hagdan. “Thank you, ha?” asar-talo niyang sambit dito.    Umiiling na napahawak ito sa sariling tiyan. “Huwag ka nang umakyat. Maghintay ka lamang diyan.”       Maang siyang napatingin dito habang nanliliit ang mga mata. Naikiling niya ang ulo sa kanan nang humahangos na sumulpot si Homie.       Bitbit nito ang maskara niya. “Miss, heto na po!” Walang hinto itong tumakbo pababa hanggang tuluyang makalapit sa kaniya.       “T-Thank you!” Mabilis siyang tumakbo paalis pagkatapos.    “Graza,” untag niya sa kapatid nang tuluyan na siyang makasakay sa kotse.       “Uh?” tipid nitong sagot sa kabilang linya. “Nagpapasama sa’kin si Gorgie mag-audition sa cheerdance kaya naman maaga akong pupunta ngayon sa school. Magkita na lamang tayo mamaya. Mamaya ka na lamang sumunod para hindi tayo mapagalitan nina mama pareho… I’ll take care, babye!” Hindi niya na ito hinintay pa na magsalitang muli at tuluyan niya nang pinatay ang tawag.      Inirelax niya ang kaniyang likod sa backseat. Kailangan niyang ipahinga ang isip at utak upang kumalma siya kahit papaano.   “Emrys!” Kitang-kita niya ang pagliwanag ng mukha ni Gorgie pagkakita sa kaniya. Nabuhayan itong bigla. Sinulyapan niya ang oras sa kaniyang cellphone. Five minutes bago mag-eight. “Sakto lamang ako, ah.” Napahagikhik naman ito ng tawa.   Napansin niya na silang dalawa pa lamang ang tao sa loob. Tumayo ito at hinampas siya sa kaniyang balikat. “Tumayo ka na rin niyan at kailangan na nating magpraktis…”      Nanlaki ang mga mata niya. “Natin?” Itinuro niya ang bawat isa sa kanilang dalawa.   Tumango naman ito. “Siyempre naman… Alangan naman na ako lamang ang magpraktis mag-isa? Para saan pa at inanyayahan kita rito…” Naikiling nito ang ulo sa kanan.    Nalaglag yata ang kaniyang mga mata dahil sa narinig.       “Ano?!” gulat niyang sambit. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata sa sobrang pagkagulat. “You mean ako ang kaduo mo sa audition mo mamaya?”       Labas sa ilong itong huminga. “Exactly!” Ipinagkrus nito ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito. Napapadiyak sa sa gulat. “Nagbibiro ka ba? Hindi pa ako nakakasayaw sa public! Baka mapahiya ka lamang!” sambit niya rito.     Inirapan lamang siya nito. “Don’t worry… Hindi ako mapapahiya. I can tell na magaling ka.”     Naisapo niya ang kaniyang kanang palad sa noo. “Nagkakamali ka, Gorgie…”       “Sige na,” pagmamakaawa nito sa kaniya. “Kahit ngayon lamang.                                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD