Chapter 49

1437 Words
“Yeheey!” Napatalon si Emrys sa sobrang katuwaan na kaniyang nararamdaman. “We are going to throw a pajama birthday party for Graza! Omo! This would be totally fun, Skiah!”       Para siyang timang na nagtatalon at nagpapalakpak sa ibabaw ng kaniyang malambot na kama habang kinakausap ang inosenteng halaman.       Nang mapagod ay hinayaan niyang saluin ang kaniyang likod ng malambot na kama. “I’m going to be busier…” Napangiti siya. Naniniwala siyang magiging worth it naman ang magiging paghahanda niya. Mapapasaya niya ang kapatid.       Hindi siya makapaniwala na pinayagan siya ng kaniyang ina na mag-organize ng party na iyon.     Tumayo siya at inilabas ang isang bagong notebook. Sinadya niya ang bago upang wala pang masulat at mas magiging organize ang mga plano niya. Umabot siya ng isang ballpen sa box at nag-umpisang magsulat.      Pajama Birthday Party for Graza:       Iyon ang naging pamagat ng kaniyang plano. Nagsimula muna niyang in-organize ang magiging flow ng party upang hindi siya mawala.     “Hmn… Sino kayang bagay maging emcee?” Nahulog siya sa isang malalim na pag-iisip.    Bahagya siyang nagitla nang biglang tumunog ang kaniyang phone. May pumasok bigla na napakagandang ideya sa kaniyang utak pagkakita sa pangalan ni Gorgie.       “Just right on time!” Excited niya iyong sinagot. “Gorgieee!” mahabang tili niya sa pangalan ng kaibigan. Katahimikan ang namayani pagkatapos ng mahaba niyang pagtili.  “Gorgina?” muling tawag niya sa pangalan ng kaibigan? Lubos siyang nagtataka. Ito ang tumawag tapos ito pa ang walang balak magsalita ngayon. Seryoso?   “Wait…” Nagsalita naman ito sa wakas.       “Uh?” gulat niyang sambit. “Okay. Take your time!”       “I’m back,” anito kapagdako. Napatango naman siya kahit hindi siya nito nakikita at nag-umpisa siyang maglakad patungo sa terrace upang mas maganda ang scenery habang nag-uusap sila ng kaibigan.       “Hoy, Gorgie!” untag niya rito. “Mukhang busy ka pa yata, pero nagawa mo pa rin akong tawagan. Anong meron?” pabirong kuwestiyon niya rito habang nakangisi siya.       Isang mabigat na buntong-hininga ang narinig niyang pinakawalan nito sa kabilang linya. “Duh!” asik nito. “Ikaw dapat ang tinatanong kung bakit bigla-bigla ka na lamang natili riyan. Mukhang may balak ka pa yatang sirain ang eardrums ko…” Natatawang napatakip siya sa kanyang bibig pagkarinig sa complain ng kaibigan. Kagat-labi siyang nanghingi ng tawad dito. “I’m so sorry… but why did you call?” pag-iiba niya ng usapan.       “Hindi ba naikuwento ko sa inyo na gusto kong sumali bilang cheerdancer?” seryosong tanong nito sa kaniya. Nananantiya ang boses nito.       “Yes,” mabilis niyang sagot. “Naaalala ko nga ‘yan…”   “Hmn…”      Nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapagtanto ang nais nitong ipahiwatig. “Omo! Huwag mo sabihing…” Nagulat siya. Naunahan pa nga siya ng excitement.       “Yup!” masiglang sambit nito sa kabilang linya. “Open na nga sila ulit, Emrys. I’m going to audition tomorrow!”  Napangiti siya. Tunay siyang masaya para rito. “Go for it! Kami naman ang cheerers mo sa bench!” Sinundan niya iyon ng mahinang tawa.       “Kaso may konting problema pa rin, eh…”       “Huh?” Nabingi yata siyang bigla. “Anong problema ang tinutukoy mo?”       “By group of three ang audition at walang may gustong makipagsanib puwersa sa’kin.” Narinig niya ang pag-iyak nito sa kabilang linya. Napalunok siya. “P-Paano ‘yan?” nag-aalalangang tanong niya rito.       “We are a great friends, right?” biglang tanong nito na ikinahinto niya.       Hindi agad siya nakasagot ngunit nanatili naman siyang alerto. “Oh, siya… Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa,” mariing sambit niya. Nahuhulaan niya na agad ang sasabihin nito.      “Ganito kasi ‘yan… Hmn.” Ilang sandali ang namagitan sa pagsasalita nito ngunit tahimik siyang naghintay. “Alam mo naman kasi na ikaw, si Graza, Ruan at Emanya lamang ang ultimate and only friends ko sa school kaya naman kayo na lamang ang pag-asa kong ma-recruit.”       Para itong nanlalantang bulaklak sa huli nitong sinabi at siya naman ang pinagbagsakan nito.       “What exactly do you want me to do, Gorgie?” nanlalaki ang kaniyang mga mata sa kaba.       “Kasi alam mo naman na sa ating grupo, napakamahiyaan nina Graza at Emanya. They are not the type of person who will dance in—”       “Don’t you worry… I understand yo—”      “What?!” natilihan itong bigla na ikinagulat niya.       “Huh?” maang niyang sambit. Nalito na yata siya.      Narinig niya ang pagpalakpak nito sa kabilang linya. Daig pa nito ang bata na nabigyan ng candy. “Thank you so much, Emrys! Hulog ka talaga ng langit. You’re not a wolf… Isa ka talagang anghel!”    Bahagya niyang nailayo ang speaker ng phone mula sa kaniyang tainga.       “Ano bang pinagsasabi mo, Emrys?” Napakamot siya sa kaniyang ulo at naikiling nang bahagya ang ulo sa kanan. “W-Why are you suddenly happy?” “Siyempre naman, Emrys!” sambit nito na para bang wala siyang kamalay-malay sa nangyayari sa mundo. “You give me hope. I love you so much, my friend!” Napatanga siya sa kaniyang narinig. Anong nangyayari? Wala siyang natatandaan na ipinangako rito. Isa pa, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya para rito.       “T-Teka lang… Hindi ko gets. Anong gagawi—”       “Yes, mom!” biglang sambit nito. Mukhang kasalukuyan nitong kausap ang ina kaya itinikom niya muna ang kaniyang bibig.       Ilang sandali na nawala ito kaya naman pinagmasdan niya ang phone kung connected pa rin ang kaibigan. Connected pa rin naman pala.    “Gorgie?” mahinang tawag niya sa kaibigan.       “Ah, yes, Emrys!” anito. “Thank you much! Aasahan ko ‘yan, ha? Magkita na lamang tayo bukas sa school at pinapababa ako nina mom.”       “Uh. Okay.”       “Bye-bye!” paalam nito sa kaniya.       “Bye,” wala sa sariling sambit niya.       Ilang sandali na ang nakalipas pagkatapos ng usapan nila ni Gorgie ngunit nanatili siyang tulala habang inaalala ang tinutumpok ng usapan nila kanina. Kapagdako’y napahugot siya ng isang malalim na hininga at napalabi. “Argh! Ni hindi ko man lang nasabi ang balak ko…” Nakasimangot niyang tinapunan ng sulyap si Skiah.   Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga saka ipinagpatuloy ang kaniyang naiwan na gawain. “Hindi bale, ipagpapatuloy ko na lamang ito at bukas na ako makikiusap kay Gorgie.”        Nagising siya sa init ng sikat ng araw na dumadampi sa kaniyang balat. Agad siyang naghanda para sa pagpasok. Excited na siyang bigla na makausap si Gorgina.       “Good morning, Graza!” masiglang bati niya sa kapatid nang magsing-abot sila nito. Naabutan niya ito sa hagdan.       Gulat siyang nilingon ng kapatid. “You are too early for today’s class,” kunot-noong sambit nito na ikinakunot ng kaniyang noo.       Bakit nga ba hindi rin siya nito kinatok agad?       “What do you mean?” mahinang tanong niya rito.       “Half day lamang tayo ngayon at afternoon ang resume ng klase dahil may meeting ang mga teachers sa ating mga directors ngayong umaga,” seryosong paliwanag nito habang tinatantiya ang kaniyang reaksyon.       “Hindi ko alam,” napakamot siya sa kaniyang ulo.      “Sinabi ni Gorgie kahapon,” maang na sagot nito. Napakamot siya sa kaniyang ulo. Gorgie again. “Gano’n ba?” Naikiling niya ang ulo sa kanan. Marahil abala siya nang nagsalita ang babae kaya naman hindi niya narinig ang sinabi nito.   Tumango naman ang kaniyang kapatid.    Kyuryos niyang ipinulupot ang kamay sa braso ng kaniyang kapatid upang tanungin ito sa isang bagay. “Did someone call you last night?” ungkat niya rito.  Kumurap-kurap ang kaniyang mga mata habang nakatitig dito. Nagsalubong ang mga kilay nito at tinawanan siya. “Ayos ka lang?” sarkastikong tanong ng kaniyang kapatid. “You’re acting so weird…”     Naiiling nitong iwinaksi ang kamay niya at patakbo siyang nilayuan.       “Ang sama mo, Graza!” pahabol niyang pangongonsensiya rito. “Tinatanong lamang kita nang maayos.”     Nanliliit ang mga mata na nilingon siya nito. “But you are making it sounds like I have a secret lover,” nakangising sambit nito.       Hindi niya iyon inaasahan.       “Ha? Of course not…” Oh my!   Tumakbo na ito pababa ng hagdan kaya naman natatawa niya itong hinabol pababa.    “Ehem!”  Napahinto silang dalawa magkapatid sa paghahabulan nang marinig nila ang pagtikhim ng amang si Luki pagkabungad nila sa hapag-kainan.       “Good morning, ‘pa!” halos magkapanabay nilang bati rito.       “Good morning!” Muli nitong itinuon ang tingin sa binabasa. Nagkatinginan silang dalawa ni Graza saka lumapit na sa upuan.                     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD